Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"manuod" poems
Paborito kong laruan ay baril-barilan At hindi mga manika o lutu-lutuan. Hilig ko rin ang manuod ng action movies Kaysa mga disney princess' movies Pero babae ako. Ayaw na ayaw ko sa bestida, palda, Mga make-up at kung anu-anong pampaganda. Mas gugustuhin ko ang tumakbo o mamundok Kaysa magpunta sa mall at sa salon. Pero babae ako. Hindi pa ko nagka-boyfriend o nagkagusto sa lalaki Ngunit sa babae ay maraming beses nang kinilg. Mas gugustuhin ko na mahulog sa babae Kaysa sa lalaki sumuko. Pero babae ako.
0
Jan 4, 2017
Jan 4, 2017 at 4:26 AM UTC
Pero Babae Ako
Noon, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi makatulog sa hapon Ang mahuli ng magulang na tumatakas para makalabas at makipaglaro Ang matakot sa mga kwentong multo na gumagala tuwing alas tres ng madaling araw Ang manuod ng horror na pelikula at matulog na bukas ang bombilya pagkatapos Ang dumilat at sumilip sa ilalim nang kama Noon, natatakot lang akong makakita ng pulang marka sa aking papel Ang hindi makasagot sa pagbigkas sa nakabusangot at nakakatakot kong titser Ang mahuling nakikipag daldalan sa katabi kong kaklase Ang hindi makauwi sa tamang oras na binigay ng magulang Natatakot ako sa mga maraming bagay Ngunit nagiba narin ang mga bagay na kinakatakutan ko sa mga taong lumipas Mas lumaki na sila at mas naging matapang Mas naging matulis ang mga pangil at humaba ang mga binyas, ang buhok, ang kuko Mas bumilis, mas lumiksi Mas mahirap nang labanan Hindi na pwedeng basta idaan sa pagtulog at pagtakas Hindi na basta basta napapatay ng liwanag na nanggagaling sa bukas na ilaw ang takot Hindi na rin nawawala ang takot sa pag balot sa buong katawan ang malambot na kumot Hindi na madadaan sa pagsiksik sa pader upang hindi mahila ang mga malamig na paa sa nagtatagong takot sa ilalim ng kama
0
Nov 20, 2020
Nov 20, 2020 at 10:08 AM UTC
101