Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nabahala" poems
Sila na nagkasala Sila pa ang galit Kahit ikaw sana tong nabahala Dahil ikaw ay pinagpalit Dating tiwala ay sinira Nung kabit ay kanyang tinira Tapos ngayong nahuli Parang ikaw pa ang may mali Kesyo, bat ka raw nag eskandalo Sa harap pa ng pamilya Ng kinakasama Ng ASAWA Mo Siya pa ngayon ang galit Kasi ikaw daw ay nagbitaw ng mga salitang mapanakit Di ka naman daw sana ganyan dati Dahil dati kaw daw ay mabait Pero di ba nya mapagtanto Kung bakit ikaw ay nagkaganto Dahil sa labis na pangagago Na dinulot ng sariling asawa mo
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:27 PM UTC
Cheater
Nagpalit ang mga numero sa aking relo Bigla itong tumunog at nabahala ako Labing-isang minuto makalipas ang alas onse na Oras na para humiling na ika'y muling makita Lumipas na ang apat na buwan Mula nung aking sinimulan Pagtigil at pagpikit ng mga mata Nangangarap, humihiling na magkatotoo nga Ikaw, oo ikaw, ang rason kung bakit Isang minuto akong nakatingala sa langit Hiling na makasama ka kahit ilang sandali Makita ka lang ay kumukurba ang aking lahi Dumating ang panahong ikinalulungkot ko Kawalang pag-asa sa buhay ay naramdaman mo Dahil doon nag-iba ang aking hinihiling Sana'y maging masaya ka kahit ako'y wala sa 'yong piling Bawat hiling ko ay laging tungkol sa'yo Hindi na iisipin kung may lugar ako sa puso mo Sana naman hindi maaaksaya Hiniling ko sa langit na ika'y maging masaya na Lumipas ang ilang taon, ikaw pa rin talaga Ang tanging hinihiling na makasama Muli akong pumikit at humiling Pagkamulat ng mga mata'y ika'y dumating
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 10:16 AM UTC
11:11