Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AKIKO Apr 2017
Ako'y mailap
Pag si Ina'y kapiling
Kung ako'y umasta parang
Hindi sya nakikita
Parabang sa isip ko'y ako lang
Mag-isa

Anong mali?
Tanong ko sa  sarili
Anong mali at ganito ako
Umasta,
Sa harap ni Inay na nagbigay
Buhay sa kagaya kong walang
Kwenta

Pero bakit ba?
Gusto ko ba na isilang nya ang
Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta?

Sukdulan na siguro
Ang hinanakit ni Ina sa akin
Kayat luha nya'y hindi na napigil
Ako'y sinumbatan
Lahat ng kamalian ko'y
Sinambit
Sa unang pagkakataon
Si Ina ay nagalit

Ako'y nagtaka
Sa aking nadarama
Ang puso ko'y bakit tila sasabog na
Sa nakitang luha
Na umagus pababa

Isang gaya ko
Ang nagpaluha sa Kanya
O, anung hirap at
Sakit pala
Ang makitang lumuha
Ang Ginang na nagpalaki't umaruga
Sa gaya kong walang kwenta

Ngayu'y alam kuna
Ang damdamin ni Ina
Ako ay nangakong
Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa
At brilyante  nyang mata'y hindi na tumangis pa

Ang mahal kong Ina nasa malayo na
Paano na ang pramis ko
Tila naging abo na

Masakit isiping
Pagmamahal ay di naipadama
Sa nag-iisa kong Reyna
Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta

Sumilip ang Araw
Sa mata kong nakapikit
Kahit natakluban na ng luha ang mata
Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala
Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata

Hinagkan ko si Nanay
Tudo bigay ang dabest kong yakap
Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi
Batid ko si Nanay ay nagtaka
Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta

Labis akong nasaktan
Sa panaginip na handa ng may kapal
Tiyak ako'y kanyang sinubok
Upang malaman ko na ang halaga ni  Nanay ay di lamang sintaas ng bundok
Kundi sinlawak din pala dagat

Ang mahagkan pala si Nanay
Ay Walang kasing sarap
Sa haba nang panahon sanay
Noon kupa nadanas
Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal
Ay hindi ako magsasawa
Ohh,kay saya maranasan ang ganito
Ang makapiling si Nanay
Buo na ang araw ko

Ang pramis ko Nay ay isa lang
Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay
basta ba dito kalang at hindi lilisan
Hindi lahat ng sandali'y kapiling
Ka Nanay
Sy Lilang Mar 2017
090316 #AlphabetsOfLove #SpokenWords

Nag-aral ako't rumolyo ang panahon
Nagbilang ng taon, nabihag ng pag-ibig Niyang pabaon.
Naghalungkat ako ng mga mumunti Niyang Katha
Sa tarangkahang puno
Ng higit pa sa dalubhasang mga Salita.
At heto --
Heto ang Bukas na Liham
Ng pag-ibig ng isang tunay na Mandirigma.
Para sa lahat ng nanghihina't nasawi ng tadhana,
Para sa lahat ng humuhugot
Sa sandamakmak na nagdidilimang mga eskima
Heto, heto nga pala ang ABAKADA ng Pag-ibig.

----

A-alalayan Kita't baka mahulog ka't masaktan pa ng iba. Baka magpasalo ka na naman sa mga bolerong nanunungkit ng pag-ibig -- silang susungkit ng mga bituin para sayo, silang haharana sayo ng kilig, silang magsasabing maghihintay sayo kahit pa sa magkabilang mundo -- silang magdudulot lamang ng matinding pait sa puso mo pag hindi ka pa handa, pag hindi ka pa nahilom at pag hindi pa panahon. Oo, silang muling gugusot ng pagkatao mo.

B-abalikan Kita, hindi dahil Ako ang nang-iwan. Pakiramdam mo kasi'y wala ka nang halaga; yung tipong iniwan ka na ng lahat sa ere't kaunti na lamang ay pabagsak ka na -- yung wala ka nang matakbuhan pa, yung paikut-ikot na lang, yung takbo ka na lang nang takbo -- hanggang sa mapagod ka na lang. Mapapagod at kusa kang hihinto -- yung bibitiw ka na, yung aayaw ka na, yung titigil ka na, yung wala ka nang pakialam. Kaya't --

K-akalingain Kita, di gaya ng pag-ibig na minsang nagpaluha sayo. Nang nasisilayan Kitang magdamagang umiiyak. At kasabay ng bawat teleseryeng pinapanood mo ay luluha ka't hahagulgol ka sa isang sulok. Paulit-ulit sa bawat alaala, parang lirikong sinasabayan mo sa bawat hugot na pasan-pasan mo. Na lahat na lang, tila ba'y konektado sa kanya. Na wala ka nang mapanghawakan pa. Iiyak ka na naman ba? Pero --

D-aramayan pa rin Kita, hindi lang sa mga pagkakataong sawi ka; pero pati sa mga oras na gusto mo siyang balikan. Doon ay papagitna Ako at pipigilin Kita. Gusto kong makita yung totoong ikaw, yung dapat sanang ikaw -- yung ikaw na kahit wala siya'y buo ka pa rin. Yung hindi mo malilimutang mahal -- mahalaga ka para sa Akin.

E-h nasasaktan ka na. Ganyan ba ang pag-ibig na gusto mo? Na siya na ang nagiging mundo mo? Na halos wala ka nang kibo sa roletang dapat sana'y para sayo? Ganyan ba, ganyan ba ang totoong nagmamahal? Na hahayaan **** malugmok ka't madungisan ang sarili ng paulit-ulit at miserable **** nakaraan? Na hindi ka na kikilos, na parang wala ka nang balak bumangon at salubungin ang araw. Na parang hahayaan mo na lamang manlamig ang kapeng itinimpla sayo ng mga higit pang nagmamahal sayo. Pero --

G-agamutin Kita. Lahat ng mga sugat at pasang idinulot sayo ng nakaraa'y pawang aalisin Ko. Ako mismo ang kukuha ng bulak at Siyang papahid at dadampi sa bawat kirot at hapding naiwan sayo ng minsang ipinaglaban mo. Ako mismo ang iihip sa bawat nangigitim at sariwang mga pantal at peklat na bumabalot at kumukubli sa dapat sanang ikaw. Handa Ako at kaya Ko -- kaya kong alisin ang lahat --

H-anggang sa makabangon kang muli't maranasan mo ang pagbabagong ganap. At mapagtanto **** hindi naman siya kawalan sa pagkatao at pagkatawag mo. Masakit man pakinggan pero oo, hindi siya ang buhay mo. Uulitin ko: hindi siya ang buhay mo. Tumingin ka sa mga mata Ko. Pagkat oo, buo ka pa rin at walang nagbago sa paningin Ko sayo.

I-iyak ka paminsan pero ang lahat ay mananatiling alaala na lamang; luha mo'y sasaluhi't pupunasan Ko. Bibilangin Ko ang bawat butil na walang humpay na dumarampi at darampi pa sayong mga pisngi, higit pa sa matatamis na pangako niyang napako na rin kalaunan. Oo, napako ang lahat -- napako ang lahat sa Akin.

