Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
unknown Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
jerely Jan 2016
Guni-guning nababalot ng hiwaga
sa aking utak ito'y pumipigil, gumugulo,
di maipaliwanag ang mga
nakaukit na ala-alang
Nang minsa'y ikaw ay inibig sa tuwing natatanaw ang langit na kay
tamis pa sa mga chokolateng
paborito ****
kainin tuwing ika'y nalulungkot.
Sa mga araw na nagdaan.
Sa maghapong nakaabang pa
sa pag-iintayan sa jeep
Oo parati namang naghihintay
ang puso ko sa'yo.
Di ba?

Sa traffic na nanamanhid na ang paa sa kakaabang kung kailan o saan ito patutungo
Kung may patutunguhan
pa ba na maging tayo?
O Isa na lamang ba itong
guni-guni sa aking isip.
Alam kong paasa ako. Oo paasa ako.
Asang-asa ako sa'yo na parang tanga.
Oo inaamin ko Tanga ako!
tanga ako!
tanga na kung tanga.
Pasan ko na naman lahat.
Di ba?

Nagdurugong,
Tagos. Tagos na tagos pa sa aking pusong biniyak ng mga samu't saring bakit na lang hindi naging tayo?
O mas madali pa bang patayin na lang
ang mga pusong minsa'y nasugatan na
sa hindi makatulog na gabi.
Sa mga namamagang mata sa kaiiyak
Sa kakaisip kung mahal mo ako o
kung minahal mo ba talaga ako?
O may iba na bang
nagmamay-ari ng iyong puso?

Guni-guni, ako'y litong-lito
dahil parati ****
ginugulo ang araw-araw ko
Halos mabaliw na nga ako
sa kakaisip sa'yo eh
Hindi nga ba't heto ako,
baliw na baliw sa'yo.
Di ba?
Na baka sakaling mag milagro
ang kapalaran
Na baka balang araw
baka balang araw ay
kaya mo rin akong mahalin
gaya ng pagmamahal ko
sa'yo higit pa sa buhay ko.
Higit pa sa mga luhang ibinigay ko
Higit pa sa mga salitang binitawan ko ngayon.

Oo guni-guni
parati ka namang nandyan di ba?
bumabalik. Lahat na lang. Paulit-ulit.


Oo guni-guni ang hirap hirap **** matanggal
Sawang-sawa na ako sa'yo.
Pero ang tanong.
Hindi ka ba napapagod?
sana'y tirhan mo rin ako kahit konti.
Ayoko na,
tama na.
this is actually a spoken-word poem
I was inspired by this Spoken-word artist name: Juan Miguel Severo!!!
hanep lang ang mga works niya!!! tagos sa puso! chos! :)

(p.s. if i have my spare time i'll try to translate this in English but for me its so good in tagalog/tula)

jerelii
12.21.15
Copyright
Taltoy Aug 2017
Alas dos na ng umaga,
Ako'y gising na gising pa,
Nag-iisip ng mga bagay,
Mga bagay na bumuo sa'king buhay.

Nasagi sa isipan ko yung mga alaala,
lahat, malungkot man o masaya,
Nag mistulang halo-halo na.
Kay rami ng sahog, yung iba di mo na kakainin pa.

Sa dami ba naman ng akyat baba at atras abante ng buhay ko,
Malamang nagkandaleche-leche 'to,
Alangan naman lahat naka super glue?
Ano yan? para di na matanggal kahit na bumagyo?

Anu-ano nga bang nangyari nitong mga nakaraang bwan?
Bakit parang nawala ako sa aking isipan,
Ano nga ba talaga ang tunay na dahilan?
Nitong isang aksidenteng aking kinasangkutan.

Isang sahog ang di ko kinaya,
Sa halo-halong aking kaharap sa mesa,
Salitang sa ibang dayalekto nagmula,
Nagsimula sa 'g' at nagtapos sa 'a'.

Limang letra, isang salita,
"gugma", ang isa sa sahog na aking nakita,
"gugma", ang may pinakakomplikadong lasa,
"gugma", minsay kay tamis, minsay kay pakla, minsay mapait pa.

Halo halo ko'y puno nito,
Mistulang lahat ng alaala koy tungkol dito,
"gugma", paksa ng aking bakasyon,
"gugma", isyu ng buhay ko hanggang ngayon.

Hay nalang, iisa palang perwisyo na,
Ano nalang kaya pag marami pa?
Ano yan? "gugma na sobra sa isa"?
Ayayay, naging salawahan pa...

