"mistula" poems
Nahanap ko na!
Nahanap ko na ang pagibig!
Ako'y sabik na sabik nung una.
Ako'y parang nakahanap ng ginto sa kalsada.
Gumawa ng mga pangako.
Para sa atin ay hindi susuko!
Nagplano para sa kinabukasan.
Lahat ng pinto sa puso'y binuksan!
Lumipas ang bawat oras, araw, at taon.
Tinanong ang sarili kung bakit naging ganon.
Mga pangako'y nasira,
Kinabukasan ay naging basura.
Nagiba ang ihip ng hangin.
Mistula ang taginit ay naging taglamig.
Liyab ng puso'y nawala.
Ako'y giniginaw na.
Mga pintuan ay sarado
Mga ilaw ay patay.
Nagdilim ang paningin.
At ako'y nahulog sa bangin.
Huling sabi sa sarili.
Ang puso ko'y sira na.
Ako'y nagsisi.
Ito pala ang pagibig.
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 2:59 AM UTC
Maraming beses nang ako'y naging alipin
ng damdaming masidhi't napakahirap supilin;
Mga aliw ng sandaling tila salamisim,
mga sugat ng kahapong wari'y basag na salamin.
Kahit anong gawi'y hindi siya maikubli,
'pag yumakap sa puso'y parang nakatali;
Pumiglas-piglas ka ma'y wala ring magagawa,
Pagka't puso'y gapos na sa pag-ibig na dala.
Ang taglay na karikta'y sadyang mapang-akit,
Ikaw ma'y nakapikit larawan niya'y nakaukit;
At mistula iisa ang 'yong mundo't sinisinta,
Kaya't bulag sa biyaya 'pag nawala na siya.
Oh, linlang na pag-ibig bakit ba mandaraya?
Ang mahina kong puso'y hindi na pinalaya;
Sa ligaw **** pangako ng pag-ibig na totoo,
Kaylan ba matatanto ang wagas na pagsuyo?
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:33 AM UTC
Sa isang parihabang kwaderno
Nasilayan ko ang iba't ibang kulay ng panulat
Mula sa malayo, hawak hawak niya ang pluma
Umaasang may malalathalang kakaiba
Sa kaniyang utak na blanko't walang kusa
Nais lang naman ng kaniyang puso ang malaman
Kung mayroon pa nga bang siyang pag-asa
Pag-asang makalikha ng bagong yugto at makatakas sa kulungan
Mistula bang napakaraming emosyon ang nanaig
Onti-onti niyang nabubuksan ang kaniyang mga matang tago sa realidad
Sinulat niya ang unang saknong ng kaniyang tula at isinaad,
"Sana'y matagal na akong namulat sa katotohanang panaginip lamang ang makasama ka magpakailanman."
Bawat kulay na aking nasilayan mula sa kwaderno'y nabubura
Ang lalaking manunulat ay sumisigla
Napagtanto niya na kinakailangan niyang magparaya
Magparaya upang siyang patuloy nang lumigaya
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 10:12 AM UTC
Napakahiwaga ng iyong pag-ibig
Hindi ko alam kung paano at bakit
Pero patuloy pa rin akong kinikilig
Sa iyong ngiti at titig
Mistula akong bumalik sa panahon ng aking panliligaw
Sapagkat ang puso ko'y walang ibang sinisigaw, kundi ikaw
Muntik na akong mabaliw dahil ilang kilometro ang distansya natin at hindi kita matanaw
Pero sa oras na ang iyong palad ay dumampi na sa aking balat
Alam ko sa sarili ko na totoo at tunay ang lahat
Alam kong hindi ako nabubuhay sa isang panginip
At siguradong hindi rin ako pinaglalaruan nitong maloko kong isip
Nandito ka na sa aking harapan
Ikaw ay muli kong nasilayan,nahawakan at muli kitang naramdaman
Napakahiwaga ng iyong pag-ibig
Hindi ko alam kung paano at bakit
Pero patuloy pa rin akong kinikilig
Sa iyong ngiti at titig
Sa tuwing ikaw ay nandiyan ang puso ko'y bumibilis sa pagpintig
Maraming nagdududa at nagtataka pero sa huli pagmamahal pa rin ang nanaig
Samahan na pinagtibay ng panahon at tila malabo nang madaig
At ngayon na patuloy pa rin nating isinusulat ang ating istorya
Na ngayon ay mayroon nang bagong kabanata
At tila ba lalo pang gumaganda ang tema
Asahan mo na mapupuno ng mga magagandang eksena ang bawat pahina
Ako pa rin ang iyong hari at mananatili kitang reyna
Sapagkat sobrang hiwaga ng iyong pag-ibig
At hanggang ngayon ako ay patuloy mo pa ring pinapakilig
Feb 2, 2018
Feb 2, 2018 at 1:41 PM UTC
57 Sa bisperas ng kasalan muling nagkita
Sa kanilang tagpuan sina Birio at Alyna
58 Napagpasyahan nilang maagang umuwi
Bandang tanghali at ‘di na gabi
59 Subalit nang sila’y pauwi na
May pagsubok pa pala
60 Paligid nila’y umapoy
Mga nakapalibot na punungkahoy
61 Paano na sila makababalik ngayon
Sa kani-kanilang mga nayon
62 Mistula silang nakakulong
Sa isang naglalagablab na patibong
63 Sila’y tumaghoy ng saklolo
Sa lahat ng sulok at dako.
-07/19/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC
Isang gabing makasalanan
Ang ating pinagsaluhan
At ang ating mga katawan
Ay nagmistulang isang palaruan
Akala mo tayong dalawa'y nasa isang inuman
At ang iyong katawan ang aking pulutan
Sa ilalim ng mga bituin at buwan
Tayo'y parang naging magkasintahan
At ang mga maiinit nating haplos ay nagbibigay sa'tin ng kaligayahan
Habang ang mga pawisan nating katawan
Ay ating ginamit upang ang init na ating nararamdaman ay maibsan
Ang uhaw sa romansa na aking nararanasan iyong pinunan
Mistula tayong halamang tuyo sapagkat kulang sa dilig
Alam kong walang tayo at sa atin ay wala ang salitang "pag-ibig"
Pero sa sarap na ating nararanasan ay tila walang makakadaig
Alam kong hindi lang tayo ang tao sa daigdig
Kung kaya ang iyong bawat ungol at halinghing
Ay tila isang musika na may magandang himig
At ngayon na malapit nang magtapos itong ating gabi
Kasabay rin nito ang isang pahiwatig na hindi ko na mahahalikan ang iyong labi
Hindi ko na rin mapapadaan ang aking kamay sa iyong makinis at maputing binti
Sapagkat ito'y isang paghuhudyat na ika'y malapit nang umalis sa aking tabi
At tila isa na rin itong pamamaalam sapagkat tayong dalawa’y hindi na magkikita pang muli
Apr 24, 2018
Apr 24, 2018 at 9:42 AM UTC
Ayoko ko na!
Tapusin na natin to!
Di ko na kaya!
Hanggang dito na lang to.
Paulit-ulit ang pagbibilang.
Isa... Dalawa... Tatlo...
Hindi ko kakayanin to.
Hindi ko kaya na ganun-ganun lang.
Gusto ko parin maging tayo.
Pero tuwing nakikita kita,
Mistula ang puso ko'y lumalayo.
Mahal parin kita!
Sabihin mo hanggang dito na lang tayo!
Sabihin mo tapos na tayo!
Ayoko na magdusa pa.
Kaya, TAMA NA!!!!!!
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 8:02 PM UTC