L-umaban Ako at patuloy Kitang ipinaglalaban. Tiniis ko ang bawat matitinik na hagupit sa mga balat Ko; maging mga pangungutya ng mundo. Para sayo -- para sayo, lahat ay ginawa Ko na; lahat ay tinapos Ko na at lahat ay iginapos Ko na. Pagkat --

M-ahal Kita at hindi Ako magsasawang patunayan yan sayo. Walang anumang bagay sa mundo na makapagtitibag at makahihigit sa pag-ibig Kong laan sayo. Mahal Kita at mas mamahalin pa -- higit sa mga araw na bilang, higit sa mga oras na ninakaw ng dilim pagka maaga ang takipsilim, higit sa kaibuturan ng dagat na wala pang nakalalangoy -- higit sa mga panahong pipiliin **** mahalin na rin Ako.

N-i hindi Kita iiwan, ni hindi pababayaan. Kaya -- wag ka sanang matakot na buksang muli ang puso mo, pagkat ni minsan -- ni minsa'y hindi Ko naisip na biguin ka. At hindi Ko naisip na paasahin ka gamit lamang ang mga salita, pagkat kalauna'y darating Ako para sunduin ka. Totoo ang bawat pangako Ko at lahat ay para sa ikabubuti mo, kaya't panghawakan mo ito -- hindi gaya ng pagsalo ng tubig gamit ang mga kamay mo. Pero hindi, hindi masasayang ang pag-ibig mo.

O-o, naiintindihan Kita, na nahihirapan kang magtiwalang muli dahil sa sobrang nasaktan ka na. Hindi Kita minamadali at hindi Ko ipipilit ang pag-ibig Ko sayo. Hahayaan Kita -- hahayaan Kita kasi gusto kong kusa ang pagtitiwala't pagmamahal mo. At --

P-apasanin Kita. Gaya ng isang Inahing naglilimlim sa kanyang mga inakay, gaya ng isang Inahing hahagis sa kanila sa himpapawid gamit ang sariling mga pakpak. At Gaya ng isang Inahing sasalo at papasan sa kanila pag nahulog silang muli -- hanggang sa makalipad sila -- hanggang sa makalipad kang muli. At buhat sa ereng pinagtambayan, buhat sa ereng pinagkatakutan mo'y, ngayo'y makakaya mo na. Kahit na sabi mo'y naputulan ka na ng pakpak; kahit pa sabi mo'y hindi ka na muling makalilipad pa. Mali, mali ang paniniwala **** yan pagkat --

R-aragasa ang pagpapala't ibubuhos Kong ganap ang Sarili Ko sayo. Ayokong iniisip **** hindi mo na kaya ang buhay; ayokong mawalan ka ng pag-asa dahil lang umasa ka sa maling tao o maling mga bagay o mga sitwasyon. Sabi mo pa nga, wala nang saysay ang buhay mo. Sabi mo nga, hindi mo na kaya. Oo --

S-asabayan Kita -- sasabayan, hindi lamang sa pag-abot ng mga pangarap mo. At sa bawat lubak na madarapa ka, tandaan **** narito Ako't aagapay sayo, kahit ilang beses ka pang matisod sa pagtalikod o pagkatalisod ay handa pa rin Akong saluhin ka -- sasaluhin at payayabungin.

T-atayo Ako sa harap mo at Ako ang magsisilbing harang sa bawat balang ikaw ang puntirya. Manatili ka lang -- manatili nang may buong pananampalataya at Ako -- Ako ang gagawa ng mga bagay na imposible sa paningin mo -- mga bagay na mistulang imahinasyon mo lang; mga bagay na binaon mo na sa limot pagkat huminto ka, huminto ka dahil napagod ka. Pero tapos na, tapos na ang panahon ng kapaguran. At ngayo'y --

U-nti-unti **** mararamdamang kusa na ang pagyapak mo kasama Ako. Na kaya mo na pala, na nakahawak ka na rin sa mga kamay Ko; na hindi ka na bibitaw pa. Pagkat, kailanma'y hinding-hindi Kita binitawan. Oo, hindi Kita hinila noon pagkat ayokong napipilitan ka pero matagal na -- matagal na akong nakahawak sayo; hindi mo lang napapansin o hindi mo Ako nagagawang tingnan.

W-ag kang mag-alala't alam ko ang kapasidad mo - kung kailan mo kaya at kung kailan hindi. Alam kong minsan mahina ka, pero maging mahinahon ka.

Y-ayakapin Kita, Anak; at kung iiyak kang muli, pwede bang sa mga bisig Ko na lang? Ikaw ang tanging Yaman ko't alay Ko sayo ang lahat. Mahal Kita, at ito'y walang hanggan.

---
Ngayon, magtatapos Ako
Magtatapos ako kahit na sarado pa ang puso mo
Kahit na may iba ka pang mahal sa ngayon
Kahit tila naririndi ka na sa pagkatok Ko
Kahit pa pinagsasarudahan mo Ako
Kahit pa ayaw mo pa Akong tanggapin
Kahit pa sabi mo'y hindi ka pa handa
Kahit pa sambit mo'y sa susunod na lang
O kahit pa sigaw mo'y tumigil na Ako
Pero hindi, ayokong magtapos ng ganito.
Magtatapos Ako't maghihintay sa sagot mo
At sana, sana'y dugtungan mo ang liham ng paanyaya
Dalawang letrang magkatulad lang
Dalawang letra lang ay sapat na
At ito -- ito na marahil ang pagtatapos
Na Ikaw ang Simula.
Kate Burton Dec 2016
Sabi nila, lahat ay nangyayari sa tamang panahon,
Ngunit hindi ko na maalala ang huling beses na sumang ayon ang tadhana sa akin
Minsan nag dududa na ako kung may tamang panahon pa nga ba
Ilang sakit pa ba ang kailangan tiisin bago matamasan iyon?

Nung nakilala kita, akala ko tama na, akala ko ayun na
Akala ko ang tamang panahon ay naririto na
Ngunit hindi parin pala
Sa puso mo'y may nagmamay-ari na pala

Wala akong ibang magawa kundi ang palayain ka
Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan
Kung bakit pinag tatagpo ang dalawang pusong pipigilan din naman
Ito na ata ang pinaka masakit sa lahat, ang pigilan ang nararamdaman

Ilang paalam pa ba?
Ilang pag papa-raya pa?
Ilang pag titiis pa upang magawa lamang ang tama?
Ilang luha pa ang kailangan pumatak sa aking mata?

Kailan kaya maranasan at maramdaman ang saya
Yung saya na nananatili hanggang sa pag gising mo kinabukasan
Hindi ko alam kung kelan ang huli
Huling beses na masasaktan ako bago ko maranasan maging masaya
Sofia Paderes Jan 2016
I.
Mahal, minsan napapaisip ako...
Ang laki masyado ng mundong ito, ang mundo ko.
Gusto kong hawakan ang bawa't bato, yakapin ang bawa't puno, pero hindi ko kaya dahil nadadala ako sa tinig ng mga iba't ibang boses na humihila sa aking puso at hindi ko alam kung alin ang susundan ko.
Nakaktakot ang katotohanan na marami pang mga lugar na hindi pa natatapakan ng aking paa, marami pa akong hindi alam, marami pa akong hindi nakikita.

