Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mamaluktot" poems
Higit isang taon na rin ang nakalipas Nang lisanin ang bansang Pilipinas Upang subukan ang buhay Sa lugar na kung tawagin ay Dubai Naalala ang galak ng pagpunta dito   Nang sa kalaunay puro na reklamo Paano naman kasi ang mga Arabo Minsan lang maligo sa isang linggo Dagdag pa ng klima na sobrang init Pawis mo'y abot hanggang singit   At kung taglamig naman ay pumasok Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok   Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na   Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda   Pero kahit ganun ang katulad nila Gusto ko ang kanilang pananampalataya Sa diyos na tinatawag nilang Allah May oras talaga pag nagdarasal sila   Akala ng marami buhay dito ay maganda Di lng nila alam kami'y nangungulila Sa pagmamahal na ipinabaon   Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon Tila ang bilis ng mga pangyayari May mabuting resulta kaya sa bandang huli Lahat ng sakit, pagod at pighati   Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi Kung lahat ng ito'y isang panaginip Ayoko na talagang maidlip Hay... buhay Dubai nga naman Sana nga may patutunguhan...
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 3:38 AM UTC
Buhay Dubai
Hindi ka kasalanan, Ikaw ma'y nagkamali Hindi tama ang pagpili ng mali Hindi kasalanan ang madapa Ngunit mali na pag ikaw pa ay tumihaya Hindi ka kasalanan, Hindi ka mali Ang hindi pagtanggap sa sarili, iyan ang mali Hindi mo kailangang magdusa mag-isa Ang Diyos, inalaan sa iyo ay siya Hindi ka kasalanan, huwag kang matakot Huwag magtago saan man at mamaluktot Hindi mo kailangan na mahiya Dahil ang pag amin ay katapangang sadya Huwag ka magtago, dahan-dahan Ibaba ang armas, huwag na ngang lumaban Dalawang kamay ay iyong itaas At sadyang aminin ang nagawang kasalanan Huwag kang mahiya, Siya ay iyong ama Ang tanging pangarap ay mayakap ka Niya Halika, lumapit at sasamahan ka Magtiwala ka, ika'y babaguhin niya.
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:28 AM UTC
Marapat na Pagbabago
Alam mo bang gising pa ako hanggang ngayon Nagbibilang ng mga taon Kung ilang beses kitang makikita na umaalis at dumarating Kung ilang beses kong isusulat ang mga pangarap nating tutuparin Isa, dalawa, lima o labing-isa Paulit-ulit na muling pagkikita Nasasabik, nalulumbay, maligaya at malungkot Ilang beses sa isang taon na mamaluktot Isa, dalawa, lima, labing-tatlo Nakatanaw sa langit, sa dagat, sa mundo Pabalik-balik ang isip sa mga sandaling naririto Maghihintay paulit-ulit, kahit sampu o labing-walo Aalis, aasa, darating, maliligayahan Ihahanda ang damdamin sa walang kasiguraduhan Ikaw, ako, tayo Ang magdidikta sa mundo Kung saan, paano at sino pero hindi ang kailan Kung bakit, kanino, pero hindi ang dahilan Ikaw, ako, tayo Ang magsasabi sa mundo Na ikaw at ako ang pipili sa isa't-isa Tayo ang hahawak, hindi ang tadhana Sa simula, gitna, dulo at pahabol na kapitulo Ikaw lang at ako ang magsasabi sa mundo Na araw-araw akong maghihintay Sa pagsikat man o paglubog ng araw Na taon-taon akong aasang babalik Ang dahilan kung bakit patuloy na umiibig Hindi isa, hindi dalawa, hindi dalawampu't walo Kundi paulit-ulit hanggang tayo na sa dulo
0
Oct 10, 2015
Oct 10, 2015 at 2:53 PM UTC
Paulit-ulit
Kung ang gabi'y magiging tao mananatili siya sa sulok at aantayin ang iyong paglapit Siya yung tipo ng taong sa tuwing kakausapin mo'y tititigan ka lamang at hindi iimik Hahayaan ka niyang magsalita hanggang mamaluktot ang iyong dila ngunit katahimikan lamang ang mabibigay niyang kapalit Hahawakan niya ang iyong palad at ang buhok mo'y kanyang hahaplusin Pero hindi mo siya kailanman pwedeng mahalin Hindi siya magsasawang makinig sa bawat hinaing at sinisigaw ng iyong damdamin Dahil alam niyang iyon ang nais **** kanyang gawin Paminsan minsa'y makikitan mo siyang ngumiti Paminsan minsa'y may kasamang butil ng luha ang pagkurba ng kanyang labi Hindi siya magsasalita Hahayan niyang ikaw ang magsabi ng dapat niyang maramdaman Hahayaan niyang siya'y iyong husgahan Hindi siya kikibo at hindi siya magrereklamo Hahayaan niyang ikaw ang magsabi kung alin ang totoo Siya yung tipo ng tao na lahat ay kaya niyang gawin Basta't para sayo hindi siya magdadalawang isip ihain Wala man siyang makuha pabalik Ang nais lang niya'y ngumiti ka at hindi na muling maligaw Sa tuwing pupunta ka kay araw
0
Mar 27, 2019
Mar 27, 2019 at 2:14 PM UTC
KUNG ANG GABI'Y MAGIGING TAO