Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matulis" poems
Ako'y sayo ikaw ay akin Ganda mo sa paningin Ako ngayo'y natatakam Dugo mo ay matikman Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan Ayokong mabuhay kang malungkot Sigaw mo'y musika At gilitan ka hanggang sa dugo'y maubos Halina't sa akin sumama Sa'n kaya? Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan At bumabalik Dito sa akin Ikaw ang gusto Ikaw lang ang gusto kong patayin Dala ko'y isang matulis na panaga Ibig kong ika'y akin nang hatakin Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Papakinggan ang iyong sigaw Na nasasaktan
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:47 AM UTC
BUWAN by JK Labajo: Inverted
"STOP THE CAR!" hindi siya nakatingin sa akin nang mga sandaling iyon. "Please, Amira! Makinig ka naman sa akin. Please?" patuloy pa rin ako sa pagmamaneho ng sasakyan habang nagmamakaawa sa kaniya na pakinggan ako. "At ano pa ba ang kailangan kong marinig sa iyo, Auther? Sawang-sawa na ako! Stop the car!"  hindi ko siya pinakinggan. Ramdam na namin ng mga oras na iyon ang biglang pagbuhos ng ulan at kakaibang ihip ng hangin. "Hindi kita susundin hangga't hindi mo ako pinapakinggan, Amira. Please!" at dahil mapilit ako, ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero bigla niyang hinawakan ang manibela. "Mababangga tayo sa ginagawa mo, Amira." "Kung ito lamang din ang paraan para sundin mo ako ay gagawin ko!" Nakipag-agawan na siya sa manibela sa akin, kaya nagpagewang-gewang ito. Pilit kong kinokontrol ang kamay niya. Inihaharang ko ang aking kanang kamay dahil inaabot niya ang manibela habang ang aking kaliwa ay sinusubukang iayos ang takbo ng sasakyan. At dahil madulas ang kalsada dahil sa ulan at patuloy si Amira sa pag-aagaw sa manibela, sa kaniya na lamang natuon ang aking paningin. Hindi namin namalayan ang pagdaan ng isang malaking truck na ilang metro na lamang ang layo sa amin. Nagmadali akong iliko ang sasakyan upang hindi kami mabangga ngunit hindi ko inasahang dederetsi kami sa bangin. Inapakan ko ang preno nang ilang beses pero mukhang nawalan yata ng preno. Bago tuluyang tumalon sa bangin ang sinasakyan namin ay agad kong hinila ang kamay ni Amira. Hindi ko na hinawakan ang manibela dahil nawala na rin naman ng preno ito. Mahigipit ko na lamang niyakap ang babaeng mahal ko. Damang-dama ko ang malakas na pintig ng kaniyang puso at hindi na rin mapakali ang isipan ko sa nangyari kaya naibulong ko na lamang ang mga katagang kanina ko pa sana sinabi sa kaniya. "Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko, Amira. Hindi ko sinadyang malaman mo ang katotohanan tungkol sa totoo kong pagkata--na bakla ako. Kahit na hindi mo alam ang buong kwento, ninanais ko pa ring sabihin sa iyo na kahit bakla ako ay naging tapat naman ako sa iyo. Ikaw lang ang babaeng una at minahal ko sa buong buhay ko. Mawala man tayong dalawa ngayon ay masaya akong mayakap ka at masabi sa iyo ang mga katagang--mahal na mahal na mahal kita, Amira." Matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin. Doon na rin namin naramdaman ang paggulong-gulong ng sasakyan pababa. Hindi ko siya binibitawan kahit pa pareho naming napapakinggan sa loob ang unang tatlong linya  sa liriko ng kantang Passengers Seats ni Stephen Speaks. I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car Sa huling paggulong ng sasakyan ay nasa ibabaw ko na si Amira at muli naming niyakap nang mahigpit ang isa't isa hanggang sa isang matulis na bagay ang tumusok sa likurang bahagi ng aking puso na tumagos sa puso ng pinakamamahal kong si Amira.
0
Jul 9, 2018
Jul 9, 2018 at 3:02 AM UTC
Passengers Seat

Continue reading...
17
Sa bawat salitang binibigkas ninyo, ito ay tumatagos sa aking puso. Sa bawat katagang binibitiwan ninyo, nagmamarka ito sa isipan ko. Sa bawat masasakit na salita, ang kapalit ay pagluha. Sa bawat nakakagulat na kataga, pagkatao ko ay pinipintasan niyo na. Hindi niyo ba alam na ang tabil ng inyong dila ay matulis na matulis at nakamamatay pa? Sana'y inyong mapagtanto na, ang dila ay may hagupit din na dala.
0
Nov 5, 2016
Nov 5, 2016 at 1:06 PM UTC
Hagupit ng Dila
Noon, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi makatulog sa hapon Ang mahuli ng magulang na tumatakas para makalabas at makipaglaro Ang matakot sa mga kwentong multo na gumagala tuwing alas tres ng madaling araw Ang manuod ng horror na pelikula at matulog na bukas ang bombilya pagkatapos Ang dumilat at sumilip sa ilalim nang kama Noon, natatakot lang akong makakita ng pulang marka sa aking papel Ang hindi makasagot sa pagbigkas sa nakabusangot at nakakatakot kong titser Ang mahuling nakikipag daldalan sa katabi kong kaklase Ang hindi makauwi sa tamang oras na binigay ng magulang Natatakot ako sa mga maraming bagay Ngunit nagiba narin ang mga bagay na kinakatakutan ko sa mga taong lumipas Mas lumaki na sila at mas naging matapang Mas naging matulis ang mga pangil at humaba ang mga binyas, ang buhok, ang kuko Mas bumilis, mas lumiksi Mas mahirap nang labanan Hindi na pwedeng basta idaan sa pagtulog at pagtakas Hindi na basta basta napapatay ng liwanag na nanggagaling sa bukas na ilaw ang takot Hindi na rin nawawala ang takot sa pag balot sa buong katawan ang malambot na kumot Hindi na madadaan sa pagsiksik sa pader upang hindi mahila ang mga malamig na paa sa nagtatagong takot sa ilalim ng kama
0
Nov 20, 2020
Nov 20, 2020 at 10:08 AM UTC
101
Kasabay ng malamig na simoy ng hanging nagmumula sa baybaying malapit sa kinatitirikan ng iyong tahanan ay naalimpungatan ka at bumaba ng iyong higaan. Tila isang robot na tinungo mo ang pintuan palabas sa iyong tahanan at naglakad patungo sa dalampasigan. Isang nakakahalinang tinig ang iyong naririnig at sinusundan mo ito. Manhid ka nang mga sandaling iyon dahil kahit ang napakalamig na tubig sa karagatan ay hindi mo ramdam. Patuloy ka pa rin sa paglalakad hanggang sa bigla ka na lamang lumangoy habang sinusundan pa rin ang nakabibighaning tinig upang malaman ang pinanggagalingan nito. Lumangoy ka nang lumangoy. Langoy dito. Langoy doon ang iyong ginawa hanggang sa unti-unti nang bumalik ang iyong ulirat. Mulagat ang iyong mukha at dali-dali **** iniangat ang iyong sarili paitaas upang makaahon. Subalit, huli na dahil sa isang iglap may humawak sa iyong dalawang paa at hinila ka pabalik sa pinakailalim na parte ng karagatan. Naramdaman mo pa ang isang matulis na bagay na tumusok sa iyong likuran at walang awang tinanggal ang iyong puso.
0
Aug 23, 2017
Aug 23, 2017 at 8:05 PM UTC
Tingog (Tinig)