Pero minsan, ang katotohanang ito ang nagpapatibok sa aking puso, at nais kong pasukan ang lahat ng mga pintong bumubukas sa harap ko,
nais kong mahalin ang lahat ng taong dumadaan sa buhay ko,
nais kong maranasan ang lahat ng pwedeng maranasan ng isang tao.

Pero minsan talaga, hindi...
Hindi talaga alam ng aking puso kung ano ang gusto nito.
Kung isang mundong malaki o mundong maliit ang gusto niyang tirhan.
Pero yung nag-iisang bagay na kung saan ako'y sigurado, ay...
Na gusto ko na sa gitna ng kaguluhan,
iyong boses ang madidinig,
at iyong boses lamang.

Balik mo 'ko kung saan tayong unang nagkita,
kung saan tayong unang nagkakilala.
Balik mo 'ko sa panahong iyon,
yung unang beses na hinawakan mo ang aking puso sa iyong palad
at nagpangako na hinding hindi mo ito bibitawan.

Halika, balik tayo sa ilalim ng iyong puno.


II.
Habang ako'y nandito sa ilalim ng iyong puno,
hindi na importante sa 'kin kung malaki o maliit man ang mundo.
Basta't kayakap kita dito kung saan walang kahulugan ang oras,
alam kong iikot lang ng iikot ang mundo.
At sapat na yun para sa 'kin.

Dahil sa iyong pagmamahal,
lahat ng takot ay nadadaig.
Spoken word poem written for Risen Collective's first event, Silakbo. This was a collaboration with Coeli, an incredibly talented songwriter and musician. This piece was performed as part of her song, Puno.
VJ BRIONES Jul 2017
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata
kapag nakakakita ng magandang dalaga
na naglalakad sa kalsada
isipin na nating..
maikli ang kanyang palda
maputi ang hita
malaki ang dibdib
teka
tama na
nakaklibog na diba!?
o kaya naman ang pagmamahal
ay parang
yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat
ay nakakapagtindig balahibo
dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak
o ito ba
ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi
kapag tayo ay kinikilig ng lubusan
dahil nga ang sweet sweet niya
kulang nalang magkadiyabetes ang puta
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?

ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung kapag dalawa lamang kayo
nakahiga sa mga damuhan
o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan
habang nilalanghap ang simoy ng hangin
sa taas ng gusali o kaya bubungan
na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin
at sinasabi na ang bituwin na yan
ang parang hugis puso
kahit hindi naman talaga
para masabi kolang na meron tayong pag-ibig
para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa
kahit hindi naman talaga
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung may nakilala kang tao
na wala kang ideya kung sino
na ang inyong bigalang tagpuan
ay hindi niyo naman pinaghandaan
o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao
na tayo ay hindi basta tao
tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan
na kailangan man tayo ay tao
napapagod din
natututong sumuko at bumitaw
sa kapit ng "kaya ko pa"
dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan
para hindi tayo masaktan
ganun ba ang pag-ibig?
ang pagbitaw ba ay pagmamahal?
ang pagsuko ba ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung paguubos natin ng oras
kahit na alam natin na ito ay walang kwenta
pero wala nakong pakialam
dahil nga kasama kita
na ang saya saya natin dalawa
nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan
hinuhusgahan ang mundo
sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto
wala kanang pakialam
kase nga kasama mo ako
na sana
hindi na matapos to
tayong dalawa
ikaw
ako
at ang ating magagandang mermorya
ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko
ganun ba ang pag-ibig?
ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung galak kapag nakikita kita
o kaya yung kapag kasama kita
kapag ako'y ubos na
pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta
andiyan ka palage
nakaaalalay
handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung pakiramdam
kapag tayo'y nagpapaulan
na para bang gusto na nating sumuko
sumuko dahil tayo ay pagod na
sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal
ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa
iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay
sige ibigay mo ang lahat
hindi ako basta basta natutumba
hinihiling na sana magkasama tayo sa huli
sana wala nang huli
sana wala tayong dulo
dahil ayoko, na ito ay magwakas pa
o kaya hindi na natin ito inintindi
dahil ang gulo na ng  isipan
nandun parin ako
nagpapaulan
hinahayan na mabasa ang sarili
walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan
basta ako ay basang basa na
niyayakap ang ngayon
tinalikuran ang masamang kahapon

anung alam natin sa pag-ibig?
meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal?
anung alam natin?

ang unti
ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal
napakaonti
na nagbibigay sa atin ng galak
ng sige gusto ko pa
ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira
dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig
bigyan moko ng pagibig
bigyan moko ng pagmamahal
mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
Louise Jul 2016
(A tagalog poem)



Tyaka na lang kita papansinin,
kapag kaya na kitang bigyan ng isang
matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi
nangangamoy usok ng sigarilyo.
Tyaka na lang kita kikilalanin,
kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip.
Tyaka na lang kita tatawagan,
kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog
bago pa magpalitan ang araw at buwan.
Tyaka na lang kita iisipin,
kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo
at hindi ang maaari kong gawin sa sarili
oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto.
Tyaka na lang kita papakatitigan,
kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula.
Tyaka na lang kita kakausapin,
sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig,
sa oras na kasiyahan na ang nasa isip
at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid".
Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay,
kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso,
kapag ang isip at kalooban ko'y
muli nang nagkasundo.
Tyaka na lang kita hahalikan,
kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi.
Tyaka na lang kita yayakapin,
tyaka ko na lang hahayaan ang sariling
maranasan na iyong mahagkan,
kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras.
Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan?

At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako.
Patawarin mo ang kototohanan na
binubuo ako
ng kalungkutan at kaguluhan.
Patawarin **** kung minsan
kapag bumuhos ang luha
ko'y mas malakas pa sa ulan.
Isang araw, aawit ako
ng awit ng pananalig at katiyakan.
Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan.
Ngunit sa ngayon,
dasal ko'y patawarin mo muna ako.

Giliw, tyaka na lang kita iibigin...
kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
Anster Lee Dec 2015
Ang Paglimot ay isang pamamaraan upang makalimot.
Sa isang simpleng salitang paglimot ito ay maraming mga masasayang alaalang syang magbabalik at hindi ito nakakatulong sa paglimot bagkus lalo ka lamang nitong sasaktan.
Ang paglimot ito din ang pinaka mahirap na bahagi ng aking buhay bilang isang umiibig marahil ng bawat isa sa atin.
Ang paglimot sa taong minsan ng naging parte ng ating buhay na ating minahal ng mahabang panahon at kahit sa haba na ng panahon na iginugul ay wala padin ang tamang panahon.
Ang pagpapalaya sa taong ni minsan ay hindi naging akin. Hindi ba't masakit. Ou.masakit ang Masaktan at mahirap ang maranasan ang lahat ng ito, ngunit kinakailangan ko na din sigurong palayain ang sarili kong puso.
O Kay hirap kang limotin.
Minahal at minamahal kita ng hindi mo alam kaya't ngaun lilimotin na din kita ng hindi mo parin nalalaman ang tunay kong nararamdam.
O Kay hirap ng palimot.
Ligayang kakaiba sa tuwing ikay nakikita tila'y di ko maipaliwanag subalit ito ay kailangan ko ng limotin.Magawa ko pa kayang ika'y makalimotan ngaung pati sa pagtulog ko ay naroon ka sa aking panaginip.
Ang kalimotan ka ay mahirap ngunit kailangan.
Kaylangan kong turuan at tulongan ang aking sarili upang ikay makalimotan na ng tuluyan.
Ang tanong ko Ano ang tamang pamamaraan upang ikay lubosan ng maibaon sa limot at ng wag ng masaktan pa ang puso kong mag-isang umaasa sa tamang panahon.
O Kay hirap ang limotin ka.
George Andres Jun 2016
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?

Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado

At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"

Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito

Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig


Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam

'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?

Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya

Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa

Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?

Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping

Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip

Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
62816
kingjay Feb 2019
Ito ba'y sa tingin ng miyopia na sandangkal ang layo, gusto na kabigin?
Pananaw na malabo, di malirip?

O himig na kaagaw-agaw pandinig
Musika sa katahimikang pandaigdig
na lumilikha ng espasyo sa katotohanang di ibig?

Paraan ng pagdarama sa mga bagay na umiiba?
Pagkaganyak sa karaniwang obra maestra?

Isang sulyap sa ningning ng maririkit na bituin
na mapangrahuyo sa mga mata?

Panggagaway sa sangkatauhan
na walang makapag-aalis
Payak subalit gumaganap nang paulit-ulit?

Ito ba'y tumatawid sa dakong paglubog tungo sa pagsikat ng araw
hilaga hanggang timog?

Gumagabay sa paglikha ng sining
ng mga pantas at pintor
na inspirasyon ang guhit?

Tumatalunton sa kinabukasan,
lumalakbay sa kawalan hanggan
tila mas matayog pa sa pag-asa?

Ito ba ang matamis na kabiguan
na ninais maranasan?
Ginawang bagay na di alam ang kahihinatnan?

O piling mga salita na nasnaw sa bibig,
bulong sa hangin ng makatang nagtitiis?

Kumukurap na liwanag sa karimlan
na kung pagmasdan parang mamatay datapwat di kailanman naglalaho?

Saglit na galak tulad ng mga nasa yaong pagdiriwang
mapagbunyi ngunit di mapagmataas?
Kurt De Castro Dec 2015
ngayong gabi, si san miguel ang bida
sina juan at jose, kaniyang kasama
sila ang tatlong santo ng dadaming malubha
sa aking dalamhati, sila lang ang nakauunawa

"bote ka pa?"
“bote pa!"

samu’t saring pulutang makulay pa sa ating pinagdaanan
tila kay Kapitan Tiyago itong handaan
mani, sisig, pritong isda, sitsiraya’t inihaw na galing sa manukan
isang peryang ng panlasang dapat maranasan
iyan ang mga pupuno sa loob kong walang laman

“bote ka pa?”
“bote pa!"

pero higit pa sa pagkalansing ng bawat tagay
at sa lasa nitong sisig ni inday
at ang pagka-ihaw nitong manok na tila pinanday
ay ang imahe nang lisanin mo ang ating bahay

saksi ang bawat sulok ng hagupit **** taglay
pira-pirasong bubog at litratong punit sa sahig nakaratay
luha’t pagsisisi, sa damit kong gutay-gutay
ang aking mukha’y imaheng ‘di mabigyang buhay

“bote ka pa?”
“bote pa!”

saka tatama ang pait ng serbesa at ng iyong alaala
saka mararamdaman ang lamig ng baso at ng iyong mga salita
ang bawat lagok, sa paglimot iginugunita
ang uminom hanggang makalimot, iyon ang pakana
pero anong mas malala, ang kirot o ang sabit bukas ng umaga?

"sige, bote pa."
alvin guanlao Aug 2015
Huwag **** paunlakan
pagka't di naman ito ipinagtutulakan
huwag mo ring masamain
pagkat di lang naman ikaw ang puwedeng naisin

isa lamang siya sa mga mata,
na nakakakita kung ano man ang puwedeng mahalata
tingin ko mas dapat mo pa ngang ikasaya
pagkat sa iyo'y mayroong humahanga

ang binitiwan **** salita ay hindi puwedeng gumana sa isa
naniniwala akong nakaramdam ka din, kaya ka dumistansya
ngunit bakit mo pa ito kailangang ipahayag sa amin?
gayong walang kalasag na proprotekta sa kanyang damdamin.

ako'y hihingi ng tawad kung ika'y nasaktan
ngunit huwag **** ipagkait itong aking kahilingan,
na kung sa susunod ay muli mo itong maranasan,
maari bang huwag mo na itong lakasan?
aL Nov 2018
Sa kalyeng punong puno ng dukha
Kamalayan ko'y nabubuksan na
Sikip at init ng mundong ibabaw
Dama lahat nitong pusong naligaw

Kahirpan talaga'y dapat maranasan
Bigat ng aking daigdig napapasan
Sakripisyo sa buhay, aking puhunan
Nang kasalatan nama'y mabawasan

Makita nawa ng iyong mga mata
Lahat ay may kanyakanyang suliranin
Minsa'y humihingi rin naman ng awa
Ang iyong nang hihinang mga alipin

Maglalaho sa mundo lahat ng hirap
Banggit ng mga kataastaasan,
Ngunit sa ngayon, ang tanging problema'y; aking kabuhayan.

11:57pm 11-14-18
Walang asenso....kasi maraming typo xD pasensya
Marthin May 2019
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan.

Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda.

Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila.

Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo.

Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam.

Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
A deep tagalog poem
brian bernales Aug 2016
Sa paningin ko'y ika'y parang santo
At ako nama'y parang g*go
Na palaging hinahanap ang mga ngiti sa mukha mo
Masulyapan ka lamang
Masaya na ako
Ngunit pagkatapos ay babalik din
ang sakit sa aking puso
Wala akong magawa kundi masaktan at magtiis
Kaya ako ngayo'y puno na lamang ng hinagpis
Oo late na ako, nasa piling ka na ngayon
Ng isang taong mahalaga rin sa buhay ko
Kaya kahit anong pilit ko
Hindi magkakaroon ng "tayo"

Sa simula pa lang hindi ko naman ginusto
Na muling tumibok ang aking puso
Dahil takot akong maranasan mo
Ang mga pagkukulang at sakit
Na sinapit ng taong dating minahal ko

Hindi ko naman sinasabing uulitin ko
Ang mga pagkakamaling iyon
Hindi lang mawaglit sa aking isip na
"Paano kung magkulang na naman ako?"

Teka, bakit ba ako nag-iisip pa?
E may mahal ka na namang iba
Sige, hanggang dito na lang ako
Titigil na ako, masaya naman na kayo
Tutal bawal naman "tayo"
Uupo na lang ako
Credits sa owner ng title. Hindi ko alam kung kanino pero thank you
carapher Oct 2015
Naramdaman ko ang pakiramdam
na hindi tayo nagauusap
kaya't
kahit ano pa ang mangyari
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin.

Ayoko na ito maranasan muli
dahil
mas masakit pa ito
kaysa sa
pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap
sa isa't-isa
habang ika'y siksik na siksik na
at sinusubukang
huminga.

Nakakalunod ka.

