Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maumpisahan" poems
Paano ba nagsimula ang ating kwento? Yung dating magkabila nating mundo Yung biruang ikaw at ako Akalain **** ngayon ay nagkaron ng tayo Teka, pano nga ba nauwi sa tawagang jowa? Eh ilang taon nating di pansin ang isa’t isa Malayo, malabo at talagang di naman uubra Kahit siguro magbakasali, iisipin pa ring malabo at di gagana Bakasali... tama, isang araw na nag baka sakali Baka sakaling mapansin o baka sakaling pansinin Baka naman maumpisahan o kaya naman ay masubukan Kung gagana nga ba talaga o hanggang tanong na lang Isang araw na di sinasadya, di rin naman pinagplanuhan Inumpisahan natin sa simpleng batian Na nauwi sa magdamagang kwentuhan Hanggang sa aminan ng nararamdaman Araw araw, palagian at halos kadalasan Kwentuhan, asaran, lalo na ang mga awayan Hindi pa nga tayo nun mag jowa kung titignan Pero yung bangayan, parang aso’t pusang nagka sabayan At dumating na nga yung punto Na yung dating hindi sigurado, nabuo Yung dating malabo, naging klaro Yung dating ikaw at ako..... Ngayon ay tayo.
0
May 3, 2019
May 3, 2019 at 8:00 AM UTC
Jowa