Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"memoryang" poems
Ayoko na sana mag drama Kaso lagi nalang may nagpapa-alala Ang damot naman nila Ikaw lang naman gusto ko makasama Hindi ba puwedeng ibalik nalang natin sa dati? Kung saan tayo'y masaya at walang ibang iniintindi At kung sana ating iniwasan na may nasasaktan, nahihirapan at iniiwan Nagsimula sa "oo sinasagot na kita" Nagtapos sa "break na tayo, ayoko na" Ikaw naman ang nagkulang hindi ba? Ngunit bakit ikaw ang nangiwan? Ang mga memoryang ito Ay naging aral sa pagkabigo ko At sana'y ako'y matuto na Nang ako'y hindi na masaktan pa
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 7:39 AM UTC
Memorya
Sa panandaliang pagtigil ng mundo, Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan, Na para bang mga sasakyan sa EDSA, Buhol buhol at walang kaayusan. Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan, Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan, Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan, Bitawan ang sakit na nararamdaman, Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba, Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya, Mga gabing puro luha at kalungkutan, Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan. Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan, Mga memoryang hanggang isipan nalamang, Pulutin at dalhin sa susunod na kwento, Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
0
Nov 12, 2020
Nov 12, 2020 at 11:04 AM UTC
Kwento
gulong-gulo sa sistema nagbabagong mga klima nauubusan ng salitang maitugma sa gabing malamig, ikalabing-lima namamaalam, dating eksena eksenang nabuo sa pantasya binabalot ng tuwa't halina tuluyan nang dumidistansya tila'y pilit pinupuna sandaling naglalaho na tuwing nasisilayan binabalot ng iyak ng paglisan kumukupas na ang mundo memoryang nakakandado nawa'y mapagtanto nawa'y mapagtanto
0
Feb 11, 2020
Feb 11, 2020 at 8:26 PM UTC
Untitled
Mahal, napakasarap sa pakiramdam ko noon ang isipin na tayong dalawa ay aabot sa panibagong taon. Ngunit hindi pa pala ito sigurado. Dahil sa pagwawakas ng taong 'yon, Ay siyang pagtatapos na rin pala ng ating relasyon. Mahal, hindi ko inakala. Hindi ko inakalang magagawa mo kong iwan. Hindi ko inakalang magagawa mo kong saktan. Hindi ko inakalang ang huling araw ng taon, ay huling araw na rin ng pagsasama natin sa isang relasyon. Mahal, bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako inayawan? Mahal ika'y aking inasahan, Sa mga pangakong iyong binitawan. Ikaw ang dahilan ng aking kaligayahan. Ikaw ang dahilan ng aking paglaban. At sa di ko inaasahan, Ikaw rin pala ang siyang dahilan ng aking kalungkutan. Ano ba ang dahilan ng pagsuko mo sa ating pinagsamahan? Dahil ba meron ka ng bagong kaligayan, O bagong kasintahan? Umabot ang ilang buwan at nagkukulitan parin tayo. Binibigyan mo ko ng motibo na ika'y babalik. Teka, binibigyan mo nga ba ako? O ako lang talaga ang nagbibigay ng kulay sa bawat kilos na ginagawa mo? Mahal, babalik ka pa bang talaga? o hindi mo lang talaga ako maiwan dahil may kailangan ka pa? Mahal, sabihin mo na ako na ang nagmamakaawa. Dahil ayoko nang masaktan at umasa pa. Ayoko nang umiyak muli sa parehong dahilan. Parehong dahilan ng iyong paglisan. Paglisan na kahit ilang buwan na ang lumipas, ay hindi ko magawang limutan. Mahal, paano na ang mga plano natin? Paano na ang mga pangarap natin? Paano na ang mga pangako natin? Paano na ang mga memorya natin. Mga memoryang nagsisilbing matinding kalaban para sa akin, Dahil hindi ko ito magawang lisanin. Sapagkat ang mga ito na lamang ang natira, Memorya nung mga panahong ikaw pa ay akin. Naalala ko bigla, Kung saan tayo unang nagkita, Kung saan tayo unang nagkakilala, Kung saan tayo unang nagsama, Kung paano tayo nagsimula, Kung paano tayo nagmahalan na tila ba wala ng hangganan. Pero sa hindi ko inaasahan, Ikaw rin pala ay lilisan, Ang mga pangako rin pala ay mabibitawan, Masakit man sabihin ang huljng katagang ito, Ngunit, paalam na mahal ko.
0
Apr 6, 2020
Apr 6, 2020 at 5:18 AM UTC
Huling araw

Continue reading...
49