At kung
dumating man ang araw
na sa sobrang galit mo
saakin
ay hindi na tayo maguusap,
alalahanin mo
na minahal kita higit pa
sa inakala kong
kayang mag mahal ang isang tao.

Minahal kita
parang sa pagmamahal ng
tao sa hangin.

Kinakailangan kita.

Nguni't alam ko
na mabubuhay ako
sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko,
at pinagtatawanan ko
ang mga magkasintahan na sinasabi
sa isa't-isa
na ikamamatay nila
ang pagkahiwalay nilang dalawa;
mga inutil.

Alam kong mabubuhay ako
nang hindi ka makakausap
tuwing gabi't
sinusubukan kong ilunod sa
dagat ng muhika
ang mga boses sa tenga ko.
Alam kong mabubuhay ako na wala ka
nguni't ayoko.

Kaya't pagpasensyahan mo na
kung hirap akong huminga
kapag di kita kausap.
Alam kong
kat'hang isip lamang
ang pagkawalan ko
ng hininga
nguni't sa isip
at sa puso ko'y
ito ay totoong totoo.
mahal kita
pagpasensyahan mo na.
Camille Avila Mar 2016
Lumipas na ang mga araw
Kasabay nito ang ating alaala
Ngunit hindi pa rin mawala wala
Ang iyong imahen sa aking isipan


Matang nakakaakit,
Labing mapula,
Magagandang ngiti,
At boses na napakasarap pakinggan


Lahat ng ito'y gustong makita't maranasan muli
Ngunit ako'y naguguluhan,
Tama bang naisin ko lahat ng ito
Kung ako naman ang lumayo.
Niknik Apr 2017
-PARAAN

Gusto ko ang paraan kung pano mo ko halikan
Kung pano mo ako alagaan
Gusto ko ang paraan na akin ka lang
Na kahit sino walang makakadlang

Gusto ko ang paraan na hawakan
Hawakan na tila walang bitawan
Gusto ko ang paraan na kayakap ka lang
Habang nakapikit ang ating mata.

Gusto ko ang paraan na pinagdamot mo
Na para bang ako ay pag mamay ari mo
Gusto ko ang paraan na nagmamahalan
nagmamahalan na walang sawaan.

Madami akong gusto na paraan
Paraan na pinapangarap na maranasan
Paraan na nais sayong maramdaman
Paraan na kahit sino magugustuhan

Ngunit ang lahat ng ito ay isang katang isip lamang
Gawa gawa ng aking isip at kalooban
Gawa gawa ko na ako lang ang nakakaalam
Dahil ito lang ang tanging paraan..
Taltoy May 2017
Kay bilis ng pagdaan,
Mahirap mapansin, mamalayan,
Sa dami ng mga pangyayari,
Saan nga ba na-uwi?

Mga panahon na gustong maranasan,
Palalampasin ba ang pagkakataon? hahayaan?
Huwag naman sana, baka pagsisihan,
Desisyon nga dapat ay pag-isipan.

Pagkakatao'y di na gustong pakawalan,
Kahit tinig mo man lang ay mapakinggan,
Pagkakatao'y di na kayang palampasin,
Makausap ka kahit di mo man mahalin.
another random poem.
Taltoy Apr 2017
Ang lahat, may hangganan,
Ang lahat, may katapusan,
Dahil walang panghabambuhay,
Ang mapait na katotohanang tunay.

Maaring di pa ngayon,
Pero dadating din ang panahon,
Panahon kung kailan,
Dadating ang katapusan.

Ito na ba ang tinutukoy?
Ito na ba ang kinatatakutan?
Ito  na ba ang di gustong maranasan?
Ito na ba ang sukdulan? ang katapusan?
Jasper May 2018
Minsan naiisip ko kung bakit madalas akong nag-aalala sayo.
Madalas din kung maramdaman ko na sa bawat minsan nasasaktan ako.
Minsan wala akong maramdaman.
Madalas nagiging manhid nalang.

Minsan ginugusto ko nalang na biglang mawala.
Madalas sinasabi ng isip ko na 'wag magpapabigla.
Minsan naman nakakasanayan ko na tiisin ang pagkalungkot.
Madalas hindi ko kinakaya, mahirap, matindi, makirot.

Minsan napapatanong ako kung, "Minsan lang, pero ba't napapadalas?".
Madalas na kase akong matulala kakatingin sa larawan nating kupas.
Minsan nasasagi sa isip ko, "Kuntento ka pa ba? O sawa ka na?".
Madalas akong natatakot, nababalisa, 'di mapakali, oo, sobra na.

Minsan ko nang nagawa ang ibalewala ang iba, walang nakikita, kahit nandyan na.
Madalas ko ding sinasabi sa sarili na wala akong alam noon, kahit 'di na tama.
Minsan naisip ko na baka bumalik sa'kin, at karmahin ako.
Madalas namang kinokontra ng isip ko, ang damdamin ko.

Oo nga pala, minsan na din akong nagloko.
At ngayon nararanasan ko, ang madalas na pinaggagagawa ko.
Kahit sabihin pa na minsan lang, kahit minsan lang na nangyari.
Madalas ko ng maranasan, minsan, madalas, bumabalik sa akin ang ginawa ko dati.
It'smeAlona Jun 2018
Oh kay gandang pagmasdan ang mga patak ng ulan
Tila musika sa pandinig kapag ito'y bumabagsak sa bawat bubungan
Animo nag-aanyayang tayo'y maligo't magtampisaw
Kasabay ng mga bata na masayang naglalaro sa lansangan
Aking naaalala noong ako'y bata pa
Ang lagi kong dalangin, nawa'y bumuhos ang ulan
Upang ako'y maligo't maglaro kasama ng aking mga kaibigan
Hindi alintana kung may kidlat na paparating
Basta't masaya kaming naglalaro sa kabukiran
Noon, masaya na kami kapag umuulan
Dahil hudyat na iyon ng aming paglalaro sa malakas na ulan
At kapag tumigil na, si Ina'y nagluluto ng ginatan
Upang mainitan daw ang aming mga tiyan
Sa paglipas ng henerasyon, nabibilang na sa aking daliri ang mga batang naglalaro sa ulan
Marahil mas ninanais na lamang nilang maglaro at humawak ng gadget kaysa magtampisaw
Ang ilan nama'y takot magkasakit dala ng ulan
Ngunit, kung inyong iisipin ang ulan ay biyaya ng Maykapal
Nakabubuti ito sa ating mga katawan
Kaya laking pasasalamat ko sa Maykapal
Dahil naranasan ko ang maglaro't magtampisaw noong ako'y bata pa
Hindi tulad ngayong henerasyon, na ang tanging ginagawa'y humawak at maglaro ng gadget
Nakakalimutan na ata na sila'y musmos pa lamang upang maranasan ang saya ng kamusmusan
Taltoy Sep 2017
Kay raming naalala,
Sa pagpatak ng madaling araw,
Nadarama'y pangungulila,
Sa mga panahong dumalaw.

Karamihan ay nagsasabing,
Ang bawat bagay sa mundo ay hiram,
Kaya ang bawat panahon ay bigyan ng natatanging turing,
Dahil baka ito'y lumipas nang di ka nakapagpaalam.

