Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
StrayRant Jul 2017
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba.
Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya.
Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita.
Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang
nangingilid sa iyong mga mata.
Hindi ko na kaya!

Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot.
Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot.

Tama na! Tama na! Tama na!
Tahan na aking sinta.
Ako sana’y unawain.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka.
At iyong nasungkit ang matamis kong oo.

Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis.
Heto ako ngayo’t litong-lito.
Sana’y hindi nagmadali.
Sana’y natutong maghintay.
Sana’y walang taong nadamay.

Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama,
Ngayon ko lang napagsama-sama.
Ang mga himutok ng aking saloobin.
Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok.
Sana’y walang inaalala.
Sana’y hindi kinokonsensya.

Sa tingin ko ay ito ang tama,
Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay.
Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan.
Aking irog, ako man di’y nahihirapan.

Ang higpit ng iyong pagkakahawak,
Siyang sumasakal sa akin tuwina.

Iiwanan kita dahil ayoko na.
Oo! Ayoko na!
Tatapatin kita aking sinta,
Hindi ko na kaya!
Hindi na ako masaya.

Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala.
Nawawala sa sarili.
Nawawala sa landas na aking dapat tahakin.

Sadyang kay mura pa ng aking edad
Upang sumuong sa ganitong realidad.
Nadala lang marahil ng matinding emosyon.
Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto,
Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan.

Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon.
Hindi para sa iyo ngunit para sa akin.
Aking kaibigan ako sana’y patawarin.
Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin.

Ang hirap! Napakahirap!

Sa dalawang taong ating pinagsamahan,
Hindi kita malilimutan.
Aking pagsusumamo na sana’y
Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan
Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan.
At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan.

Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na.
Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay.
At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya.

Sinta alam kong ito’y sadyang masakit.
At sa pagtatapos nitong aking talata.
Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan.
Sinta, ako sana’y palayain mo na.

Iniwan kita hindi dahil ayoko na.
Iniwan kita dahil mahal kita.
Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo
ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong
matatamasa sa piling ng iba.
From A Heart Oct 2015
Sabi mo sa akin, huwag kong sabihin na...

nadamay
pati puso ko,
pinahiya,
pinaglaruan,
iniwan,
mo lang ako,
hindi
totoo yun,

Ang sagot ko sayo...
Maria Oliva Aug 2016
Sa pagkakataong ito,masasabi  kong masaya ako
Kasi naging tayo,Sa loob ng paghihirap ko
Nakuha ko na din ang mahal ko


Naging masaya tayo
Sa araw araw na kinakausap mo ako
Lagi mo ako sinasabihan ng mahal mo ako
Pero lahat nagbago

Nagbago nung nagkaproblema ka
Yung problema mo pati relasyon natin,nadamay na
Yung akala nila perpekto,ayun nasisira na



Hindi ko iniisip na baka pagod kana
Pero nababasa ko sa mga mata mo na awat na
Hayaan nating puso ang magdikta
Kung itutuloy pa ba ang magandang alala
Katabi ko na sana
Ang tiyak na pag-asa
Subalit ako’y napariwara

Nang matukso ng mga kalaban
Na lumihis ng daan
At talikuran ang pinanggalingan

Kapalaran bumaluktot
Pangarap naudlot
Itinuring pang salot

Sa landas nagkandaligaw-ligaw
Nagkapundi-pundi ang tanglaw
Kinabukasan waring napupugnaw

Pati mga minamahal nadamay
Sa palubog na barko isinakay
Natibag ang mga suhay

Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim
Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim
Huwag sana tuluyang igupo sa lagim

Kung ako’y naging mahina, sana’y patawarin
Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin
Nawa’y pakinggan po ang aking panalangin

Na ako’y ibalik sa tunay na pinagmulan
Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan
At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan.

-07/31/2012
(Dumarao)
*My Twilight Poems Collection
My Poem No. 187

— The End —