Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagaalinlangan" poems
Hindi alam kung pano sisimulan, nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan, Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan, Ilapat sa mensaheng ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan. Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula, Itoy dili iba't hindi inaakala, Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan, Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan. Mga pagsubok biglang dumarating, Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin. Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan. Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod. Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob. Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 11:09 AM UTC
Di Tugma
Hindi lang ikaw ang nalulungkot Hindi lang ikaw ang nag-iisip ng tungkol sa kamatayan Hindi lang ikaw ang nasasaktan Hindi lang ikaw ang nagaalinlangan sa kanya Hindi lang ikaw ang may maraming tanong at hindi makita ang sagot Hindi lang ikaw ang nahihirapan Hindi lang ikaw ang nakakaisip na sumuko na lang Hindi lang ikaw... Siguro nakikita mo lang akong masaya, nakakaya ko paring tumawa Nakakaya kong mag-bitaw ng mga magagandang salita na parang wala akong pinagdadaanan Na kaya ko paring maging positibo at magpatuloy lamang Ang katwiran mo'y wala pa kasi ako sa sitwasyon mo ngayon kaya hindi ko naiintindihan Kaya binabalewala mo lang ang sinasabi ko, binabalewala mo lang ang nararamdaman ko, Akala mo'y luha lang at walang laman ang bawat pag-agos ng aking luha Ngunit sadyang hindi ko lang kayang bigkasin ang mga salita
0
Jul 13, 2017
Jul 13, 2017 at 11:00 AM UTC
Untitled