Gusto ko ulit balikan,
Gusto ko ulit maranasan,
Ngunit di na maaari,
Katotohana'y di na mababali.
Ako'y nangungulila sa mga panahong masaya kahit wala akong maintindihan.
Atheidon Mar 2018
Hindi ang mga tala ang magdidikta ng ating kinabukasan,
Kundi ang mga puso na syang handang lumaban at manindigan--
Manindigan para sa mga bagay na hindi kayang hawakan ng ating mga palad.

Hayaan **** maranasan ng iyong puso ang malumbay at mawalay
Sa isang pamilyar na pakiramdam
Nang maunawaan mo ang kahalagahan ng isang bagay--
Bagay na katangi-tangi at panghabambuhay.

Hindi masusukat ng lahat ng mga bituin ang pagmamahal na kaya **** ialay;


   Sa bawat minutong inilalaan mo para sa taong ito,
   sa bawat text na kaagad ay nirereplyan mo,
   Sa bawat araw na ninanais **** siya ang kasama mo,
   Sa bawat pagkakataon na hindi mo pinapalagpas para siya ay makasama.

                                                               ­                                    Oras.

   Sa lahat ng pagkakataon na hindi ka nagreklamo sa pagiging late nya,
   Sa lahat ng pagkakataong minahal mo siya sa kabila nang pagiging magulo nya,
   Sa lahat ng pagkakataong ika’y natulugan sa telepono habang kausap mo siya dahil alam **** pagod sya,
    Sa lahat ng lakad na hindi niya nasipot dahil kailangan pala niyang mag-aral.

                                                               ­                                   Pag-Unawa.

   Sa pananatili mo sa kanyang tabi kapag siya ay nalulumbay,
   Sa pag alo mo sa kanya kapag siya’y nananangis,
   Sa pagngiti mo at ng iyong puso sa sa tuwing siya’y masaya,
   Sa pakikinig mo sa lahat ng kanyang hinanaing tuwing nagpupuyos ang kanyang damdamin.

                                                               ­                                   Pagdamay.

Higit sa mga rosas at tsokolate,
Ipinakita mo ang iyong pagmamahal.
Pinatunayan **** higit sa mga bagay na kayang hawakan ng ating palad,
May iba pa palang paraan ang pagmamahal.

Pagdamay. Pag-Unawa. Oras.
Ilan lamang yan sa mga kayang magdikta nang ating pagmamahal.
Kaya wag **** hayaang ang tadhana lamang ang magdikta nang inyong kinabukasan.

Higit sa tadhana ang inyong pagmamahalan.
Hindi kayo itinadhana lamang,

/ Pinili nyong magkatadhana. /
John Emil Oct 2017
Sino nga ba ang mamahalin?
Upang maging kahati ng aking tadyang
Hindi ko man mawari akoy naguguluhan
Sa babaeng ubod ng marilag

Sino nga ba ang dapat katiwalaan?
Ng puso kung tumitibok na dalisay
Tanging hiling ay iyong maramdaman ng tunay
Kaya’t sa tahimik na pagdarasal di na daan

Sino nga ba gustung harayain?
Kaya palaging nasa malayo ang tingin
Pati puso ko’y naging maagap
Upang hindi ka lang makalimutan

Sino nga ba? Ito’y itatama na
Upang pusot diwa’y di na mag-akala
Kaya’t wag na muling ipaalala pa
Mata’t katawan ipapahinga ko na

Sa aking pagtulog ikay makalimutan
Upang bagong buhay’t mamahalin
Saakin paggising aki’y maranasan
Kayat tanung “sino nga ba?” ay ililibing ng tuluyan
Hale Oct 2019
Sa bawat patak ng oras, ako'y nauubos.

Hindi mawaring isipin kung kumusta ka.

Iniisip mo ba ako? O ako lang ba ang nahulog?

Pilit kong itinatanim sa aking isipan na huwag magmadali.

Hayaan ang tadhanang gumawa ng paraan. Bigyang respeto ang tamang pagkakataon. Huwag nating pilitin.



Ngunit kasabay ng pagkumbinsi sa sariling huwag mangialam, nahahati ang aking isipan upang gumawa ng unang hakbang.

Ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kikilos? Subalit sasagi sa isip ang posibilidad na mawala ka dahil sa mapupusok kong gawi.



Isang malaking palaisipan ang pag-ibig.

Hindi ito para sa mga mahihina ang puso.

Hindi ito para sa mga taong mabilis mahulog at madaling masaktan.

Minsan napapaisip ako kung bakit pa ba natin ito ginagawa?

Sa dinami-dami ng hirap, sakripisyo, at sakit nitong dulot, talaga bang may patutunguhan?



Sa tagal ng panahong ginugol kong mag-isa, naliwanagan ako sa aking halaga.

Karapat-dapat ako sa pagmamahal na buong-buo at mapagpalaya.

Ngunit, tangina naman. Bakit ganito kahirap mahanap?



Akala ko madali. Iwinaksi ko lahat ng hadlang na maaari kong malampasan.

Ginawan ng paraan at isinaayos ang sarili.

Pagkalingon ko'y ako bigla ang nahuli.

Halos lahat ng aking mga kasabayan nagkaroon na kani-kanilang katambalan.



Ang malas ko naman.

Bakit ako na lang ang hindi nabigyan? Hanggang sa dulo ba ay ganito pa rin?

Parusa ba ito sa salang hindi ko namalayang gawin?

Diyos ko, ano bang magagawa ko?

Anong ginawa ko upang maranasan ito?



Hindi naman sa pagdadrama.

Ang nais ko lamang ay isang makakasama. Iyong makakausap sa araw-araw nang walang sawa.

Iyong magbibigay sa akin ng atensyon at alaga. Ngunit kasabay nito, ako'y handa rin

Na isauli ang pagmamahal na aking nagkakandarapang kunin.



Isang pagkakataon lang po upang magsimula muli ang puso

Makadama ng pagmamahal na tapat at totoo

Makakaasa kayong hindi ko ito isusuko

Anoman ang pagsubok na aming matamo
First Filipino poem I published.
For all the people who had been single for a long time and wanted to have someone again
John Emil Jul 2018
Takot talaga akong simulan
Dahil ako ang dahilan ng katapusan
Mga ngiti at tawanan
Nauwi sa matang mugto ‘t luhaan

Malakas at matapang sa unang pagdaan
Ngunit sa huli tumitiklop at lumilisan
Kahit gaano kahigipit kang hawakan
Dumating an pagkakataon ika’y aking binitawan

Mahal na mahal?kahit kita iniwan
May dahilan kaya humantong sa hiwlayan
May tanong bakit kailangan **** maranasan
Ang malungkot kong paglisan

