Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"marso" poems
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)

Continue reading...
36
byernes. isang araw lang pala ang hahatol sa bawat oras na hindi tayo ang sandigan ng isa't-isa isang araw na puno ng pagaalinlangan ngunit sa huli ay natiyak ng puso kong hindi panaginip ang lahat isang araw na tumapos sa lahat ng pangungulilang akala'y hindi na mawawakasan isang araw lang pala ang magtatanggal ng lahat ng mga takot dahil paano kung sa pagtatapos ng araw na ito'y iiwan mo rin ako.. isang araw, at sa unang pagkakatao'y nahawakan ko rin ang iyong mga kamay, sa iyong tabi natagpuan ang panibagong tahanan wala nang kilometrong pumapagitan sa ating dalawa... wala na mahal, pangako at sa oras na matapos ang natitirang oras ng araw na ito pangako, hindi na tayo kailanman paghihiwalayin ng tadhana kahit pa humakbang na tayo palayo sa isat-sa at kahit pa ilang kilometro nanaman ang sa atin ay papagitna tandaan **** dala mo ang puso ko, at nasa akin ang iyo naniniwala akong hihintayin mo ako at ganon rin ako magtatapos ang marso bente dos ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo marami mang araw ang dumating ngunit ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin hanggang sa muli, mahal.
0
Mar 28, 2019
Mar 28, 2019 at 8:52 AM UTC
marso bente dos
Naalala mo pa ba, noong magbukas ang Nagi? Pagkahaba pa ng pila, umabot ng Yabu dati. Kahit pa nga yata Yabu, ay kayhaba din ng pila Araw-araw laging ganyan, kaya dapat maaga ka. Sa katagalan pagdaka ay nagkaupuan na nga Ang babae ay sisigaw, at susundan ng iba pa Bigay todo ang pagbigkas, tila baga walang bukas Rinig mo ang tinig nila kung ikaw ay nasa labas. Sunud-sunod na araw pa, na kami ay nasa Nagi Itanong mo pa kay amo, siya po ang aming saksi. Kung paanong alas-onse'y, naghihintay na ng taxi para sa pila'y mauna, at nang makakain kami. Ilang buwan din siguro ang sa mundo ay dumaan na ang pagdalaw sa Nagi ay biglang naging madalang Na mula sa bawat araw, ito'y naging linggo-linggo Kalaunan pa ay naging Enero, Pebrero, Marso. Lumipas ang mga taon, at ngayo ay Pebrero na. Ngayon na lang uli kami doon sa Nagi nagpunta. Ang dating mahabang pila, ngayon ay tila wala na Alas-dose na noon, tanghali na po partida. Noong pumasok na kami'y sumisigaw pa rin sila ngunit dinig mo sa boses na ang sigla ay wala na. Kahit yung pitsel ng house tea na laging inihahanda Ngayon baso-baso na lang, tapos manghihingi ka pa. "Nakakain na po kami, puwede bang bukas na lang?" "Mayroon na n'yan sa Mega, pati na sa Katipunan" "Huwag ka nang magmadali, hindi na dapat agahan" "Kahit anong araw pwede, kasi nandyan lang naman 'yan". Tayo'y magaling lamang ba, kapag bago at simula kapag bago sa paningin, kapag bago sa panlasa? Na 'pag nilamon ng oras o kinasanayan mo na ay tila pinagsawaan at pinagwalang bahala. Kailan kaya darating, ang sa aki'y tinadhana na sa aking pagtangkilik, hindi ako magsasawa? Na kapag nakita ako'y ramdam ko ang galak niya at ang puso ko'y lulukso marinig lang ang ngalan n'ya. Malamang ay naglalaro ngayon sa iyong isipan "Tungkol pa rin ba sa Nagi, ating pinag-uusapan?" Huwag mo na itong isipin, sagutin mo na lang ako may pila pa kaya ngayon, sa bagong tayong Ippudo?
0
Feb 12, 2016
Feb 12, 2016 at 4:48 AM UTC
Nagi

