"nagbakasakali" poems
Hiniling kong bumalik ka
Nagbabakasakaling maging tama.
Ninais kong manatili sa tabi mo,
Umasang mapansin mo rin ako.
Lumbay ng kahapon,
Nadama nang ako'y itapon
Tayo'y isang maling akala
Nagbakasakali't hiniling ko sa mga tala
Sa pagsulat ng mga titik at salita,
Nagbabakasakaling pagmamahal ay mawawala,
Pero tila hanggang ngayon
Pag-ibig ko'y sayo pa rin nakatuon.
Ayaw ko na sanang gambalain ka.
Alam ko namang ayaw mo na.
Tulad ng alon ay magpalaya,
Bakasakaling tayo'y maging maligaya.
Pagod na kong lumaban
Para sa mga taong nang-iwan.
Lugmok at luhaan,
Tulad nila'y isinantabi mo ko't sinugatan.
Sa aking pagbabakasakali
Baka sa tamang panaho'y magkitang muli
Tulad mo'y ipauubaya nalang kay tadhana
Ang pagdating ng taong magmamahal sakin ng tama.
Apr 9, 2019
Apr 9, 2019 at 7:35 AM UTC
Meron kang siya, meron pang isa
Paano pa magkakasiya?
Sa kwento ng buhay mo
May linya ba ako?
Nung mabasa ko ang isinulat mo
Akala ang tinutukoy ay ako,
Nawala ako sa isang sandali
Isang sandaling nagbakasakali
Hinigop ako ng mga salita
Damdaming buhay lang sa mga letra
Nagsusumigaw at nais kumawala
Ngunit sa takot kumakalma
Mga imaheng sa isip ko'y rumagasa
Habang binabasa ang iyong tula
Mga pagkakataong tumutugma
Lumitaw sa aking alaala
May kwento ang isinulat para sa nagsulat
Meron din ang nagbasa sa nagpabasa
Mga kwento na maaring makasugat
Kung ang mga bida ay magkaiba
Meron kang siya, meron pang isa
Maari pa kayang sumama
Sa kwento ng buhay mo
Sana may kabanata - ang ikaw at ako
Mar 20, 2019
Mar 20, 2019 at 9:19 PM UTC
Ilang gabi ring napuyat at nagbakasakali
Na ako'y iyong kakausapin tulad ng dati
Umaasang ang 'Goodnight' mo'y magbubunga
Ng pang-uusisa gaya ng 'Kumusta ka na?'
Pero marahil ay nakatulog ka na
Kaya siguro nanahimik ka
'di bale, ako'y inaantok na rin naman na
Pero bago matulog, iisang sulyap pa.
Jul 25, 2019
Jul 25, 2019 at 3:04 PM UTC