Tandaan ako ang dahilan
Lumapit at nagparamdam ng di mo makakalimutan
Sabi mo nga nagbigay saiyo ng kahulugan
Ngunit sa dulo ikaw  iniwanf luhaan
Elly Apr 11
hindi ko rin alam kung kailan ko ba ito matutuldukan
dahil sa totoo lang natatakot ako na baka ito maging tutuldok-tutuldok
o baka madagdagan pa ng napakaraming tandang pananong
at akalain ko na tapos na ang lahat ngunit masusundan pa pala ng kuwit
o ng panibago pa ulit na tudlok-kuwit
aaminin ko na hanggang ngayon naman umaasa pa rin ako
na baka sakaling magamit mo rin saakin ang panipi
sa tuwing may ikukwento ka, na baka tungkol na saating dalawa
na kahit man lang sa pamamagitan ng panaklong
maranasan ko ang mayakap mo kahit papaano sa storya mo
na maidugtong man lang ng gitling ang pangalan mo sa pangalan ko
o kahit siguro malagyan lang ng kudlit ang pangalan ko
na para bang inaangkin mo ako
na dumating sa punto na magamit mo ang tandang padamdam
pero alam kong hanggang dito nalang dapat
na kahit kailan hindi ito magkaroroon ng tutuldok
upang maipaliwanag kung bakit hindi
o kahit sagot kung paano ito matatapos
na hindi ito ganoon kadali tulad ng pag-ubos ko sa mga bantas
sa pag-ubos ko sa nararamdaman kong ito
upang matapos ang piyesa na ito
tulad ng pagtapos ko sa naiisip kong 'to.
Gusto kita.
Sa mga oras na ito
Pero hindi sa mga susunod,
Maaaring mahalin na kita
O pwede ring may iba na ulit akong gusto.

Magulo ako, Oo alam ko
Pasensya kana kung ganito ako
'Di ko ito ginusto
Takot lang ako sa nararamdaman ko

Nais ko lang na maging handa.
Maging handa sa
Panibagong sakit at kirot
Na maaari kong maranasan muli
Pag nagmahal ako
Pero kung sakaling lumalim ang pagtingin ko sa iyo
At ika'y aking mahalin
Sana 'di pa huli
Hindi pa huli ang lahat
Dahil ayokong magsisi sa huli.

Alam ko na darating ang oras
Oras na mapapagod ka,
Susuko ka, maghahanap na
Ng iba.
Ngunit sa kabila ng mga oras na iyon
Umaasa akong babalik ka
Kahit imposible na.

Ilang beses kitang nasaktan
Umiyak ka,
Iniyakan mo ako.
Ang swerte ko.
Pero ang tanga ko.

Sa haba ng panahon
Naghintay ka,
Umaasang maging posible
Yung mga bagay na imposible
Ilang araw, linggo, buwan at taon pa
Ang kaya mo?

Ayokong dumating ang panahon
Na magsawa ka at mapagod ka
Pero ayoko din maging makasarili
Malaya ako,
Malaya ka.
Ngunit,
Sino ako para pagbawalan ka?
Pagbawalan ka na 'wag kang mapagod.
Sino ako para saktan ka?
Sino ako para mahalin mo ng sobra?

Isa ako sa mga taong maswerte
Ang swerte ko dahil,
may nagmamahal sa'kin.
At hindi ko na kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba
Dahil ibinigay mo na ang lahat.
Sobra sobra pa.

Gusto kita noon
Pati narin ngayon.
Ayokong mahulog sayo
Kaya pinipigilan ko.
Hindi ka mahirap mahalin
Pero natatakot ako.

Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon.
Kung kaya mo pa.
Konti pang panahon,
Para maging handa at
Maging buo yung
nadurog kong puso noon.

Sana lang di pa huli ang lahat.
Sa panahon na ako ay handa na.
At sa oras na mahal na kita.
Xeril Zapanta Sep 2019
Mama wag mo’kong iwan
Gusto ko pang makita ang totoong mundo
At malaman ang katotohanan.

Mama wag mo’kong bitawan
Ang lahat ng ito ay hindi ko kasalanan.

Mama pahinging buhay
Gusto pa kita makita at mahaling tunay
Kalimutan mo na ang sakit at galit

Mama ako’y iyong mahalin
Gusto ko pong maranasan
Ang totoong pagmamahal.

Kaya pakiusap ako’y iyong palabasin
Hayaan mo’ko alagaan kita
At makasama habang buhay.

Pero kung hiling ko ay di kayang tuparin
Sana isipin mo munaang desisyon mo bago ito gawin
At sana isipin mo rin ang akong kinabukasan.
k e i Jul 28
“minahal mo ba talaga ako?”

pakawala ko sa buntong-hiningang tanong. higit isang taon ding namalagi sa isipan ko.

“minahal mo man lang ba ako?”

pag-ulet kong tanong nang manatili siyang tahimik. iniangat ko ang mga mata ko para tignan siya. isang taon na mula ng huli naming pagkikita. iba na ang gupit ng buhok niya ngayon. mas nagmukha siyang seryoso dahil don.

ilang minuto pa ang lumipas bago siya sumagot. nanatili ang tingin niya sa labas.

“minahal kita. higit pa sa alam mo. marahil, higit pa sa naparamdam ko.”

“pero bakit ganon? ikaw yung huli kong inisip na manghuhusga, pero sayo pala mismo manggagaling.”

“ikaw yung higit na pinagkakatiwalaan ko sa lahat, pero ikaw rin yung bumali” matipid siyang ngumiti. ramdam ko yung pait. walang emosyon sa kaniyang mga mata.

napailing ako. eto nanaman. mga salitang pinakawalan namin nungg gabing natapos kami-ang kaibahan lang, sa personal ngayon at hindi sa tinig lang.

“mali ka. hindi mo ko minahal. hindi ako, kundi yung bersyon ko sa isip mo. hindi ako, kundi yung ako na nabuo mo sa imahinasyon mo.”

“minahal kita. sobra-sobra. kaya lang, nagbago ka. nung una, paunti-unti, hanggang sa pakiramdam ko, ibang tao na yung nasa harap ko. siguro dahil, nalingat ako, dahil di ko binuhos lahat ng atensyon ko.” saglit niya kong binigyan ng tingin na parang nahihirapan.

“dahil di naman siya nawala talaga diba? sabi mo noon, may mga pagkakataong magkasama tayo pero siya yung iniisip mo.”

hindi siya makasagot, pero bakas sa mata niya na tama ako. nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. matagal na yon. ayos na rin ako. sadyang iba pa rin pala kapag harap-harapang sabihin sa’yo.

“pero hindi naman ganun ang pagmamahal. hindi naman porket nagbago, dapat nang sukuan. kase lahat naman nagbabago. kahit ikaw, narasan ko ang ilang beses **** pagbabago. pero kahit ganun, pinili ko pa ring manatili. para sa’yo. para sa’tin”

“patawad. alam kong ako yung naging dahilan kung bakit umalis ka noon, alam kong napagod ka. pero hindi ko inakalang ganun-ganun mo lang ipagpapalit. na ganun ka kabilis magkakaroon ng bago.”

“hindi kita pinagpalit! hindi ko tinapon yung isang taon!”

mabilis kong kinalma ang sarili ko. ganitong ganito rin yung mga sinabi niya noon. ganun pa rin pala ang tingin niya. na binasura ko lang lahat. na parang mas mabigat pa yung naramdaman niya sa isang beses na pinili ko ang sarili ko kaysa sa kung paano niya pinaramdam na kahit ako yung naroon para sa kanya, kahit kailan di magiging sapat.

