Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"minamadali" poems
Ikaw lang, (Pangako) Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit, Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay” "Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Ikaw lang, (Pangako)
Lumaki ako sa paniniwalang ang buhay ay isang kompetisyon, Na dapat angat ka sa lahat sa anumang sitwasyon   At sa anumang pagkakataon Pagkat yun ang sukatan ng tinatawag na tagumpay Isang bagay na hindi naman sa iyo habangbuhay Pinalaki ako sa paniniwalang masama ang magkamali Sa paniniwalang Hindi lahat ng  bagay dapat minamadali Kaya magpahanggang ngayon ang mundong ginagalawan ko Malaki ang pagkakaiba sa mundong mayroon kayo Pagkat nabubuhay ako sa takot Takot sa pagkakamaling maari Kong magawa Takot na baka isang araw, mahila ako pababa Takot na isang araw,  lahat ng meron ako,  Bigla na lang mawala Na baka isang araw, magising na lang akong nakatulala Hindi ko na alam ang gagawin   Lakbayin ko ba'y makakaya ko pang tapusin? Sa labing anim na taon ng aking  pamumuhay Ang pinakamahirap kong ginawa: sa mundo'y makibagay Pagkat sa bawat pagbabagong aking  nasasaksihan   Kaakibat ang panibagong bigat sa kalooban   Dahil takot akong bitiwan ang nakasanayang paniniwala At ang takot na'to ang nagsisilbi kong tanikala Tanikalang pumipigil sa aking paglago At sa pag-angat ko'y pilit na nagpapahinto. Alam kong balang araw,darating ang oras Mahahanap ko ang natatanging lunas Para sa nagtatagong takot sa loob ko At darating ang araw na makakalag ko rin ang tanikalang 'to!
0
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:39 AM UTC
"Tanikala"
Iniiyakan.🤍 Dahil Ikaw yung tipong Pinaninindigan, Pinapangarap Pinaglalaban, Hindi Sinasantabi, Minamadali, Binabalewala, Pinalalaya.
0
Mar 28, 2020
Mar 28, 2020 at 11:04 AM UTC
Reverse Poetry