Ang halo halong iisa ang sahog ngunit halo halo parin,
Sa dami ba naman ng iisang sahog di mo aakalain,
Mistulang iba't iba, ngunit sa katunayan, iisa,
"Gugma", sahog na dadaya sa iyong mga mata.
triggered...
RLF RN Nov 2015
Ilang taon na ang nakalipas
ng huli kong masilayan
ang haplos ng pag-asa.
Ang paghangad na makapiling ka,
na siyang nabaon lamang
sa alikabok ng kahapon.

Halintulad sa isang bangungot,
ang sakit at pait na kanyang dinulot.
Kahit anung pagsusumidhing magising
ang gawin, hindi matanggal-tanggal
ang sakit at bakas ng pag-asang
paulit-ulit na binigo.

Sa mataimtim na panalangin,
sinubukan kong idaan.
Huwag lamang bumitiw
sa pangakong dala ng pag-asa.
Sa bandang huli, subalit
akin ring napagtanto,
mga naturing na panalangin,
para bang mga salita,
na isinambit lamang sa alapaap,
hindi dinidinig ng nasa Itaas.

Kaya't ako'y sumusuko na.
Tama na. Sukdulan na
ang pighati ng aking puso
na umaapaw sa kirot,
na nagdurugo dahil
sa ipinagkait na pag-asa.

Parang isang pilas na papel,
na sinulatan at minarkahan
para lamang lukutin, itapon, at
nagmistulang balewala --
walang isinulat at hindi sinulatan.
Sadyang puno ng kabalintunaan ang mundo. Sa isang lugar na tinaguriang tirahan ng mga patay, sinong mag-aakalang doon rin nakatira ang mga buhay? Nagsimula ang aking malungkot na karanasan nang matanggal sa trabaho ang aking ama at pinaalis kami sa aming bahay. Kaya't naisipan ng aking mga magulang na manuluyan sa kanyang kumare na naninirahan sa North Cemetery. Hindi naging madali ang manirahan sa sementeryo. Sa gabi, walang ilaw. Umaasa lamang kami sa mga poste ng ilaw sa parke. Walang malinis na tubig at kailangan pa naming mag-igib sa malayo. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. Bukod sa iniisip kong wala kaming matinong bahay. Nariyan pa ang di maintindihang takot at pangamba lalo na't sagana sa kwentong katatakutan ang mga palabas at naririnig ko sa mga tao dito. Naku, saan pa kaya maaaring magkaroon ng multi mundo sa hantungan ng mga patay. Ngi!! Pero sa awa ng Diyos, wala pa akong nakikita. Sa sobrang kahirapan, naranasan namin na hindi kumain ng isang araw o mag-ulam ng asin. Pero malakas pa rin ang pananampalataya ko sa Diyos, sa huli, muling nagkatrabaho ang aking ama at ngayon, nakalipat na kami ng bahay sa labas ng sementeryo. Ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang aking karanasan na tumira sa sementeryo. Ito ay alaalang nagsisilbing sandata ko sa kahirapan upang magsikap at maging ganap na pari. Ating pakatandaan saan man tayo ilagak ng Diyos, magulo man o katakot-takot, hinding-hindi niya tayo pababayaan.
Michelle Yao Nov 2017
Mahal ko, noong ako'y iyong lisanin,
Puso ko'y namatay din,
HIndi mo man lang ako napansin,
Dahil ika'y masaya na din.

Paano ako, ako na nagaantay pa din sayo,
ako na kahit papaano, minahal ka pero ito ako
mahal ka pa din hanggang ngayon,
Dahil di ko matanggal sa isip ko
na wala na pala tayo.

Paano ako na nagmahal ng todo sayo.
Binigay lahat ng gusto mo
at kahit papaano minahal mo din naman ako.

Paano ang pagmamahalan natin?
Hindi na ba natin ito maibabalik muli?
Mahal pa din naman kita, kahit na
namamatay na ako.

Paano ako na minamahal ka pa din?
Ganito nalang ba tayo, hanggang ngayon andito
ka pa din!
Hindi matanggal sa aking isip.

Paano? Paano ako?
Itong tangang nagaantay pa din sayo.
Taltoy Feb 2018
Taong dalawang libo't labimpito,
Sa ika-14 ng Pebrero,
Ako sayo'y nagtapat,
Mga kinikimkim, isiniwalat.

Ang sabi ko noon,
Hinahangaan kita,
Ang sabi ko noon,
“sayo ako'y nahalina”.

