Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapasakin" poems
Umaga na nasa isip pa din kita Oras oras ikaw lang aking sinta Ang sakit lang na makita Na ang puso ay masaya Sa piling ng iba Sana ang pagmamahal Ay iyong madama Hindi yung puro sya Ang dami ko nang tinalikuran Para ikaw ay muling mapasakin Tinabla ko aking mga kaibigan Dahil sa mahal pa rin kita at alam mo yan Nakikiusap lang Na sana ako na lang Ako na lang ulit Ako ay bigyang pagkakataon Na mapadama na mahal pa rin kita Sana mayroon pang pagasa Na may isang tutulong Na maibalik ka sa akin Sana mabawasan lang Sana hindi mawala Sana ako pa rin
0
Oct 13, 2015
Oct 13, 2015 at 7:03 AM UTC
Sana Ako Pa Rin
akoy isang lalaking hindi madasalin hiniling sa diyos na ikay mapasakin handa sa ano mang ating tahakin pangako na ang lahat ay ating kakayanin tulang puno ng pagmamahal nililikha nagmula sa puso lahat ng mga salita ngunit kaakibat ng salita ang gawa kahit ano mangyari hindi magsasawa handang magbago ang tulad kong tarantado patunayan lang na hindi isang gago sadyang mamahalin ka ng buong buo mula nang ikay mahalin handang magbago isang binibining kumbagay mala-sining minimithing mapapunta sa aking piling mapaano ibibigay lahat ng hiling pangarap ikay katabi sa bawat gising sa bawat kwento mo na puno ng pighati gagawin ang lahat para ikay ngumiti mga kwentuhan na umaabot ng gabi ang pag-ibig sayo ay lalong tumitindi marapatin na bigyan ng pagkakataon pag-ibig sayo aabot habang panahon akoy nagbago at handa ng patunayan ikaw ang mahal mula noon hanggang ngayon marami man kontra sa ating pagsasama handa ng patunayan na ito ang tama ang kasiyahan ay laging ipapadama papalitan ng saya lahat ng drama siguradong sayo ay hindi nagkamali ikaw talaga ang minahal at pinili mga oras na kasama ka di mapakali akoy handang mag-antay sayo basta palli tutuparin ang pangakong di ka sasaktan ano man ang mangyari di kita iiwan siguradong ikaw lang ang paglalaanan ng tunay na pagmamahal magpakailanman ibibigay lahat ng iyong pangangailangan mapa gamit o prutas maliban sa pakwan susuportahan ka kahit anong larangan ipaparamdam tunay na pagmamahalan pinakaminahal marahil ay ikaw kagandahan tilay mga perlas na hikaw pagmasdan at marahil ikay masisilaw iyong kausapin paniguradong siya'y sabaw marahil ito na ang aking huling saknong handang maghintay sa sagot mo sa aking tanong paumanhin sa tula kong usad pagong paninidigan ko lahat hanggang sa kabaong
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 7:47 AM UTC
bem

Continue reading...
49
Lumaki ako na sanay sa mga larong pambata, Yung mga tipo ng laro na kapag nalalaro ko ay sobra akong sumasaya, Yung mga tagu-taguan,  habol-habulan,  agawan base at marami pang iba. pero habang tumatagal,  hindi na ako nagiging masaya pa. Ang dating saya ay napalitan ng sakit. Ang dating mga ngiting kay tamis ay napalitan ng mga ngiting kay pait. Ang dating mga tawa sa mukha ay napalitan ng simangot, Ang dating mala anghel na boses ay nabahiran ng galit at poot. Nagsimula lahat yan nung minahal kita, Simula nung minahal kita,  sineryoso ko lahat. Pero ikaw ginawa mo lang laro lahat ng yon. Teka lang ah, pero ang pagmamahal kasi hindi isang laro. Hindi isang laro na parang habol-habulan, Na kung san sa simula nag eenjoy ka pa, Pero pag pagod ka na sasabihin mo "taympers muna" Pero yung taympers na yon, mauuwi sa "pagod na ko,  ayoko na" At hindi rin ito parang isang agawan base, na kung saan onting layo mo lang sakin,  may iba nang susungkit sayo, O kaya,  yung kahit anong higpit ng hawak ko sayo, Ikaw yung kusang nagpapahatak