"nagbukas" poems
Marahil di n’yo po tanto
Halaga ng leksyon ninyo
Bawa’t tula, gintong puro
Pag-ibig sa wikang Pino
Bawat talatang piniho
Nagbukas ng mata’t ulo,
Florante’y bayaning nobyo
Laura’y bayang Pilipino
Gurong minahal, idolo
Parang anak kami, oo
Kahit iba’y magugulo
Di malilimot, Mam Lojo . . .
Oct 24, 2017
Oct 24, 2017 at 9:10 AM UTC
Agosto at Setyembre 2015 –
Ika-19 ng Agosto, Crim. Mini Intrams na pinaka-una
Naging hurado si Mi sa pagguhit at pagpinta
Ika-10 ng Setyembre, ika-28 kaarawan ni Jo
Ipinagdiwang sa Crim., si Mi ay dumalo
Ika-15, nagbukas si Jo ng unang account sa BDO
Nananghalian sa Mang Inasal ang MiJo!
-11/11/2015
(Dumarao)
*4th MiJo poem
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:41 PM UTC
Komersyo ang nalagpasang kurso
Naging sundalo at Kalihim ng Tanggulan
Supremo ng mga Komunista ay napasuko
Unang nagbukas ng palasyo sa taumbayan.
-12/22/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:27 PM UTC
"O aking minamahal sinta,
Tara, kanta na tayo't magsimba.",
Kay sarap balikan ang mga araw na 'to,
Hanggang sa sarhan mo'ko ng pinto.
Laging kasama sa samahan
niyong umaawit,
Sa lugar kung saan nakakahingi
ng tulong sa langit,
Ang puso ko'y gusto sayo lumapit,
Sapagkat iyong ganda'y kaakit-akit.
Kaya ako'y nangarap...
"Sa pagtatapos ng aking paglalakbay,
Sana magwakas sa iyong mga kamay,
Sa kahit anong mangyayaring pagsubok,
Ikaw ang ninanais na maging palayok".
Umamin, nagbukas ng puso sa 'yong harap,
Habang ang mata ko'y 'di kumukurap,
Iba sa aking mga inaasa't iniisip,
Ang pangarap ay hanggang panaginip.
Lahat ng pawis, oras ng paghahanda,
Mapupunta lang pala sa wala,
Kaya't pag nakikita ako ng iba,
Nagkukunwari nalang na masaya.
Di naisip bituin ay masisira sa isang sulyap,
Dumating pa si Hudas sa aking harap,
Nakatikim ng halik ng isang taong mapanibughuin,
At laking galit pagkat siya ay isang taladkarin.
"O aking minamahal sinta,
Sensya na't dinaan sa makata,
Gawain ng isang taong nalulumbay,
Makakagawa pa ng akdang-buhay
Kaya sa mahabang panahon hindi magpaparamdam,
Para makuha ng Hudas ang kanyang inaasam,
Kahit ang puso ko'y nasisira't lumiliit,
Ako'y maghihintay kahit masakit.
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 10:20 AM UTC
Isang dosena na pala
Noong tayo'y nagsimula
Sino bang magaakala
Na mapapasakin ka
Isang dosenang rosas
Na tila susing nagbukas
Ng iyong damdamin sinta
Kaya di na naitago pa
Isang dosenang tula
Na sa puso nagmumula
Sana'y patuloy mapasaya
Gamit tong mga salita
Isang dosena na pala
Isang dosena pa sana
Sana di na magtapos to
Pagmamahal sayong totoo
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 10:47 AM UTC