Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naaninag" poems
Ikalawang Kurap Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din. Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit. Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa. Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid. Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino. Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway. Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan. Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag. Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi. May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw. sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa." Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
0
Jun 18, 2015
Jun 18, 2015 at 11:44 PM UTC
"PIKIT-MATANG LIPUNAN"

Continue reading...
19
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to, Marahil matagal tayong di nagkatagpo, Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito, Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Maingay na lansangan, Mga taong nagsisigawan, Sobrang gulo ng kapaligiran, Pero ako patuloy na blangko ang isipan. Mahal, hintayin mo ko, sandali na lang to, huwag ka munang umalis, sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis. Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo, Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko? Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko, Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo. Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako, Isa... dalawa... dalawa... Pero teka... Bakit parang hindi ka masaya? Bakit parang nadismaya ka pa? Sa puntong yun hindi ko talaga alam. gutom. pagod. uhaw. Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw, Pero mahal... ayoko pang umayaw, Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw. At habang papalapit na ako, Mas naaninag ko na ang mukha mo, Tama nga ako, Hindi ka nga masaya sa pagdating ko. Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad... Hindi ko alam kung anong unang babagsak, Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak. Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko, Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko, Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko. Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman." Kaya nung niyayakap mo ko, Alam mo kung ano naramdaman ko? Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko? Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito. At sa pagkakayakap mo, Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo, Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to, Kaya napatigil at napaisip ako, Bakit nga ba ako kumapit sayo? Kasi... Mahal kita. Mahal Kita. sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo, sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko, sa kung paano mo napapasaya ang araw ko, sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao. Mahal kita. At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka. Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Mga tao'y magsisilisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli, Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti, Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali, Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli? 12/27/18
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 6:34 AM UTC
Una't Huli

70
Binagtas ang rumaragasang ilog Tubig sa leeg ay lampas Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan kahit nagsitaasan na parang alon -makupad nang umahon Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba Doon nagpasyang humimpil Di muna bumalik ng tahanan dahil ang sidhi ay di masupil, ang sakit ay di matigil Sa kapanlawan ay tumambad sa isip ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan Paano kung sisimulan sa katapusan Masaliwa ang lahat na nagdaan Kung makukuha ang pintuho ng paraluman na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan ay doon lamang magkaroon ng tiwasay Bago ang kulam Gustong isiwalat ang talambuhay para lalo watasan Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang kung sino ang ihuhukom sa hangganan
0
Jan 3, 2019
Jan 3, 2019 at 5:16 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #41
Saksi ako sa bawat tingin. Saksi ako sa lihim na pagdapo ng paru-paro sa iyong bukirin. Saksi ako sayo at sa kanya. Saksi ako sa pag-aari mo sa kanya, gamit ang iyong mga mata. Saksi ako sa lihim na pagsulyap. Saksi ako sa labis na pagiingat. Saksi ako sa lahat. Pero ako, nasaksihan mo ba ako? Napansin mo ba ang bawat tinging binabato ko sayo ? Naaninag mo ba ang pusong dumadapo sa mga ito? Nasaksihan mo ba? Ang pagtago ko sa likod ng mga pahina, Ang paghikbi ko gamit ang musika, Ang sakit? Nasaksihan mo ba? Na sa tuwing napapagod ka kakahabol, ganon din ako? Na sa tuwing masaya kang tinititigan siya, ako naman, umaasang tititigan mo? Nasaksihan mo ba? Ang pag-asam kong sana, Sana ako nalang siya. Sana ako nalang... Sana ako.. Sana... Hanggang kailan ako kakapit sa mga natitirang sana? Hanggang kailan ko panghahawakan ang paniniwala kong "baka"? Ang paniniwala kong baka ikaw... Ikaw na tama at ikaw na Mali, Ikaw na oo at ikaw na hindi, Ikaw na meron at ikaw na wala.. Ikaw na tanong, at ikaw na sagot. Ikaw na. Paano ko nga ba mapapakawalan ang mga titig kong biglang nakulong sayo? Paano ko nga ba mapipigilan ang kamay na pipigil sana sa pagtakbo mo? Paano nga ba? Kakayanin ko pa bang saksihan ang bawat ngiti, bawat tingin, bawat paghikbi na hiniling ko sa bituin pero sa iba dumating? Kakayanin ko pa kaya? Kakayanin ko pa.. Kakayanin ko.. Kakayanin.. M.U (Mag-isang Umiibig)
0
Jul 17, 2016
Jul 17, 2016 at 9:57 PM UTC
M.U
Sa sikip at kakapalan ng iniwang usok, mga langgam ay di magkamayaw dito sa kahabaan ng pila. Hibik nang hibik nang pumasok sa kaliwa at sa kanan ng ika'y nagaabang at tulala. Tanda mo ba nang dito'y nagkabungguan, nakipagtitigan, at nagtawanan sa kawalan ng ating kalikuran? Sa hirap ng buhay sinabi mo ang iyong naranasan at nangakong hindi malilimutan ang dating pinaggalinan. Sa paglipas ng apat na buwan kahit bulong ay hindi naaninag. At ako'y nalinlang sa pangakong hinayaan mo na dito'y matapaktapakan.
0
Jun 13, 2014
Jun 13, 2014 at 3:22 AM UTC
EDSA
sinampal ng reyalidad 'di tayo magka-edad eh ano naman? sambit ng rebelde basta 'wag ka ng manangis sayang ang agos ng ilog may pag gagamitan ka nyan ako'y malapit na pagmasdan, mas lumilinaw ang 'di sukat akalain unti-unting niyayapos ng panalangin na minsan magiging akin at tatawagin, sasabihin na itong 'di maipaliwanag natuklasan magyabang akin, tayo, sabay aaminin marahil marami nga sila makitid na lansangan tila mga pang-unawa nakahilera ang bawat tanong kasabay ay pagbugso ng ninanais huwag mag alala dalawa ang pag-ibig nakahain at naghihintay sa'yo kahit anong talinghaga sa ating paliwanag, tayo pa rin ang sampid gayong pahirapan ang pinagdaraanan, magkaiba pa rin ang batid ganito kapayak ang pag-ibig ko mahigpit na yapusan; araw araw simple at dalisay matagal namamatay kaya kahit nakakakapos hininga masaya na ako at naaninag ka
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 11:46 AM UTC
pabango ng iyong mga mata
Balang araw Hindi na lungkot ang dulot ng umaga, Tatahan na ang umiiyak na matang namamaga Matutuyo na ang mga kumo't unan na basa Ika'y tatayo na mula sa pag-kakaupo sa gilid Paa'y ihahakbang na palabas ng silid Handa kanang harapin ang mundong pasakit 'Di ka na nito tatablahan ng pait. Mga sugat mo'y tuluyan ng nag-hilom Wala na ni isang marka ang mababakas Tuluyan mo nang naaninag ang liwanag, Sa'yong yungib na natakpan ng dilim Natagpuan mo na ang matagal na nawawala Pagmamahal sa sarili na sa'yo'y tumakas Kaya ngayon buo na ang piyesa ng pag-katao Lalaban kana hindi na muling mag-papatalo Kaya mo na ulit Mas kaayanin mo pa ngayon Lagpasan hamon sa harap Dahil buo kana
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:26 AM UTC
"Buo kana"