mapunta lang sa kabilang grupo. Hindi rin ito parang isang tagu-taguan, Na pagkabilang kong tatlo,  nakatago ka na. Nakatago ka na, at may kasamang iba. Isa,  dalawa,  tatlo, anjan ka lang pala sa likod ko, hawak ang kamay niya Para lang sabihin na, "salamat sa lahat,  pero pasensya na may mahal akong iba" Mas lalong hindi toh isang pantintero, Na sa kabila ng lahat ng paghihirap ko para mapasakin ka, May nag iintay na pala sayo sa kabilang banda. Edi bale wala din yung pinaghirapan ko. Siguro, para sayo,  isa itong langit lupa. Saksak puso tuluan dugo, wala kang pakialam kung gano mo nasaktan yung puso ko, Basta sabi mo, "pwede umalis ka na sa pwesto mo sa puso ko, kasi may pumalit na sayo" Yung pagmamahal ginawa **** laro, Ako yung naging lata sa tumbang preso,   na tinamaan dahil sayo,  pero hindi mo man lang tinayo. Ako yung tipong nilaktawan mo sa luksong baka, para lang makapunta sa iba. Wala eh,  yung pagmamahal ko sayo,  ginawa mo lang lahat na isang biro at laro. Pero kahit papano hinihiling ko na sana isang mobile game nalang ako, Para naman kahit papano,  mahalin at seryosohin mo rin ako.
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 6:00 PM UTC
"LARO"

38
Kulang ang salitang "sobra" sa sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko kayong magsama Sabi nila luha ang pinaka mabisang panlanggas sa sugat ng puso Pero ilang unan na ang napuno ko Ilang unan narin ang naka alam ng pinaka tatago kong sikreto Nung unang araw na nakita kita nagbago lahat Nung unang araw na naka usap kita kumislap ang mga paligid Nung unang araw ko na makita ang iyong mga ngiti nabulag ako.. Nabulag ako sa katotohanan na hanggang tingin at sulyap lang ang kaya kong gawin sayo Nabulag ako sa katotohanan na kahit kelan hindi maaring maging tayo Nabulag ako sa akala ko na maaaring maging tayo Nabulag ako sa pag asa na meron akong lugar jan sa puso mo Hindi ko lubos maisip na barkada ko pala ang iyong natipuhan Ang akala ko malapit na kita makuha Akala ko malapit ka nang mapasakin Akala ko magkakaroon na ako ng lugar jan sa puso mo Pero ang akala ko lang pala ang babasag sa sarili ko Akala ko kasi... Akala ko kasi malapit nang magkaroon ng ikaw at ako yung merong tayo Pero isang malaking pag aakala lang pala ang lahat.
0
Feb 11, 2017
Feb 11, 2017 at 12:27 PM UTC
Umasa
Isa, dalawa, tatlo Ikaw parin ang laman ng puso ko Apat, lima, anim Sana ay ako parin Pito, walo, siyam Sana'y hindi pa ito ang huling paalam At ang panghuli ay sampu Na nagsabi sayo ng "I love you" Umaasa ako na mapapansin mo din ako At sa huli ay magiging tayo Gamit ang mga numerong ito Ay ang mga rason kung bakit kita inibig ng ganito Lahat ng numero ay babanggitin Hanggang sa ika'y mapasakin At kailanman ay hindi magsasawa, Magsasawang maghintay at sumaya
0
Jan 27, 2017
Jan 27, 2017 at 6:04 AM UTC
Numero
Promises are meant to be broken. Nung una, Di ako naniniwala. Kasi sabi ko mahal kita, Sabi ko, gagawin ko lahat, Basta mapasakin ka. Sabi mo, "Sabi mo lang yan." Pero ngumiti lang ako. Kasi ako yung taong tapat sa pangako. Walang takot at pangamba, Na baka balang araw maiwan kang magisa, Sumagot ka sa tanong na, "Baka pwedeng tayo na?" "Oo". Matamis **** "Oo", ang bumuhay saking pagkatao. Nagtagal hanggang sa puntong Di na pwede ang sumuko. "Bakit ang tanga mo!" "Bakit ang hina mo!" "Talo ka pa ni ganito, Talo ka pa ni ganyan!" "Sana di nalang naging tayo!" Mahal. Patawad. Dahil sa mga masasakit na salitang binitawan mo, Sinira ko na ang pangakong di ako bibitaw sayo.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 5:58 AM UTC
"Pangako"