Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapangakit" poems
Tahimik na nagmamasid. Diretso ang tingin. Nakita ko ang sarili nasa himpapawid, hindi alintana ang pagpatid ng bawat pakpak na pudpod na sa kakagamit, Hindi alintana ang kanilang unti-unting pagdating, basta diretso lang ang tingin. Sa iisang direksyon lamang nakatutok ang aking paningin, Nakikita kita. Naaaninag. Ikaw lamang ang tanging bituing nagliliwanag sa gabi. Ikaw ang buwan, ikaw ang araw. Ikaw ang pagkapit, ikaw ang pagbitaw. Ikaw ang sa umaga'y araw na nakakasilaw. Ikaw ang sa gabi'y buwan na tanging lumilitaw. Ikaw ang paru-parong mapangakit. Nakakaakit. Hinabol kita para lamang mahuli. Hinabol kita pero ang hirap mahuli. Hinabol kita pero akala ko ako na ang huli. Pero mali. Hinabol kita habang hinahabol mo siya. Minahal kita pero minamahal mo siya Kailan kaya mangyayaring tayo ay pagbaliktarin ng tadhana? Kailan kaya mangyayaring ang ako ay magiging ikaw? Na naghahabol, walang pagod sa paglipad para lang maabutan ka. Kailan kaya mangyayaring ang dating ako lang ay tayo ng dalawa? Dalawang paru-parong dadapo sa isang bulaklak na pareho nating gusto. Kailan kaya ang durog na ako ay muling mabubuo? Kailan ka kaya hihinto para lamang hintayin ako? Kailan? Kailan nga ba? Kailan mo nga ba malalaman na ang ligaw na paru-paro ay sayo pala patungo?
0
Jul 27, 2016
Jul 27, 2016 at 7:22 AM UTC
SAYO AKO PATUNGO
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap, tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing malabong magdikit kahit sa pangarap Sana’y sapat na ang mga awit ng mga tulang binigkas sa hangin, nagbabakasakaling maipadama ang lalim at tugma ng pag-ibig na nilihim Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig yakap ang unan, hawak ang kumot nag-iilusyong kasama ka Sana’y maulit muli ang sumpa sana’y walang takot sa halina ‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi alam na natin ang ingay o init at takot na tayong mabighani Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init masaya na sa halik ng kape sa labi nag-iilusyong kasama ka. Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig. Tadhana Michael Joseph Aguilar Tapit 6/19/2016
0
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:40 PM UTC
Tadhana