Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mauunawaan" poems
“Hindi kita iiwan, pangako yan” Ito ang mga huling salitang binitawan Binabalik-balikan ng aking isipan Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo Pero ito pala ang totoo Nagmahal ako ng todo at nadurog ako Nadurog na tila isang salaming Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka Matapos nito ay babalewalain Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana Nahulog sa matatamis niyang ngiti Nahulog sa malalambing niyang mensahe Nahulog sa kaniyang malamig na tinig Nahulog ng walang sumasalo Nadurog sa pagbitaw mo At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom Lalo na kung sa puso ang tama nito Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog Dahil basag na basag na ako Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang Muling magmahal Sa takot na muling masaktan Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal Sa takot na muling ipagpali sa iba Sa takot na maiwan mag-isa Naiintindihan ko namang handa kang maghintay Na sa akin ka nakabatay Pero tigilan na natin ‘to Tigilan na natin ang kalokohang ito Dahil hindi ko na kayang magpanggap Na kaya ko na hindi ko na kayang magpanggap Na wala akong nararamdaman Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako Ang sakit sakit pa din Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan Minsan na din akong tumambay Sa lugar na tinatawag nilang ere Ngayon pa lang sasabihin ko nang Wala kang pag-asa Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo Dahil kahi anong pili mo Hindi nauutusan itong puso ko
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 6:31 AM UTC
Mahirap Makalimot

Continue reading...
51
Pero paano kapag si teacher naman ang nangailangan ng tulong? Paano kapag si teacher naman ang nahirapan? Paano kapag hindi na rin maintindihan ni teacher ang mga pangyayari? Paano kapag si teacher mismo napagod na? Paano kapag ubos na ang pasensya ni teacher? Sinong iintindi sa kanya? Mauunawaan ba siya ng mga musmos na nangangapa pa lang sa buhay? Paano kung si teacher mismo naliligaw? Kaya bang sagipin ni teacher ang sarili niya? Kakayanin niya ba? Kaya niya pa ba talaga? Kaya niya ba talaga?
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 10:29 PM UTC
"Teacher, I need help"
PAANO BA GUMAWA NG TULA PAANO ba gumawa ng magandang TULA TULA na may tamang sukat at TUGMA TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA SALITAng dapat umayon sa SIMULA SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO KWENTOng aakit sa bumabasang TAO TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS MAIBULALAS katagang HAHANAPIN HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT SAPAT na mauunawaan ng LAHAT LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT
0
Mar 26, 2025
Mar 26, 2025 at 1:38 AM UTC
Paano Gumawa Ng Tula