40
nadala ako sa talang , may hawak ng buwan at bituin na di hamak walang sinabi ang mga mamahaling bagay gaya ng singsing nadala ako sa karagatan punong puno ng bagay na di pa natutklasan na kung san gusto kong sisirin mga kayamanan, mga kasaysayan, mga inpormasyong dapat pang alamin kaya ipagumanhin mo sana kung ako'y hirap tumingin ng diretsuhan sayong mga matang puno ng kabubuluhan dahil takot lang akong mawala sa mga titig **** kung san san akong puedeng idala sa mga nakalipas na araw, alam kong napansin mo na sa lahat ng mga sinalihan ko ay lagi lang akong talo kaya sa ika-28 ng Marso aking napagtanto na gusto kong maligaw sa mga titig mo sinasabi ko sayo, makamit lang ang iyong oo, katumbas na ito ng isang milyong pagkapanalo
0
Mar 4, 2016
Mar 4, 2016 at 5:05 AM UTC
Untitled
bibitaw ako sa unang araw ng marso. hindi dahil sa hindi na kita mahal, ito ay dahil napagod na ang puso ko napagod na itong magantay sa iyo. bibitaw ako sa una araw ng marso, pakiramdam ko ako ay isa studyante magtatapos sa kolehiyo pero dito ang istorya natin  na kahit kailan ay hindi na masisimulan ang tatapusin ko. bibitaw ako sa unang araw ng marso, madaming buwan ang lumipas, kumapit ako sa pagasa mapapansin mo ako. mga araw na hinintay ko ang mga sagot mo mga araw na napuyat ako kakaisip sa iyo. bibitaw ako sa unang araw ng marso at ang araw na iyon ay ngayon.
0
Mar 2, 2020
Mar 2, 2020 at 12:47 AM UTC
MARSO
Nandito na ako sa labas, sa ilalim ng payapang ilaw mula sa poste kasabay ng pamamayagpag ng mainit na hangin ngayong Marso. Nag-hihintay sa kasunod na pigura na lalabas mula sa masikip na daluyan ng tao – ikaw o ang konsepto ng ikaw na ‘di dapat, maselan kagaya ng pagnanais, pagkakataong mas sinungaling pa sa pamahiin – mayroong napupukaw ngunit hindi kalian man mabibihag.
0
Mar 25, 2016
Mar 25, 2016 at 2:00 AM UTC
Bihag
sana'y pagpikit ng aking mga mata lahat ng ito'y matapos na, ako'y pagod na sana'y pagdilat ng aking mga mata ay lumipas na ang marso, at abril na sana'y ang luhang bumubuhos ay maubos maubusan ng dahilan para umagos sana'y ang mga mata kong mugto ay kalimutan na ang nakaraan- kanilang multo sana'y di ko na makita ang sarili ko na kinamumuhian din ako sana'y makita ko ang sarili ko kung sino ako at mahalin ko ito sana'y ang mga matang ito na minsan ng lumuha ng todo ay makitaan ko ng luha muli ngunit ngayo'y may kasama nang ngiti sa aking puso, sa aking labi.
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:18 AM UTC
sana
Isang linggo Isang daan at dalawang pu na oras. Mga salita mo'ng buo. Ang bumuo sa puso ko. Natakot ako na baka hindi ko masuklian Nakalimutan kung papaano. Umatras, umayaw, nag paalam ako. Nanatili ka. Sumugal ka. Sinabi ko, hindi ko pa kaya. Ayaw ko pa, pasensya na. 'Di ka na muling nag tanong. Unti-unti ng nawala Ang mga salita mo'ng bumubulong sa puso kong umaambon. Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong. "What went wrong?" Mga salitang lumabas sa bibig ko. Ang salita na gustong itanong sa'yo. "I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo. Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan. Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang. "Naiintindihan ko. Pasensya." 'yan lang ang mga salitang binitawan ko. Nagpaalam tayo sa isa't-isa. Paulit-ulit na paalam, pero bakit? Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina? Dumating ang Marso, Kinausap kita. Nagtawanan pa tayo. Kamustahan. Hanggang sa humingi ako ng patawad. Pinatawad mo ako. Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo? O huli na ba ang lahat? Limang oras tayo'ng nag-usap. Limang oras na nagkukulitan. Nakikinig ka pa rin sa'kin. Ganoon pa rin, parang walang nagbago. Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko. Kung pwede pa ba? Tinanong kita ulit. Paulit-ulit. Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng "Mahal kita" "Pasensya ka na. Meron na akong iba." "Mas mahal ko siya." "Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na." "I already have mine." "Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako." At yan ang mga sagot mo.
0
Mar 23, 2021
Mar 23, 2021 at 2:49 AM UTC
Jew

49