Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matigilan" poems
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita Huwag mo kong ikulong sa mga salitang nais **** makitang taglay ko Huwag mo kong sikilin ng kalayaan kong ipahayag ang nais ko O bilangin ang metrong sumasaklaw sa mga katha ko O mga tugmang umaabot na gayon na lamang ang paglantad na siya nga ay isang presong Minsang kinulong sa iyong isipan at binigyan mo ng huwad na kalayaan Huwag mo akong pigilan tulad ng mga letrang iyong binitiwan kung sa'n ubos na ang oras na siyang dahilan Upang matigilan ang mga salitang dumadaloy sa ugat na tila nagpipilahan Sa isang lugar na napigilan ng kaguluhan at ingay ang malalayang sugnay Ngayon ay dumadaloy na parang isang rumagasang ilog Sa dulo ng dila ko ay laging naririyan Isa akong salitang walang kahulugan ni patutunguhan Salita ako ngunit hindi sinasalita Ako ay kamatayan sa iilan At buhay sa karamihan Kaya't huwag mo akong pigilan ng mga pinili **** letrang dapat ako, dapat ay tagalayin ko Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya Parang ako Ang tula ay malayang di tulad ng tao dahil dito Walang batas na maaring pumuna at saglit na mawaglit sa tunay na eksistensya dahil ang tula ay tula na wala kang karapatang Yurakan o ismiran o saktan man Ang tula ay tula na mga anak ng manunula Hinabi ng emosyon ng puso ng pawis na nararamdaman ang bawat patak bawat tibok at bawat sigaw Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya Ako ang pag-ibig ako ang tula Ang tula ng pag-ibig Ang pag-ibig na mapagpalaya Akong pag-ibig na hindi malaya Kaya 'wag mo kong siilin ng mga salita na nais **** makita na nasasa aking tula Dahil ng tula ay tula Ang tula ay malaya Ang mundo ng tula kung sa'n malaya Mundong nais ko sana Isang mundong di ko kailanman matatamasa Sa isang mundong kaaya-aya
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:10 AM UTC
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita

Continue reading...
42
Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo Kung papaano mo sayangin ang gabing ito Napakasaya mo habang nilalaklak ang limang pitsel ng beer Habang yung mga kasama mo ay walang pakialam sayo Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo Habang binibigyan ka niya ng perang pantagay mo Huling gabi na to na kasama sila ang paalam mo Huling gabi na sana… Kasi pupunta ka na sa inaasam-asam **** Amerika Minamasdan ka lamang ng asawa mo Kung paano ka sinipa sa mukha ng Arabo Sa laki at bigat ba naman ng sapatos nun Basag tuloy ilong at ngipin mo Pagmamasdan ka lamang ng asawa mo Sa kung ano na ang mangyayari sayo?! Bibitiw ka sa trabaho tapos ano?! Papaopera ang makapal **** mukha?! Ilang operasyon pa ba sa mukha ang dapat mo matikman?! Para pagiging lasingero mo ay matigilan?! Maawa ka naman sa asawa mo Lahat na iniintindi dahil sa pagmamahal sayo! Tangenang alak na yan!!! Kelan ka ba tatanda?! Huwag mo na sanang hintayin na pagmamasdan ka na lamang namin… sa burol mo!
0
Jun 20, 2022
Jun 20, 2022 at 12:01 AM UTC
Pinagmamasdan