Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"musang" poems
Alam mo bang ikaw ang tanging nais ko? Hindi na ako hihiling pa... Bakit pa nga ba? Sinasabi **** hindi ka kaibig-ibig, Ngunit iba ang aking nakikita. Lahat ng lumalabas sa iyong bibig Ay aking tinatago Para pakinggan sa oras ng kalungkutan. Ang iyong mga ngiti, Hindi ko pagsasawaan. Kahit na ayaw **** tinititigan ka, Hindi ko mapigilan. Kay gandang pagmasdan Ng aking musang Handa kong ipaglaban.
0
Oct 6, 2014
Oct 6, 2014 at 6:56 AM UTC
Ang Aking Kundiman
Sa unang kislap ng apoy hanggang sa maliit na baga ang usok na mula sa dulo ng pangako, ikaw ang nasa isip ko hinithit ko ang usok, pumikit ibinuga. lumabas sa labi sa ilong ang pangako, naging usok at upos.
0
Mar 17, 2020
Mar 17, 2020 at 4:05 PM UTC
Musang Nagbabalik
Bumalikwas ang madaling araw Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi Isang paos na tilaok pinilit magsabi Tila inutil na tuod ang unan at papag Walang tugon ni tikhim man lang para sa likod at ulong lumapat Mapagkunwari ang kulambo Lamok pala’y kalaguyo Akala ng balana’y karamay Sa magdamag na paglalamay Batang ipinaglihi sa Sto Niño Ibebenta pala sa demonyo Naglaga ng kape ang among kapre Butil daw ay hinirang ng musang na tumae Galapong pala’y napanis na sapal Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal Bang-aw na ang panatikong tagasunod Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:           Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!           Copy-paste-post - sige pa!           Ang perang kikitain ay mas mahalaga           May paburger pa sina konsi at mayora           O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa? Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga Kinain na ng anay ang papel at pluma.
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 4:41 PM UTC
Kapeng Barako XII