Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapapadali" poems
Patawad kung di na ako nagsasalita, Kung di na kita kinakausap pa, Ayaw ko kasing masaktan pa, Parating na kasi ang araw na lalayo kana. Patawad kung nilalayo ko na sarili ko, At kung iniiwasan ko nang mga mata mo, Mahihirapan akong kalimutan ang mga titig mo, Lalo na ang epekto sakin nito. Patawad sa paghintong alagaan ka, Mahirap kasing makasanayan pa, Hahanap-hanapin kasi kita, Sa ganitong paraan mapapadali ang limutin ka. Patawad kung pinipili kong burahin ka sa aking ala-ala, Kasi ayaw kong may pinanghahawakan pa, Sana wag mo isiping hindi ka mahalaga, Minsan lang kasi ako magmahal kaso nawawala pa. Naiintindihan ko ang rason ng iyong paglisan, At dahil dito hindi kita pinipigilan, Sana masaya ka sa iyong pupuntahan, Patawad kung ibabaon kita sa nakaraan.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:41 PM UTC
Patawad Kung ( Tagalog )
pumasok sa kompartamentong bilang sa lahat ngunit ipagsiksikan ang sarili, sumuot, at ipilit dahil ang maiiwan sa españa ay hindi makakarating makipaglaban, mang-agaw, ang akin ay akin trenta minutong paghihintay sa ilalim ng init, tiyaga ang kapiling sa umaga bakit nga ba ‘di pa makikipag-balyahan? asal-hayup upang mapuntahan ka lamang sa pagdating sa istasyon ng sta. mesa pawis ay naghahalo, amoy ay ‘di mawari napagitnaan ng dal’wang dalagang nagchi-chismisan ‘di sinasadyang makinig, ako’y ‘di sang-ayon kaya iiling sa hawakan ay higpitan lalo ang kapit sasakyan natin ay paparating na sa pandacan tumitig sa bintana at muli, bigla kang naisip ngunit sila’y ‘di maibigay ang inaasam na pagtahimik bakit nga ba ako nagtitiyaga? sa masikip, magulo, at maingay na paraan paalis na tayo sa istasyon ng paco ika’y singtulad ng tren na ito hindi makahinga sa dami ng taong nilalaman kailan ba mapapadali ang ruta sa araw-araw? magrereklamo, magsasawa, sasabihing “ayoko na” titigil sa istasyon ng san andres mananatili hanggang makaabot sa vito cruz pasulong ang andar ngunit ang gana’y wala na pagod at nagsasawa, hindi magawang iwan ngayon ka pa ba susuko, eh ang lapit mo na? nawala ang bigat ng pasahero pagdating sa buendia nawala na rin panandalian ang sikip na iniinda ngunit ano namang silbi ng ginhawa, kung paalis ka na rin at nalalapit na sa paru-roonan pagod ka na pero tiyagain mo nalang ikaw at ang sitwasyon ay nariyan na nga nag-inarte ka pa kung kailan nasa pasay road na hindi ka pa ba nasanay sa araw-araw? tumigil ang tren sa istasyong pinakahihintay pawis, pagod, suot ang damit na gusut-gusot heto na, sa dami ng nangyari ay narito na sa edsa magallanes, salubungin mo siya
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 3:00 PM UTC
ang hindi maisiwalat na pagnanasa at tumatakbong imahinasyon sa istasyon ng tren: byaheng mula españa hanggang edsa-magallanes

Continue reading...
40