Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Lyka Adlawan May 2018
Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan
Munti kong tula,
Inyong pakinggan

Ito'y patungkol
Sa kabataan
Na inaakalang
Pag-asa ng bayan

Wala sa likod,
Wala sa harap
Ano ang kabataan
Sa hinaharap?

Handa na ba kayong
Malaman ang totoo?
Pagbilang ng sampu,
Malalaman na ninyo

Isa, dalawa, tatlo
"Tara, pre! Dota tayo!"
Isa, dalawa, tatlo
"Kyah, pa-like ng DP ko"

Isa, dalawa, tatlo
"Naka-hithit na ako"
Isa, dalawa, tatlo
"Tara, shot na tayo"

Mga kabataang nakikiuso
Mga kabataang lulong sa bisyo
Kabataang imbis na ang dala'y libro
Ang palaging hawak ay sigarilyo

Apat, lima, anim
Wala nang ibang alam gawin
Apat, lima, anim
Kung hindi gadgets ay pindutin

Apat, lima, anim
"Babe, walang tao sa'min"
Apat, lima, anim
"Babe, pwede na nating gawin"

Mga kabataang napapariwara
Mga kabataang sa tukso'y nadadala
Kabataang tinuturing na Maria Clara
Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa

Pito, walo, siyam
Nasirang kinabukasan
Pito, walo, siyam
"Aking pinagsisisihan"

Pito, walo, siyam
"Ako'y nanghihinayang"
Pito, walo, siyam
"Ibalik niyo 'ko sa nakaraan"

Totoo nga ang kasabihan
Ang pag-sisisi'y nasa hulihan
Ang ating nakaraan
Ang siyang madidikta ng kinabukasan

Ngunit hindi ko naman nilalahat
Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat
Ang buhay natin ay parang aklat
Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat

Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu
Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo
Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko
Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento

Kwento na kung saan kayo ang bida
Kwento na kung saan kayo ang pag-asa
Salamat sa pakikinig mula umpisa
Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
Dalawang taon na ang nakalipas
Ang aking unang nakitang liwanag,
Isang liwanag na ako’y nasilaw
At nahimala sa ‘king natagpuan,

Ang ilaw na ito ay mahalaga,
Mas mahalaga pa sa milyong pera,
At hindi ko ito inaakala
Na ito pala’y aking makikita,

Isang araw ako ay may tiwala,
May tiwala na magiging akin s’ya,
Itong tiwala ay isang tadhana,
Tadhanang ika’y mapapahimala,

Itong ilaw ay aking binitawan,
At pinagpalit sa ibang liwanag,
At ito ay aking napagsisihan,
At bumalik sa ‘king unang liwanag,

Nung ako ay nakabalik sa ilaw
Hindi ko ulit ito mabibitaw,
At ang aking problema ay gumaan
At hindi ko ulit ito iiwan

Ang tula na ito ay maliwanag
At di kailangan ng paliwanag,
Itong tula ay isang kwento lamang
At ito ay nagsisimula palang,

Kapag ako’y na sa gitna ng dilim
Ikaw ay nandoon para saakin,
Para ako ay kumintab sa dilim
Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim,

Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura
Tuwing ikaw ay naging masaya,
Pati ako ay nagiging masaya
Ang iyong saya ay nakakahawa,

Kung ika’y nakita kong nakangiti
Ang damdamin ko ay gustong ngumiti,
At maraming taong gustong humingi
Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti,

Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan
Na tumingin sa iyong kagandahan,
Na hindi ko kayang makalimutan
Ang kagandahan na ‘king minamasdan,

Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan
Dahil sa iyong pagka-orihinal,
At sa ‘yong magandang kaugalian
Na di kayang magaya ng sinuman,

Ang iyong mata ay isang bituin
Dahil sila ay magandang titigin,
Na walang plano para lang tumigil
Kahit ito’y nasa gitna ng dilim,

At isang araw na nakita kita
Ikaw ay ang aking naging tadhana,
Kahit pinakaunang pagkita
Ikaw na agad ang aking nadama,

Kahit hindi pa tayo magkaibigan
tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan,
Na walang kahirap-hirap maghanap
Sa iyong nakatagong kagandahan,

Sa ilang taon na aking pasensya
At ito ay sulit na hintayin kita,
Dahil ikaw ay walang kasing halaga
Nang kahit anong halaga ng pera,

Ikaw ay isang tunay na liwanag
Dahil ang aking buhay ay kuminang,
Na walang tigil para lang kuminang
Para Makita ang aking daanan,

Ilang taon ko na itong tinago
Para lang ikaw ay hindi lumayo,
Na sa aking pag-iisip sa iyo
Na damdaming ito ay di matuyo,

Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal
Na ako ang iyong karapat dapat,
Na mahalin, para sa iyong buhay
At ako’y may respeto sa ‘yong buhay,

Ang aking nakatagong pakiramdam
At ito ay para sa iyo lamang,
Ako ay swerte nawalang kaagaw
Dahil ako ay mag-iisa lamang,

At ako ay hindi titigil dito
Dahil ito ay para lang sa iyo,
At wala kang kaagaw para dito
Dahil ako ay para lang sa iyo,

Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw
Dahil para sa ‘kin ika’y  espesyal,
At ikaw ay hindi mapapahamak
Dahil ako ay naririto lamang,

Ako ay  nakapili ng seryoso
At hindi nagkakamali sa iyo,
At ikaw ang aking sariling mundo,
At hinding-hindi ko ‘to magugulo,

Kung ikaw ay wala, ako’y madilim
Hindi magbabago ang ‘king damdamin,
Sapagkat ito ay hindi titigil
Dahil ikaw ay ang aking bituin,

Kahit malawak ang ating paligid
Tayo ay magkikita pa rin ulit,
Dahil ito ay ang aking damdamin
At ‘tong damdamin ay para sa atin,

Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa,
At ito ay nagamit ko ng tama,
Hindi ako palaging umaasa
Dahil ito’y bihira lang tumama,

Tuwing ako ay may nalilimutan
Ikaw agad ang aking natandaan,
Kahit ikaw ay ang aking iniwan
Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan,

Ang tula na ito ay magwawakas
Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan,
Tatlong saknong nalang ang katapusan
Dahil ito ang huli kong sagutan,

Para saakin ikaw ang liwanag
Kung ika’y wala, ako’y isang bulag
Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan,
Ang mga bulaklak ay namulaklak,

Ilang taon ko na itong hinintay,
Para lang ang damdamin ko’y malabas,
Itong pagkakataon ang dumaan
Para malaman **** ‘king naramdaman,

Hindi ko inakala ang ‘yong ganda
Na ang ibang tao ay di makita,
Ito na ang katapusan ng tula,
At salamat sa iyong pagbabasa.
First Ever poem
raquezha Jul 2018
Hindi ako takot umibig pero takot ako sa’yo.
Hindi dahil sa ayoko sa’yo kun’di sa tingin ko’y hindi malabong magkagusto ako sa’yo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang gabing ito at ang magagandang kwento mo.
Hindi malabong hanap-hanapin ko ang boses mo—ang mga titig mo… baka masanay ako.

Hindi ako takot umibig pero takot makong mahulog.
Sapagkat paano mo iibigin ang taong estranghero? Kung sa unang gabi palang ng iyong pagkikita ay nahulog ka na.
Nahulog sa kwentuhang matagal, sa kanyang boses na hindi pagal.
Sa mga ngiting nang-aakit,
sa mga matang nakakahumaling,
sa kanya na hindi pa kilala pero pakiramdam ko matagal na kaming nagkita.

Takot ako sa dilim,
pero mas takot ako sa liwanag. Takot akong makita ang sarili kong kasama ka.
Baka kasi pag nasanay na ako sa liwanag ay bigla na lang itong mamatay hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid ko at baka masanay ulit ako.
Masanay ako na maglakad na para bang nakapikit. Maglakad patungo sa palaisipang lugar na paikot-ikot lang ang daan.
Baka bigla nalang akong yakapin ng dilim sabay bulong sakin ng "tumigil ka na tanga!"
Baka biglang lumabas ang mga kaibigan ko sa dilim at masanay sila sa liwanag.
Baka multohin nila ako habang tirik ang araw at habulin ako sa kung saan.
Baka habang tumatakbo ako palayo ay mabulag ako sa liwanag na dulot mo at baka mabangga ako at muling mabuhay ang mga alaga kong paru-paro.

Hindi ako takot sa patay, pero takot ako sa buhay.
Takot akong mabuhay ang mga daga sa aking dibdib na matagal nang nanginginig sa lamig.
Takot akong matunaw ang mga yelo na matagal nang nakapulopot sa puso ko.
Takot akong matunaw ang mga ito at lunurin ako sa pag aakalang tunay ang mga nararamdaman ko.
Takot ako sa majikang dulot ng pagibig na nag bibigay buhay sa mga patay na kandilang dala-dala ko.
Takot akong maging maliwanag ang paligid ko at makita ang katotohanan ng mundo.
Takot akong makita na ang mundo natin ay iisa pero mas takot akong malaman na iba pala ang gusto **** kasama.

Hindi ako takot mag-isa,
pero takot akong kasama ka.
Takot akong makasama ang mga dati **** kasama— baka kasi kung ano’ng sabihin nila.
O kaya pag kasama mo sila at kapag madami na sila maramdaman ko ulit kung pa’no ang mag-isa.

Hindi ako takot sa luma, pero takot ako sa bago.
Sana kahit may dumating na bago,
walang magbago. Sana kahit mag mukha na akong antigo, wag mo akong itago gaya ng mga nakalagay sa inyong aparador.
Hindi ako plato, kutsara o tinidor na gagamitin mo lang sa piling-piling okasyon dahil wala ka nang ibang opsyon.
Sa piling-piling araw na kung saan ipapagamit mo lang sa kung sino-sinong tao dahil yun lang ang silbi ko.
Takot ako
Takot ako
Natatakot akong mapalitan ng bago.
Takot ako
Takot ako
dahil lang meron bisitang darating kasabay ng pagtapon mo saakin.
Takot ako
Takot ako
Kasabay ng mga bago pang darating wag mo sana akong paglumain.

Hindi ako takot sa wakas pero takot ako sa simula.
Lahat kasi ng sinimulan ko parang laging may nakakapit na malas
lagi nalang gustong kumalas sa pagkakapit hanggang sa mag wakas.
Hindi kasi lahat ng wakas ay may kasunod na simula—
simula ng panibagong bukas.

Hindi ako takot sa sagot pero takot ako sa tanong.
Mahal mo na ba?
Mahal ka ba niya?
Takot akong masagot ang mga tanong ko ng "Oo" tapos sasabayan mo ng "pero" sa dulo;
ng "Oo" na may preno ang tono kaya takot sa tanong
pero mas takot ako sa sagot.
Mahal na kita mahal mo rin ba ako?

Madami man akong kinakatakutan kung anu-ano nalang gaya ng ikaw,
liwanag,
buhay,
simula,
bago
at makasama ka— lahat ng ito’y hindi mahalaga iibigin kita kahit anuman sabihin nila,
kahit hindi ako ang iyong mahal,
ang liwanag mo,
kahit iba na ang buhay mo,
kahit simula palang ng tulang ito ay takot na ako,
iibigin kita sa isip,
sa panaginip,
sa diwa,
sa mata,
sa tingin,
sa lambing,
matulog ka ng mahimbing
hanggang maubos ang kandilang minsang ikaw ang nagsindi kahit na lahat ng ito ay walang silbi.
Gagawan kita ng puntod na mag sisilbing paalala
na minsan akong nagpakatanga sa pagibig.
Gagawan kita ng puntod at doon ko ibabaon lahat ng ito sa limot.

Iibigin kita habang nililibing ang 'yong alaala. Ililibing kita habang iniibig ko ang iyong alaala.
madrid Feb 2016
totoo and sinasabi nila
na sa segundong mawalan ka
ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong
magpapakita ng pakialam sayo
na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo
biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo
na sa sandaling binitawan mo ang kamay
ng gusto ng makawala
darating ang ibang kamay na hahawak muli nito
ng mas mahigpit, totoo
ang sinasabi nila

tila mahirap lang maniwala
sa sabi-sabi, sa haka-haka
dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila
tiwala

tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin
tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na
kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan
na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa
ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo
ang sinasabi nila

oo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak
sa tuwa, sa lungkot
sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod
dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan
pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa
dahil nandito ako, ako

ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo
kumapit ka lang
sa aking kamay
sa aking balikat
sa aking katawan
na kahit ulanan ng pasa at sugat
ay ibinibigay ko sayo
ng buong buo

uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
na sa gitna ng kawalan
sa gitna ng pagsuko
sa gitna ng pagbitaw
ito mismo ang maghahanap sayo
siya mismo ang maghahanap sayo
darating at darating ang parte nitong kwento
na bubuo sayo
at muli nanamang iikot ang iyong mundo
pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito
habang naghihintay ka pa,
ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay
at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito
dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan
bitawan mo lang
at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako
hindi kita iiwanan, tiwala
magtiwala ka lang

sa huling pagkakataon,
uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
hindi ka nagbubulagbulagan
kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako
ng buong isip at buong puso, ako
ako na nagtiwala rin sa Kanya
ako na hindi umasa, ngunit
humawak sa salita ng aking Ama, ako
ito ang tatandaan mo
para sa mga gabing isinisigaw ang mga kaisipang nagtatago mula sa liwanag
para sa mga bukang liwayway na  nagpupumilit humagap ng init ng araw ngunit hindi mahagip ang tapang upang bitawan ang lamig ng gabi
Maxwell Jul 2015
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan,
Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag.
Alam kong dapat masaya ako pero
Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko?

Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo,
Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano.
Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo.
Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko
Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko,
Kasama ng mga sagot na hinahanap ko.

Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba?
Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita.
Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka
At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala.
Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan
At kung paano kita hinayaan.

Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa
Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala
Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa
Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
Masakit mawalan ng kaibigan.
Katryna Sep 2018
sabihin mo saakin kung paano kita mamahalin
dahil minahal kita sa paraang hindi mo inaakala

sabihin mo saakin kung paano ko tatapusin ang mga sayo ay tapos na pero pilit paring pinagtatagpo ng tadhana

sabihin mo sa akin kung paano ko kakalimutan ang mga bagay
na halos ayoko ng maalala

sabihin mo saakin,

paano ko ililigtas ang relasyong tayo lang ang nakakakilala.
ang relasyong sa dilim lang maliwanag

relasyong hinuhusgahan ng lahat,
relasyong kasiyahan mo ang mas mahalaga.

sabihin mo saakin ang kongkretong solusyon,
sa mga desisyong hindi ako kasama

pero sa pandaliang ligaya,
kamay natin ang magkalapat sa tuwi-tuwina

sabihin mo,
sabihin mo na,

dahil pagod na akong angkinin ka sa tuwing may aagaw na iba.

sa tuwing sasabihin nya at tatanungin nya ako kung ako ay maligaya.

paano ko sasabihing tayo ay masaya,
kahit wala sa kama

ang simpleng yakap, oras nating dalawa ay mahalaga

paano ko sasabihin,
kung ikaw mismo hindi mo masabi
at mas piniling pagtakpan na lang ang lahat
at manatali

na ang kawalan ng salita ay manahan at bigla na lang mawala

hindi ka man pumipili pero alam ko,
sa kabila ng lahat ng ito.

kapag ang lahat ay tumalikod

lahat ay tumiklop

ako at ikaw,
mas pipiliin paring maglayo.

iwan ako,
iwan ka.

wala.

narating nanaman natin ang dulo.
for the Nth time. pano ba sumuko? sa pag taas ba ng dalawang kamay? sa pag amin ba ng "Sige, ako na ang may kasalanan" sa pagtanggap ba ng pagkatalo, sa pagsabi ba ng "teka, pagod na talaga ako" sa pag iyak ng balde baldeng luha o sa pag gising mo bigla, wala na. wala ka ng maramdaman kasi sobrang manhid mo na sa sakit at sakit na lang din ang solusyon para maramdaman **** teka, buhay ka pa. Ang gulo no? ganon din ung tula ko, ganon din ung puso ko, ung utak ko. Pasensya na sa gawa ko. Pakiramdam ko, ito na ung pinaka walang silbi kong gawa. Pero gusto ko lang ibahagi ang nararamdaman ko. Jusko po, ang hirap magmahal. hahahaha big deal ba, pasensya na kung alam nio lang ang sakit sakit na to the point na wala na akong kayang ilabas pero hinihingi pa rin ng mundo ang lahat lahat. Paano ba kasi sumuko? Makikinig na lang ako kay Sarah Geronimo.
012817

Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap
Natangay man ng hanging habagat
Ito'y iyong ulitin
Pagkat sa kamay mo nakasalalay
Ang imahe na magsisilbing litrato
Ng iyong mapaglarong isip.

Kumpas ng kamay
Na tila nagpapagalaw ng mga butil
Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin
At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw
Sa madilim na kwarto
Na sya ring nagbibigay kulay
At naiisakatuparan ang mga munting nilikha
Sa ibat iba nitong linya.

Ngayon, ikaw ay dumating
Wag **** sasabihing huli na ang lahat
Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo,
Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip.

Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa
Dahil Diyos ang nagbigay ng talento
Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap.
Magdiwang dahil kagaya ko,
Siya ang magbubuo ng iyong pangarap.

Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw
Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag
At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya.

Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita
Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
(C) MKD

Medyo in-edit ko lang.
ZT Jun 2015
Puso may nasugatan, maghihilom din ito
Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot
Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan
Ng taong minsan **** minahal

Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin
Dahil sa bawat unos na pinagdaanan
Kalinawan ng damdamin ang nakaabang
Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon

Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw
Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad
Ito'y mahirap pero 'di imposible
Magpursige ka lang, makakaraos ka rin

Kapag ikaw ay nakabangon na,
Umusad mula sa kinatatayuan,
Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata
Bagong mundo ang iyong matatanaw.

Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda
At mas nararapat sa iyo.
Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin
Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
kung nasaktan ka, umiyak ka... pero wag **** hayaan na hilahinka nito pababa.. Bumangon ka at matuto kang mag-move on.. dahil hindi ka hihintayin ng mundo..
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
Hindi naman ganid ang administrasyon
Nagkataon lamang na may mga punto
Na walang humpay na nag-iiwan
Ng tandang pananong.

May mga eksenang hindi literal
Pero kapag bayan ang bumasa’y
Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan.

Hindi masisisi ang mga modernong bayani
Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka
Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan;
Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na
Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya.

Marahil hindi pa lubusang nararadyo
Hindi magkanda-ugaga
ang leksyon sa Senado
Eh kung uso pa ba ang tele-radyo,
Kaya bang tapakan ng saksi
ang demokrasyang makasarili?

Doon nag-rally ang iilang katauhan
Wala naman silang napala
Pagkat binagsakan ng pintuan
Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan
Saklob ng gobyerno’y
sila’y bisi sa nasasakupan.

Hindi mabilang ang dugong dumanak
Ang boses na sumigaw
Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig
O baka naman ang may pandinig
Ay mas nais magwaglit.

May mga platapormang tila langit
Bagkus dilim naman ang hain
Sa maliwanag dapat na paligid.

Ibabato nila ang kinamkam sa madla
Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay,
Walang pakuwari ang iba
Manhid nga ba ang tao
O talagang kurot-sabay-pikit lang?

Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan
Sana nga matapos na ang pahinang ito
Pero nasa simula pa lamang
Pagkat ang propesiya’y
Nararapat na mamalakad
Ihahain ng Higit na Hari
Nang maitaas Kanyang Ngalan.

Kung may mga bumabatikos
Sa gobyernong kinagisnan
Marami pa rin ang tatayo
Pagkat kaytayog ng kanilang dangal.

Hindi naman dapat
Tumingin lamang sa kawalan
Pagkat may pag-asa pa
Itong *ginintuan nating bayan.
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
040120

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.

Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****,
“Ama, narito na ako.”

Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.

Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
Peculiari Nov 2017
Maliwanag na mukha ng buwan
Nagmasid sa kanyang kabilugan
Tila, mayroong pinapahiwatig sa likod nito
Subalit hindi ko mabatid kung ano
sapagkat naghihintay lamang ako na bumalik ang kuryente dito
kingjay Dec 2019
Humahagibis ang hangin sa dalampasigan
Kaya ang mga dahon nagsisipagaspasan
At kung tumila ang simoy ng Amihan
Alaala'y bumabalik nang walang pakundangan

Mahamog na ang kapaligiran
Malamig na rin ang kaparangan
Sa pagtaas ng alon sa aplaya
Ay sumasabay ang pagbubuntong - hininga

May saliw ang karoling
Himig ng pasko'y umaadya sa damdamin
Ngunit pansamantala ang dulot na aliw
Sa maghapong pangunguyumpis

Hindi na bumubuka ang bulaklak
Ng itinanim kong Rosas
Hindi na gaano maliwanag ang kislap ng tala
Dahil ba sa hukluban na't yumuyukod
O nasisiphayo ng pag-ibig

Ang pangakong hindi maghihiwalay
ay kanyang tinalikdan
Ngayon nag-iisa na humihimlay
Kasama ang yakap ng lumbay

Hindi ko kailangan na manimdim
Sapagkat tunay at wagas siyang inibig
Bakit taliwas ang bawat wakas
At maunsiyami sa mga hiraya

Saan-saan na lang ibinaling ang paningin
At iniba ang hilig
Ngunit sa paghinto ng paghalakhak
Hindi ko maiwasan ang umiyak

Nalugami sa pagmamahal
At kung mabuksan muli ang puso
Malaman niya sana na siya ang dahilan
Ng paghibik sa pasko
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon
Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon
Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip
Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip

Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala
Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta
Pusong pinilit mabuo, maging bato
Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo

Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa
Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa...
Pinilit na wag lingunin ang nakaraan
Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan

Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin
Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin
Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw
Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw

Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko
Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo
Halika, mahal, halik sa tabi
Tulungan mo akong palayain ko ako...
Crissel Famorcan Dec 2017
Tagu - taguan, maliwanag ang buwan
Pagbilang Kong Tatlo, wala na akong nararamdaman!
Isa—
ito na Ang huling patak ng aking mga luha
At pangako di na ako muli pang magpapakita
Pagkat mahal, ika'y akin nang pinapalaya
Alam ko naman kasing napaglaruan lang tayo ng tadhana,
Minsan kasi, naglaro si kupido ng kanyang pana
At sumakto Ang araw na yun sa una nating pagkikita
Tinamaan ako,tinamaan ka rin yata?—
Mahal Ang alam ko lang kasi noon, mahal natin Ang isa't isa
At makulay Ang mundo!
Mundong binuo nating dalawa.
Bihira man Ang relasyong katulad ng sa atin,
Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin
Marami mang problema Ang ating pinagdaanan,
At sa kuwento natin marami man tayong nakalaban—
Parang senaryo sa pelikula,
maraming naki-eksena
Pero love story natin 'to at tayo Ang mga bida
Kaya't sa bandang huli,kamay mo pa rin Ang aking hawak
Masaya pa tayo't sabay na humahalakhak
Hanggang sa...
Dalawa—
Dumating siya sa buhay mo
At sa isang iglap,naitsapuwera ako!
Nalunod man ang puso sa selos
Ngunit pilit ko iyong iginapos
Pagkat relasyon nati'y gusto Ko pang maayos
At wag 'tong maputol, wag 'tong matapos.
Pero nakakapagod maghabol sa taong mabilis tumakbo,
Nagmimistula lang akong isang mumunting aso
Naghihintay kung kailan mapapansin
Naghihitay kung Kailan mamahalin
Kaya napilitan akong isuko ka,
Napilitan akong bitiwan ka
Kase una sa lahat—alam Kong sa kanya ka sasaya
Siya na Ang makakapagbigay sa iyo ng ligaya
Ng kilig,Ng mga ngiti at tawa—
Mga Bagay na bihira ko nang mamasdan
At Alam Kong sa kanya mo nalang mararamdaman
Kaya Tatlo—
Paalam.
Salitang di ko sana gustong bitiwan
Pero sadyang kinakailangan
Hindi ko man gusto na ika'y iwanan
Ngunit marahil,ito na Ang ating hangganan.
Pagod na ako mahal sana'y maintindihan
Dahil kung ipipilit ko pa'y pareho lang tayong masasaktan
Mahal kita tandaan mo yan.
Kaya Dito ko na tatapusin Ang ating kuwento,aking sinta
Ang libro ng pag-ibig nati'y akin nang isasara
Masakit man Ang ating naging pagtatapos
Siguradong sa puso ng magbabasa,ito ay tatagos
Tapos na akong magbilang ng numero
At gaya ng ipinangako ko—
Pagsapit ko ng Tatlo,
Ibibigay na kita sa kanya ng buo
Paalam.
solEmn oaSis Jan 2020
Kung ako ang siklab
Tiyak ikaw ang dagitab
Na buhay na buhay sa pinakamadilim na karimlan
Na siyang nag-aangat sa mga anino na kay pino at may likas na talino

Kung ako ang ningas
Nararapat lamang ikaw ang hangin at simoy
Hindi nabago at malaya na naging tanggulan...
Dinuduyan ang kasanggulan.
Para lamang malinang at kalingain
Upang sa gayon ang naturang ningas ay magliyab at maging isang apoy !

Kung ako ang pagpapalitan at pagkakaisa
At halos nga ay kapwa pawiin...
Ikaw dapat ang gabay at kamay
Na may tangan ng tiwala at paniniwala...
Naghihintay ng sandali at tiyempo
Upang maihanay ang iyong sarili sa ritmo at tono
Nang sa gayon magagawa nating...
Maipagpatuloy ang
Pagputok ng sulong sinindihan hanggang sa maging ilaw.
At muli magagawa nating...
Balikan ang sinimulang paglalakbay pasulong kalakip ang tatag at tibay

Mula sa gitna ng kadiliman
Tayo nawa ang maging malinaw
Gaya baga ng dulot ng kinabukasan.
Hawak-kamay tayo, iyan ang kailangang mangibabaw...
Sapagkat sa ating pagsusukob...
At tanging sa ating pagsusukob,

Tayo ay....

maliwanag na maliwanag .

Manigong bagong taon sa lahat!!!


*ryn's incandescent translated to tagalog by: solEmn oaSis
At Maligayang buwan ng mga puso
Ngayong 2020 punan ng pag-ibig ang sulo
Mel-VS-the-World Sep 2017
Gabi.

Nang una kitang makita.
Ikaw yung matingkad at nagniningning sa madilim na parte.
Sa may kubo.
Nakaupo.
Ikaw, alak, at sigarilyo.

Lumapit ako.
Dahan-dahan, para malaman kung alin at ano.
Kung bakit nga ba sa dinami-dami ng tao,
Bakit sa’yo ako dumiretso.

Gabi.

Ikaw ang unang nag-salita.
Ngumiti lang ako, habang nakatitig sa’yo.
Tila may kabog sa dibdib.
Hindi maipaliwanag ng bibig.

Tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa diyos.
Sagot ko ay hindi.

“So, atheist ka?”
Tanong mo na may halong pag-dududa.
Sinagot kita. Sabi ko, oo.

“Tayo na ba?”
Ngumiti ka at tumawa.

“Sige.”
Biro-biruan lang.
Walang palitan ng “mahal kita.”
Nag-palitan lang tayo ng numero.
Sabay sabi “nandito lang kung sakaling kailangan mo ako.”

Lumipas ang ilang araw.
Hindi na tayo nagkita.
Minsan, nag-uusap sa telepono
Madalas, hindi kumikibo.

Minsan, magpaparamdam.
Madalas, parang wala lang.

Minsan, nariyan lang.
Madalas, wala lang.

Gabi.

Nang tayo’y muling magkita.
Sa harap ng bahay.
Sa may kalsada.
Nag-usap ang ating mga mata.
Ikaw, alak, at sigarilyo.

Tanda ko pa non, magpapasko yun. Laseng na ako.
Madaling araw na, tara sa dagat, ligo tayo.
Mga alas tres na yun.

Tapos nag-inom ulit tayo dun.
Sa likod ng pick-up truck.
Sa bote na ng Jim Beam deretso ang inom.
Walang chaser.
Kasi wala namang habulan.
Hindi naman tayo naghahabulan.

Gabi.

Pang-ilang ulit na ba?
Akala ko biro lang,
Akala ko lang pala.

Yung joke time, tila nagiging seryoso na.
Natatakot ako baka bigla na lang ‘tong mawala.

Pero sa t’wing magkasama na,
Lahat ng problema’y nalilimutan bigla.
Kita ko ang ngiti sa mga mata mo.
Madilim man ang paligid,
Maliwanag naman sa piling mo.

Gabi.

Hindi ko alam kung saan magsisimula,
Kung ano ba ang dapat sabihin,
Yung tama lang at hindi makakasakit ng damdamin,

Pero bago natin tuldukan,
Bakit hindi muna natin simulan sa kama,
Kung ang ending ba natin ay parang sa pelikula,
Yung masaya o tulad din ng iba, yung hindi pinagpala.

Pero maaga pa ang gabi,
Hayaan **** mahalin kita ng lubos kahit sandali,
Pati ang mga galos at sugat mo,
Yayapusin ko hanggang sa maghilom at mawala ang sakit,
Dahil kung may pusong mabibigo, 

Gusto ko yung hindi sa’yo.

Kay hayaan na lang muna siguro natin na gan’to,
Pag-sapit naman ng gabi,
Ikaw pa rin ang uuwian ko.
Rafael Magat May 2015
Pinipili ng mga mata ko
ang nais nitong makita
sapagkat tanda ko noon
lahat ay sadyang tinitignan
lahat ay gusto nitong masilayan at
maobserbahan ngunit ngayon
parang nais na lamang
pumikit at manirahan sa dilim

Pinipili ng mga mata ko*
ang nais nitong makita
at ikaw ang napili ng mga ito
kahit ang pakiramdam ay parang
nasa dilim ngunit maliwanag at kitang-kita
na iba ang dahilan
kung bakit ika’y masaya
at kapiling ang iba
jia Feb 2021
sa pagnakaw ng tingin,
atensyon mo ay bumaling.
hindi mo ba pansin?
malas ko, sayo pa ako nahumaling.

habang minamasdan ang buwan
na humimlay sa tapat ng araw na sikat,
tanging nasabi ko na lang ay ewan
at lumaki na lalo ang agwat.

kahit asamin ko na maging akin ka,
ipasasalo na lang lahat sa hangin.
walang ibang salita kundi baka,
nararamdamang dapat itapon na sa bangin.

kaya't sa paglaya ng buwan
sa araw na maliwanag.
maging akin ka man,
mahirap mabanaag.
alexa play luna by udd
jorge padre Jan 2015
maliwanag ang aking paligid
ngunit ang isipan ko'y madilim
ang iyong tanglaw lang ang makakapigil
sa tuluyang muling pag-idlip
ng aking mga panalangin

ngunit palayo ka nang palayo
naghihingalo ang pagkutitap ng aking mga pag-asa
bumalik ka naman minsan
ipagpatuloy ang nasimulan
'wag mo akong iwanang
hinahabol ang aking hinga
sa iyong mga salita
Tahimik na kalangitan
Buo ang mga ulap
Maaliwas, o kay sarap pagmasdan
Maliwanag, walang dilim na maaninag

Mga ibong humuhuni malaya't maligaya
Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan.

Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan,
Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan.
Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas
Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang
Ang hiling ng bawat nilalang.

Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan.

Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata
Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa.

Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap,
Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas.

Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan

Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.
Hindi gaanong galit at kasakiman
Ay kung ano ang kailangan namin
At higit pa sa serbisyo na totoo;
Mas maraming lalaking magmamahal
Ang watawat sa itaas
At panatilihin itong una sa pagtingin.

Hindi gaanong magyabang at magyabang
Tungkol sa watawat,
Higit na pananampalataya sa kung ano ang ibig sabihin nito;
Higit pang mga ulo ng tuwid,
Higit na paggalang sa sarili,
Hindi gaanong pinag-uusapan ang mga makina ng giyera.

Ang oras upang labanan
Upang mapanatili itong maliwanag
Ay hindi sa kahabaan ng paraan,
Ni 'tawiran ang bula,
Ngunit dito sa bahay
Sa loob ng ating mga sarili ngayon.

'Dapat nating mahalin
Ang watawat sa itaas
Sa lahat ng aming lakas at pangunahing;
Para sa aming mga kamay
Hindi malayong lupain
Darating ang mantsa ng pagkahiya.

Kung ang watawat na maging
Hindi pinasasalamatan, kami
Hindi nagawa ang kalaban;
Kung mahuhulog ito,
Kami, una sa lahat,
Kailangang hampasin ang hampas
leeannejjang Oct 2017
Isang tahimik na panalangin.
Habang ang mundo’y nagkakagulo.
Hinahanap ang paraiso
Sa lugar na puno ng mga armado.

Maaari bang ako’y sagipin?
Sa madilim na kwartong akin kinaroroonan.
Tunog ng baril at wala humpay na pagsabog ang akin hele sa gabing malalim.

Nasan si inay?
Nasan si itay?
Ang katawan nila ay kasing lamig ng yelo.
Hindi na sila nagsasalita.
Hindi na sila gumagalaw.
Tulog na ba sila?

Maaari bang ako’y sagipin?
Sa bangungot na sa akin ay kumakain.
Sana sa akin pagising isa maliwanag na kinabukasan
Ang sumalubong sa akin.
Ikaw ang araw na nagliliwanag nang maliwanag sa buong araw ko.
Ikaw ang gravity na humahawak sa akin sa lahat ng paraan.
Ikaw ang buwan na nagliliyab sa buong gabi ko.
Kayo ang mga bituin na kumikinang oh.

Ikaw ang oxygen na nagpapanatili sa akin ng buhay.
Ikaw ang aking puso na pumutok sa loob.
Ikaw ang dugo na dumadaloy sa akin.
Ikaw lang ang taong nakikita ko.
Mayroon kang tinig ng kapag ang isang mapanunuya na kumanta.
Ikaw ang Lahat Sa Akin.

Ikaw lang at ako lang.
Pinahinto mo ako sa sobrang kalungkutan.
Pinaplano namin ang aming kinabukasan na parang mayroon kaming isang palatandaan.
Hindi ko nais na mawala ka.
Nais kong ikaw ay maging aking asawa, at nais kong maging asawa mo.
Nais kong makasama ka sa buong buhay ko.
Ms Oloc May 2020
Tagutaguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod wala sa harap
Pagkabilang ko ng tatlo
Kakalimutan na kita.

Isa, dalawa...
Pero teka lang
Pagkabigkas ko ng isang numero
Yung masasayang alala hanggang litrato nalang ba

Pagkabigkas ko ng pangalawa
Siguro tama na, ang sakit sakit na.
Pagkabigkas ko ng pangatlo sapagkat...
Teka lang wala pala akong numerong sinabing tatlo

Uulitin ko ang pagbibilang
Dahan dahan ipipikit ang aking mga mata
At kakalimutan kana
Sasandal sa pader para di na lalong mahulog pa

Paano kita mahahanap aking mahal
Kumay nahanap kana palang iba
Paano kita matatagpuan
Kung may natagpuan ka ng iba

Anong silbi ng pagbibilang ko
Kung sa panaginip ika’ Namamasid
Hindi na kita iniisip
Sapagkat ikaw ang hinahanap ng kaluluwa ko sa aking panaginip

Eto na itutuloy kona ang pagbibilang
Mahal
Isa, dalawa...
Nabigo nanaman ako

Kahit ituloy ko ang pagbibilang
Kahit umabot ako ng bukas
Kahit umabot ako sa kamatayan
Kahit umabot ako sa kinabukasan

Hindi parin pala kita
Kayang kalimutan
Hayaan mo  darating din ang panahon
Na makakalimutan din kita

Sa mga binitawan na pangako
Bat parang ako nalang
Yung kumakapit dito
Asan kana?
Isang milyong bituin sa langit.
Ang isang nagliliwanag mas maliwanag - hindi ko maitatanggi.
Isang pag-ibig na napakahalaga, isang pag-ibig na tunay,
isang pagmamahal na nagmula sa akin sa iyo.
Kumakanta ang mga anghel kapag malapit ka.
Sa loob ng iyong mga bisig wala akong dapat katakutan.
Lagi mo lang alam kung ano ang sasabihin.
Ang pakikipag-usap lamang sa iyo ay gumagawa ng aking araw.
Mahal kita, honey, sa buong puso ko.
Magkasama magpakailanman at hindi na maghihiwalay.
Ikaw ang kislap
Sa gabing madilim
Nagbibigay liwanag
Sa tuwing ika'y kapiling
Oh isang hiling
Sa maliwanag na ningning
Ng mga bituin
Na ika'y makapiling
Sa mga bawat lambing

— The End —