Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"murahan" poems
Madalas magising sa murahan nila, Na daig pa ang ulan na walang tila, Kapayapaan sayo’y nangungulila, Tila naalayan na ng rosas na lila. Hanggang kailan kaya sila ganito, Hanggang ang isa ay sawa na sa mugto, Bakas ng kahapon nagsisilbing multo, Na ugat ng bawat ‘di pagkakasundo. Hanggang kailan kaya kayang tiisin, Lahat ng mga hinagpis at pasakit, Na dulot ng walang hanggang away, Kailan kaya sila maghihiwalay?
0
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 4:51 AM UTC
Hanggang Kailan Kaya Sila Ganito?
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Sepucuk Surat Cinta kutuliskan untukmu Isinya bukan tentang bagaimana cantiknya dirimu Atau betapa indahnya tatapanmu Sepucuk Surat Cinta kuwarnai untukmu Isinya bukan tentang janji janji murahan Atau pujian pujian manis tentang senyumanmu Sepucuk Surat Cinta kuhias untukmu Isinya kosong, Tidak ada bualan omong kosong Maupun pujian pujian palsu Hanya kosong. Bukan karena aku tidak bisa Tapi memang aku sudah tidak merasakan Cinta Sepucuk Surat Cinta kuberikan untukmu...
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 11:04 AM UTC
Sepucuk Surat Cinta