Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matangkad" poems
Tulad ng kahit sino, siya'y isa ring hamak na nilalang na naghahanap ng pag-ibig, at iibigin. Hanggang isang araw, ika'y kaniyang nakita mula sa malayo. Matangkad ka, kung kaya't agad niyang napansin ang iyong tikas. Kasing tikas mo ang damdamin, sa kanya'y umusbong alinsabay sa iyong pagdating. Sa tuwing ika'y kaniyang nakikita, siya'y lihim na napapangiti. Ang liwanag na minsan ng nakubli sa kanyang araw-araw, ay iyong ibinalik. Binigyang sibol mo ang pananahimik ng kaniyang puso na minsa'y napabayaan at nasaktan. Kaya't salamat sayo, bagama't hindi pa siguro napapanahon. Upang iyong malaman, itong espesyal na pagtangi na sa iyo'y kanyang inilaan. Marahil, sapat na muna na ika'y kanyang masilayan kahit man lamang, sa malayuan.
0
Nov 3, 2015
Nov 3, 2015 at 3:12 AM UTC
Ang Pagtangi Ni Rochelle