Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mangingisda" poems
Una, akong natutong magbilang ng saya sa dagat, Habang ginagawa kong kwintas ang mga puka shells Sa dalampasigan. Natutu akong lumaban sa sigalot ng buhay, Sa pagtalon habang ang mga rumaragasang alon Ay ginuguho ako. Ang hangin Ay bumubulong sa akin ng uyayi Dinuduyan ako upang mahimbing. Natuto akong magbawas ng kalungkutan Sa mga tuyom Sa baybayin. Natuto ako ng kolektibong paggawa Sa pagmasid sa mga mangingisda sa paghugot ng lambat mula sa dagat Na taglay ang isang araw na huli at hatiin sa kanila Nang pantay-pantay. Umuwi sila sa kanilang pamilya na may Kasiyahan sa kanilang dalang Paghahatian sa paminggalan. O kay sarap sa pakiramdam Tuwing huhubarin ko ang aking tsinelas At namnamin ang mapipinong buhangin sa aking mga paa. At sa tuwing ako ay nakakaranas ng kasalatan Akin lang alalahanin- Ang mga araw ng aking pagbibilang sa dagat.
0
Oct 17, 2016
Oct 17, 2016 at 9:00 PM UTC
Mga Araw Ng Pagbibilang Ko Sa Dagat
Sana sa pangalawang buhay natin ay magtagpo ulit ang ating mga landas. Hindi man tanda ang istorya ng nakaraang buhay, mas nakasisigurado naman ako na may ngiti sa labi ko kung saan man ako mapunta (for sure yan impyerno). Sana isa akong sundalo, at isa kang nurse sa gyera. Nang sa ganon, ay kahit ano pang galos o tama ay sa'yo pa rin ako magtatapos. Upang gumaling, upang maghilom ang mga sugat. At kung sakali, ako ma'y mamatay muli, alam **** ang litrato mo'y nasa aking dibdib. O sana, isa akong direktor, at isa kang manunulat. Ikukwento ang iba't ibang istorya ng pag ibig at hindi mamamalayang istorya na pala 'yon ng mga nakaraang bersyon ng ating mga buhay. O pwede rin namang sana, simple lang ang lahat. Ako'y isang magsasaka at isa kang mangingisda. Payapa ang buhay at walang balakid, di kagaya ng una nating pag-ibig. At kung ganito man ang mangyari sa mga susunod, alam **** ngingiti ako sa impyerno bago apir-an si Satanas at sabihing... nagkita kami ulit.
0
Oct 31, 2019
Oct 31, 2019 at 9:15 AM UTC
Sana
8 Isang hamak na mangingisda Itong si Agus na makisig at masigla 9 Mga magulang niya’y kaytagal nang payapa Kaya natutong mamuhay mag-isa 10 Gamit ang mga gawang-kamay nito – Lambat, sibat, panggaid at isang baroto 11 Sa ‘di pangkaraniwang palad ay kasinggulang niya Ang natatanging prinsesa ng bayan nila 12 Lingid sa kanyang kaalaman Si Dara ay lagi siyang pinagmamasdan 13 Halinang-halina sa binatang kaygwapo Dagdag pa ang katawang matipuno 14 Minsan naring natikman ng dalaga Ang mga huling lamang-dagat ng binata. -06/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:58 PM UTC
Daragus 2 -Si Agus-
1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa Siya ang binukot na si Dara 2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang Natatanging anak ng mga magulang 3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok Mana sa amang hari na mapusok 4 Maputi at makinis ang balat Mana sa inang reyna na madalaing magulat 5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay Matapang sa buhay, natatakot mamatay 6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto 7 Subalit mayroon din naman siyang libangan Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan. -06/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:57 PM UTC
Daragus 1 -Si Dara-