Ang sabi ko pa,
Mas mabuting iyong isawalangbahala,
Ngunit isang mali ang ‘king inakala,
Inakala kong ako'y madededma.

Sa isang taong nagdaan,
Ano kaya ang nagbago?
Sa isang taong nagdaan,
Sino ka na nga ba sa paningin ko?

(Mag-ingat at Iyo sanang ipagpaumanhin ang mga susunod na kataga ay rated SPH, sobrang patay huya. Ahahahah)

Sayo, may sasabihin akong sikreto,
Alam mo bang hulog na hulog na ako sa'yo?  (Haaaaaaayst)
Di ko na alam kung ang lahat nga ito'y paghanga,
Dahil ngayon, ika'y minahal ko na yata.


Alam kong tila maling sabihin ang katagang “mahal”,
Sapagkat walang nakatitiyak ng tunay na kasagutan,
Ngunit sa isipan ko, di ka na matanggal,
Ano pa ba ang kahahantungan?

Sa isang taong lumipas,
Di ako nagsisi,
Sa isang taong lumipas,
Nagpapasalamat ako sa mga nangyari.

Sa simple kong pagtatapat,
Nang damdamin koy aking isiniwalat,
Pinatay man ako nga kaba,
Ayos lang, bastat para sayo sinta.

Ang isang taon koy naging makulay,
Ang isang taon koy napuno ng katuturan,
Ang isang taon koy nabigyang buhay,
Sa muling pag pintig ng puso kong nasayo na nang di ko namamalayan.

Mapait man ang katotohanan,
Walang “tayo” sa kasalukuyan,
Subalit puso ko'y tumitibok parin para sa'yo,
Kaya kung papayagan mo, maaari ba kitang masuyo?
Pintig, pintig ng puso kong umiibig
Taltoy Sep 2017
Ang ipinagbabawal,
Bisyong di na matanggal,
Ika'y mapapamahal,
Sisikaping tumagal.
Euphrosyne Feb 2020
Mahiwaga
Mahiwagang mga ngiti,
Mahiwagang mga mata,
Mahiwagang ikaw,
Sinta Ika'y bumuo sa akin
At ika'y napabago ang ako,
Dating kilala sa katarantaduhan
Ngayon ako naman ang pumupukaw
Sa mga makulos nilang kilos,
Ika'y mahiwaga
Ngiti **** taglay,
Ika'y mahiwaga
Mga paghawi mo ng buhok,
Hindi ka matanggal sa isipan
Kaya napapaisip nalamang,
Ngunit alam ko naman ang rason
Dahil sinta Ika'y mahiwaga
Binigyan mo ng mahika ang aking buhay
Sinta wag ka nang lumisan
Luluhod pa ako sa harapan mo
At sasabihing pwede ka bang ligawan?
At sa mga susunod na tanong na
Pwede na bang magisang dibdib nalamang?
Sa bawat kilos,
Sa bawat tawa,
Sa bawat paghawi ng buhok mo,
At sa bawat pagalaga mo sa ako,
Ako'y tuluyang nahulog
Hindi lang sa ganda **** taglay
Subalit sa ugali ****
mala anghel at mala demonyo.
Kaunti lamang yan
Kung bakit
Bakit ako tuluyang nahulog
at pipiliin ka
Araw araw sa
katulad ****
Mahiwaga.
Pipiliin kita kahit hindi mo na ako pinipili sa araw araw diane.
luna Nov 2019
halina't alalahanin ang nakaraan
sabayan n'yo ako sa aking paglalakbay
balikan natin ang mga mapait na katotohanan
mga pangakong hindi naging matagumpay
kasabay ng mga bagay na hindi kayang panindigan
hindi matanggal mga lamat sa aking kamay
kaya naman heto ako at bumabalik kahit na ang puso ko'y muntikan mo nang mapatay
Euphrosyne Feb 2020
Katabi kita
Masaya tayo ngayon
Sabay tayong kumain
Sabay tayong pumasok
Sabay tayong humihigop ng kape
Sabay tayong umuwi
Nagtatawanan tayo
Akap akap kita
Para matanggal lahat ng kalungkutan mo
Pinagsasabihan mo ako ngayon
Tungkol sa mga binebenta ko
Tinutulungan mo akong
Mapukaw lahat ng kalungkutan ko
Ngunit
Lahat ng ito'y
Imahinasyon nalamang
Dahil parang mga mata ko nalamang
Ang tayo dahil
Malabong mangyare na muli lahat ng iyon
Sana sa susunod maging totoo na lahat ng ito diane miss na kita.

— The End —