"manira" poems
Ang husay ng iyong gawa na idadamot ng aking mga kamay
Hindi ito pusong o sumpong pero ako’y naniniwala na hanga ako
Paano na mas matalas ang iyong lapis kumpara sa akin?
Wala na bang masasabi?
Ang pangarap nakatago sa likod ng alapaap
Ang lilim ay parang dating kaibigan na nagkimkim ng aking mga kamay
Pero kailangan maghiwalay, dahil sa mga masasamang damo
Maganda ang itsura, may dating. Masaya manira ng tama
Mag-asim ang gatas ng ating mga anak
Hawak-hawak mo ang aking mga kamay
Itaga ko para mabigay sa iyo ang nagbibigay buhay sa utak ko
Kunwari hindi lumipad sa malayo ang aking mga pilik-mata
Kunwari lumipas ang minuto kesa sa panahon
Malupit ang oras sa kwento ng bata
Masakit tignan na malayo ang mga pinagasa
Sungkitin mo ang mga iniisip ko
Matigas ang ulo
Ihukay ang masasamang damo
Parang maliit na bulaklak lang
Sayangin ang buhay na hindi nagbibigay buhay
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 2:01 PM UTC
Mga boses sa kaniyang isipan
Kailan kaya mauubusan?
ng lakas loob upang manira
hindi lamang ng sarili pati iba
pilit na pagpapakinis
upang tuluyang matanggap ng iba
kailanma'y di ka naging normal
produkto nang di kanais nais na mga ganap
kailan kaya naisipang sumuko?
at ngayo'y di na tumigil sa paghinto
at pagpatay ng bawat kasiyahang natitira sa iyong puso
ang wirdo mo
bakit di ka maging kagaya nila?
bakit di mo baguhin kung sino ka?
patayin ang sariling pagkatao para matanggap ng iba
walang pinagkaiba
nagiging kagaya ka na nila
ngayon, alam mo pa ba kung sino ka?
sa dinarami rami ng kasinungalingang iniluwa
mga pader na itinayo't ngayo'y pilit tinatago
natatakot na baka sakaling di na sila matuwa
na tumigil ang atensyong pinaghirapang makuha
matapos ay sasabihin nilang
"nag-iba ka na"
Dec 4, 2022
Dec 4, 2022 at 10:15 PM UTC