Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tanggaping magiliw itong pag-ibig ko
Tangi kong damdamin para lamang sayo
Sana ay pagbigyan itong aking puso
Na sa iyo sinta ay nagsusumamo.

Ibig kong magbalik ang nangakaraan
Ang dating masaya't tapat na ibigan,
Ang dating may ngiting walang mapagsidlan
At maging ang dating ikaw'y mahalikan.

Iniwan mo ako't sinaktan ng labis
Nagtataka ako't bakit namimilit
Itong aking puso na ikaw'y masungkit
Gayung alam ko na mundo mo ay langit.

Alam ko ang mali at inibig kita
Ngunit, gusto ko lang malaman mo sinta
Na kahit tayo may hindi na't wala na
Aking aamining mahal pa rin kita.
Karapatang Ari 2016 by Donward Cañete Gomez Bughaw 07/08/16 10:55 PM Handog kay Devina A. Mindaña
Tinalikdan ng araw ang langit
Hinayaang lamunin ng dagat ang hari
Mahinahon ang karagatan
Tila nagdurugo ang tubig
Hinabol ang hangganan ng nakikita
Doon nasilayan ang mukha ng asawa
Papalapit ngunit hindi naman niya kayang masungkit
Mga mata'y ipinikit
Sinariwa ang halimuyak ng kanyang mga halik
Labis na nasasabik
Gustong balikan ang mga sandali
Pagbukas ng mga mata,
Kadiliman ang naghasik
ng labis na pangungulila't hinagpis



-Tula IX, Margaret Austin Go
Joseph Floreta Sep 2016
"Hindi ako, Pero ikaw"
Hindi ako yung taong gusto mo,
Hindi ako yung taong hinahanap mo,
Hindi ako yung magpapahinto sa iyong mundo,
Hindi ako yung tipo na iyong makaka "SLOMO"
Pero ikaw ang aking gusto,
Ikaw ang saakin ay kukumpleto,
Ikaw ang sa mundo ko ay nagpapahinto,
Na tila ba'y ikaw ang nagkokontrol nito.
Hindi ako yung taong agad **** mapapansin,
Hindi ako yung taong kapag may problema ka, iyong kakausapin,
Ni hindi nga ako yung taong natipuhan mo,
Dahil hindi nga siguro ako ang taong gusto mo makatuluyan.
Pero ikaw agad ang una kong napapasin,
Tila ba ikaw lang yung taong nakapaligid saakin,
Dalawang mata'y sayo lang naka tingin,
Na para bang ako'y nahulog sa bangin.
Hindi ako yung taong agad sayo'y magpapangiti,
Hindi ako yung taong sa puso mo ay kikiliti,
Dahil hindi ako yung taong aariin mo,
Mas lalong hindi ako yung taong iyong sasabihan ng "ika'y mahal ko".
Pero ikaw ang saakin ay nagpapangiti,
Ikaw yung taong hindi lang sa puso ko,
Kundi sa buong sistema ko ay kumikiliti,
Ikaw yung taong gusto kong ariin,
Kahit na alam ko na mas posible pang masungkit ang mga bituin.
Hindi ako yung taong gusto **** alayan,
Hindi ako yung taong gusto **** mahagkan,
Hindi ako yung magiging inspirasyon mo sa buhay,
Dahil kahit kailan, hindi ako yung taong mag-aalis ng iyong pagkalumbay.
Pero ikaw ang gusto kong sa lahat ay alayan,
Sa katunayan nga, itong tula ay sa'yo nakalaan,
Ikaw yung taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon,
Kaya nga nagawa ko agad ang tulang ito na hindi inabot ng taon.
Hindi ako yung taong minsan sasagi sa isip mo.
Pero ikaw ang halos laman
hindi lang ng isip,
Pati narin ng puso ko.
Hindi ako yung gusto **** sa habang buhay ay makasama.
Pero ikaw ang gusto kong maka piling,
Hanggang sa aking pag tanda.
#Sana #umaasa #Kailan? #promises #Love

— The End —