Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nadulas" poems
Sintas Man Ay Kalas Luma Na At Pigtas Sapatos At Medyas Dibaleng May Pintas Kamisetang Butas At Maong Na Kupas Pigtal Na Tsinelas Hindi Pa Parehas Tinotonong Kwerdas karakrus ang kwintas sa sugal ay utas pati pato hulas bahala na bukas tawagin mang takas hihiram ng lakas tatagay ng wagas nalango sa wakas kamay lang may hugas bahid, patak, tagas palay naging bigas kahapon ay bakas sing-linaw ng habas nahinog ang prutas ngunit di pinitas bagsak mula taas sabik na pumatas kahit pa lumabas tinatagong Katas Tinukso Ng Ahas Yinapos Ang Angas Kinapos Sa Alas Nilukso Yung Dahas Natisod, Nadulas Kasi Nga Nangahas Kung Dati Minalas Nadapang May Bangas Babangong Matikas Sa Mali iiwas panata kong tagos dalangin ay lubos payak man ang lapis yakap Di Pa labis sugat na may hapis ginamot ng kapis Tila Tala Lihis Kutitap Sa Bilis Araw May Silahis kidlat ang hagibis mukha na manipis nagpalit ng bihis hahakbang sa libis Layon Ay Malinis Patama Ay Daplis Ngunit May Hinagpis Pinawi Ng Haplos Animan na agos Timplang Nalamukos Animo Ay Musmos Siglang Dinaraos Biyaya Ay Puspos !!!
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
"payak na yakap"
Hindi ko nais na ika'y talikuran, sa aking likuran alam 'kong iyong luha'y pumatak. Hindi ko nais na ika'y bitawan sa aking mga kamay, hindi ko sinasadyang ika'y pakawalan sa gitna ng ulan ngunit kamay mo'y nadulas ako'y minalas. Inakalang walang hanggan. pagmamahal sayo'y nawalay. Patawad. Hindi ko nais na ika'y kalimutan, sa lahat ng bagay Ikaw ay gumabay, Hindi ko nais na mawalan ng pag ibig, sa ibang tao ay napaibig. Hindi ko nais na iba ang naisin, at sa araw araw ibang tao ang nasa isip. hindi ko nais na saktan ka noong araw na sinabi 'kong may mahal na 'kong iba. Hindi ko nais na magsinungaling kaya't katotohanan ay isinambit. Walang nagawa ang iyong mga matang singkit, na dati'y nakakapanindig. patawad. Hindi ko nais na Puso ko'y tumibok ulit, at hindi Ikaw ang dahilan kung bakit.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 11:00 AM UTC
Hindi ko nais
Paano ko nga ba ito simulan?, Mga alala’y nito ang linalaman; Mga araw na tayo’y nag nagsisiyahan; At mga gabi na tayo’y nagkwekwentuhan Naalala ko noon ang iyong mga kwento; Na palaging naglalaro sa isp ko; Mga halakhakan na hangang ngayo’y Rinig na rinig pa ; Binabalikbalikan ang mga araw na kausap kita; Akala ko’y puso mo’y hawakhawak ko na; Ngunit sa king palad ito’y nadulas pa; Ang kutob nito’y pumunta na sa iba; Sa iba’y na sumira ng pangarap nating dalawa; Nagising ang sarili ,hawak ka na ng iba ; Isang malaking letra ang sumampa; Letrang T , na nasa isip gumagambala; T- Tumibok ang puso para say’o; T -Tinamaan na nga ako say’o; T -Tinitingala ang iyong boung pagkatao; T-TANGA dahil sa huling binitiwan pa kita;
0
Feb 3, 2018
Feb 3, 2018 at 9:10 PM UTC
Letrang T
Ang bawat tao may kai-kaibigan, Palaging magkasama at nagtutulungan, Handang makinig sa bawat problema, Hanggang sa ikulong nila tayo sa selda. Sa isang grupo o magkakaibigan, May isang maiiba at galing sa kadiliman, Kagaya ni Hudas na tuluyang nadulas, Hinalik si Kristo para kay Caiaphas. Kung sino pa ang iyong malapit na kaibigan, Sa huli, hindi ka rin niya matutulungan, Siya pa ang tutulak sayo sa bangin, At hahayaan nalang idakip ng hangin. Sa huli, laking galit mararamdaman, Pagkat ika'y kanyang sinaktan, Unti-unting may balak makawasak, Hanggang sa mukha ng ahas masapak.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:36 PM UTC
Taksil