Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matatapakan" poems
"Isang stored card po." Sabay abot ng 100piso. Pinasok sa makina "toot". Bumaba sa hagdan. "Hay, nakakpagod." Nakita ang mahabang pila ng mga taong nagaantay. Napa-buntong hininga. 5...10...15minuto wala pa din. Ako'y lumingon sa kanan't kaliwa. Inobserbahan ang mga taong iritable na sa pagaantay. Sa kaliwa, nakita ko ang isang lalaki, Postura, nakasalamin at kagalang galang ang suot. Mukha nagtatrabaho sa isang malakingkumapanya at may mataas na posisyon. Abala sa pagtingin sa relos na rolex ang tatak. Ako'y napatanong sa sarili ko, "bakit niya mas piniling pumila dito kung saan malulukot ang suot na barong?" Sa kanan naman ay isang studyanteng binata, Naka-uniporme, maangas ang dating. May naksaksak na earphones sa magkabilang tenga at sumasabay ang indak ng mga paa. Nais ko sana makihati sa musikang kanya naririnig. Sa likod ko ay isang babae, Napapamura na sa inis. Mukhang malalate na sa opisina. Naka-make up at nakheels. Gusto ko siya bulangan, "Ate, kalma lang. Hindi mapapabilis ng pagmumura mo ang pagdating nian." At sa wakas dumating na, Ang hinihintay ng lahat. Inihanda ko na ang sarili, dahil sigurado ako ay maitutulak, masisiksik, matatapakan at masisiko sa loob ng train ng MRT.
0
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 1:08 PM UTC
MRT
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY