Explore
Words
"malaya" poems
49 poems containing "malaya"
Sort
Popular
Habang Wala ka pa
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. / © 2018 Glen Castillo / All Rights Reserved.
@WordsOfGlen
3
133.9k
Pag-ibig na may Tugma (The Love of a Father)
**Anak:** / "Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla, / Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala
@psalmiseta
49
102.6k
Bakwit sa Sarili / Refuge from myself
Munting hiram na buhay, When will this rented / kelan pa yayaon? lifetime pass? / Pina-walang kabuluhan Time has taken
@m-g-hsieh
43
96.1k
21
Duwag ka pero salamat / Salamat dahil hindi mo ako hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya / Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang
@wynne
23
90.9k
Bukang Liwayway na Hinihintay
Umiibig akong matapat ang puso, / sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. / Dilag na bulaklak sa harding masamyo,
@RLCanoy11
69
88.5k
KALAYAAN - Tulang Akrostiko
Kailan mo nasabing malaya ka na kung pati magulang mo ay hinihigpitan ka. / Anong kalayaan mayroon ka ba kung habambuhay ka namang nakatali sa punding bombilya. / Lahat ba kaya **** gawin upang maging malaya ka kung bawat paraang alam mo'y laging pumapalya?
@eugene
8
74.9k
WALANG SUKAT AT WALANG TUGMA
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma, / Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo, / Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
@makabagongmakata69
26
62k
Ang Tula ko
Aking damdamin, aking hinaing, / Dahil sa mga saloobin, mga hiling, / Bilang isang batang walang muwang,
@taltoy
48
48k
Kakawat
Minsang ibinigay sa atin ang pagkakataong / Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. / Sa lupaing ugat ng ating kakuluwa at
@jose-remillan
20
42.7k
Ang Payak na Kasulatan, Pag-usbong rin ba ng Himagsikan?
Minsan gagamit ng payak na salita / Ngunit ito'y uusigin ng iilan; / Minsa'y sisisid at muling hihinga
@psalmiseta
52
37.4k
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita / Huwag mo kong ikulong sa mga salitang nais **** makitang taglay ko / Huwag mo kong sikilin ng kalayaan kong ipahayag ang nais ko
@AndieBonifacio
42
31.4k
Araw ng Kalayaan
Sa aking lupang tinubuan / Na sinakop ng mga dayuhan noon pa man / Ang una'y mga espanyol na mananakop
@itsme-alona
38
30.2k
Paalam
Alam kong hindi ka na babalik / O dili kaya ay lilingon / O di kaya sisilip
@iona-ofelia-zanoria
16
28k
Mundong Aking Nilikha
Ayoko nang bumalik sa reyalidad, / Bagamat naroon ang mga taong / Nanakit sa akin.
@Peanut
27
27.5k
"BAKIT SI LIMAHONG AT HINDI SI KOMRAD MAO?"
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan" - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG / bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas? / oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata.
@makabagongmakata69
8
25.7k
Pader ng pagiging malaya
Nagsimulang mangarap ang karamihan / Ngunit bigo ang iilan / marami ang naghangad ng pagpapala
@BryantArinos
33
25.5k
Malaya Ka Na
Palalayain na kita Mahal. / Malaya ka na mula sa hawlang magkasabay nating binuo noong mga panahong ako pa ang kasama mo. / Palalayain na kita, mula sa mga ala-alang matagal ding nanahan sa aking isipan.
@azyraelian
23
22.8k
Preso
Minsan gusto **** makalaya; / Malaya sa mapanghusgang lipunan, / Malaya sa mundong masyadong
@ysabelle-rodriguez
45
21.7k
High School Life ...
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school. / Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan. / Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos.
@matabang-utak-ni-ong
11
19.2k
Kung Malaya ang Umibig
Ang hele sa duyan / Awit ng magulang / na nakapagpagaan sa hangin
@haringibon
29
17.5k
SANA
sana nandito ka para nayayakap kita, / sana nandito ka para mahagkan ka, / sana kahit kaunting oras lang makasama ka,
@cheche
58
16.7k
Ang Buhay sa Takipsilim #73
Ilang ulan pa sa langit / Ang magwiwisik sa tumana / At para tumubo ang mga ipinunla
@haringibon
25
15.5k
Plaza Maestranza
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan / Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot / Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
@BrixArtan
44
15.3k
Wag Manghula.
Minsan sa mundo, / akala mo ikaw lang ang malas, / lahat hinahanapan mo ng butas.
@theblindseeker12
75
15.3k
Wala Na Si Maria
Matagal ng panahon ng iwan ka niya. / Hanggang ngayon, mahal pa din siya? / Lumisan siya bitbit ang pag-ibig mo.
@iona-ofelia-zanoria
28
14.7k
Load more poems
Ted Hughes
Explore
Hello Poetry
Voting
Write