“bago ako umalis, sinabi ko sayo kung bakit. umasa akong ipapaintindi mo kung bakit nagbago yung pakikitungo mo, umasa ‘kong mapapansin **** nasasaktan na ako. umasa akong pipigilan mo ko, na sasabihin **** 𝘢𝘺𝘶𝘴𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 ‘𝘵𝘰. pero niisang salita, wala akong narinig. malamang iisipin ko, wala lang lahat nang ‘yon. kase hinihintay mo lang naman talaga kong umalis diba? ayos lang sayo kung manatili ako o hindi. ako kase yung nasa tabi mo. sanay ka na kamong iniiwan. sinubukan ko naman eh. sinubukan kong maging iba sa kanya base sa mga kwento mo tungkol sa kanya. kahit ang hirap. pero kahit ano namang gawin ko, ganun pa rin iniisip mo. na mawawala ako. kaya wala na rin akong ibang magawa kundi lumisan. kase sa pananatili ko, naubos ako. naubos na ata lahat ng isasakit bago pa man ako magpaalam. kahit nung nasa tabi mo pa ko, wala na akong maramdaman. kaya hindi mo ako masisisi kung mabilis. gusto ko lang namang mawala yung pagkamanhid. kasi kung may nakuha akong explanasyon o kahit isang salita galing sayo, alam **** hindi na ko tumuloy sa kabilang dako ng pinto, na mas pipiliin kita ulet-handa akong isantabing muli yung sakit.”

may ilang luhang nagpumilit na tumakas sa gilid ng mga mata ko. agad ko ring pinunasan ang mga ito. bigla nanaman bumalik ang mga ala-ala na akala mo hindi taon ang lumipas, parang kahapon lang. kasabay nito ang panandaling panunumbalik ng sakit.

“naniwala ako sayo nung sinabi **** ako lang. na walang iba. pero ang sakit nung ilang linggo lang pagtapos natin, may iba na agad sa tabi mo. may iba ka na agad kasama’t kayakap. may iba nang nagpapangiti sayo.”

kita ko ang pagkuyom niya sa kaliwa niyang kamay gaya ng ginagawa niya dati sa tuwing may bumabagabag sa kanya.

“tapos na tayo nun. gaano katagal ba dapat akong magluksa? kahit naman nung nasayo pa ako, mabilis mo ring binawi yung sayang pinaramdam mo nung una. na una pa lang, kahit ako na yung naroon, kasama mo pa rin siya sa isip mo. minahal mo lang ako kase ako yung nasa tabi mo. kaya wag mo akong sisihin kung ginusto kong sumaya ulet.”

“sana binungad mo na agad yun nung humingi ulet ako ng isa pang pagkakataon. hahayaan naman kita. kung nalaman ko lang ‘yon, hindi na kita ginulo pa. pinatay ko na dapat lahat ng naipong pag-asa sa utak ko, na pwede pa.”

“ang malas ko lang talaga, pagdating sayo, kaya kong itigil lahat. nung ginusto **** bumalik ako, umaahon na ko paunti-unti eh. kahit paano, nakakahinga na ko ulet. lahat sila sinabing wag na kitang pansinin, na sarili ko naman muna sa pagkakataong ‘to. akala ko mali lang sila ng paghusga, kase hindi ka nila kilala katulad ng pagkakakilala ko sayo. wala eh, nagparamdam ka lang, naapektuhan nanaman ako. pagdating sayo, ang tanga-tanga ko. ganun na lang kita kamahal. hindi lang isang beses; umulet pa ko. ayun lang naman kase yung kailangan ko, yung marinig na gusto mo pa, na gusto **** ayusin.”

“inaayos naman na natin nu’n diba? nagiging masaya na tayo ulet. nakikita ko kung pa’no mo sinusubukang bumawi. kaso wala, nung malaman **** sinubukan kong kumilala ng iba hindi mo matanggap. traydor ako, sabi mo. at sa pagkakatong yun, ikaw naman yung nang-iwan. akala ko wala na akong mararamdaman. na ayos lang, nangyare na ‘to, naulet lang, nalampasan ko na ‘to. pero hindi, mas masakit pa pala. tangina sobrang sakit. kase ayun na yung hinihingi ko, tapos binawi nanaman kung kelan hinding-hindi ko inaasahan. tangina.”

“siguro nga kaya hindi naging maayos ‘to kase hindi ko inayos yung nakaraan. hinayaan kong sundan ako ng multo niya, hinayaan kong saniban ng nakaraan yung kung anong meron tayo. na hanggang ngayon hindi pa rin ako tuluyang makalaya.” mahinang sabi niya. ramdam ko yung pagsisisi sa boses niya.

“sana naiayos mo na yun ngayon. sana mas maayos ka na ngayon. sana mapatahimik mo na yung mga memoryang patuloy na humahabol sa’yo. sana naghihilom ka na. sana, hindi na maranasan ng mahal mo ngayon yung naranasan ko.”  

sa loob ng isang taon, natutunan kong tanggapin lahat-mula sa mga memorya hanggang sa pa’no kami nawakasan, kung pa’nong di naman siya talaga naging akin lang. hindi naging madali pero kinailangan. sa huli, wala naman talaga akong magagawa. nangyari na yung mga pangyayari. nagkapalitan na ng mga masasakit na salita. naubos na namin ang isa’t-isa.

“nung tuluyan nang nawala yung tayo, wala akong naging iba at wala nang susunod pa. mas gugustuhin ko na lang na mag-isa. kase yung sakit na dala-dala ko bago pa man kita nakilala, hindi ko namalayang naipasa sayo. sobra sobra na yung pinsalang nadulot ko. tama na. ayos na yung ako na lang yung nagdurusa.”

“-alam kong kahit ga’no ko pa gustuhing ibalik yung oras para itama lahat ng nagawa kong mali, hindi na pwede. said na. siguro hanggang doon lang talaga tayo. sa ganito siguro talaga tayo maiuuwi. tama na.” pagpapatuloy niya.

sa puntong ‘to, naiyak na rin siya. kumuha siya ng panyo at pinunas sa kanyang mukha.

“baka nga. baka hindi talaga pwede.” bulong ko.

tinignan ko ulet siya, sa kahuli-huling beses. ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan, nakatingin pareho sa kawalan. siya ang naunang tumayo sa kinauupuan.

“alam kong hindi mabubura ng ilan mang ‘patawad’ kung ganito kita sobrang nasaktan. pero gusto ko lang ulit humingi ng patawad.”

pinanood ko ang palayo niyang pigura hanggang isa na lang siyang maliit na tuldok at tuluyang nawala. pinakiramdaman ko ang sarili ko. humingang malalim.

isang taon na yung lumipas. halos ganito rin yung nangyari noong gabing iyon. ang pagkakaiba lang, noon, mas pinapangunahan kami ng emosyon. isang taon na pero ngayon ko pa lang talaga patuloy na maibabaon. kinailangan kong marinig ulet. ngayon, totoo ngang tapos na. wala na. natuldukan na.
Kai Rafanan Jul 12
Ikaw at ako
ay hanggang panaginip lamang
Hinihiling na ika’y
pumasok sa aking mundo
Hinihiling na maranasan
ang mga araw
na ika’y
masaya at malungkot

Isa,

            Dalawa,

Tatlo

Dapat pagmulat ko
Ikaw ay nadiyan na

Ay,

Hanggang panaginip
lang pala.
Hanggang panganip lang

— The End —