Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makulimlim" poems
Dalawang taon na ang nakalipas Ang aking unang nakitang liwanag, Isang liwanag na ako’y nasilaw At nahimala sa ‘king natagpuan, Ang ilaw na ito ay mahalaga, Mas mahalaga pa sa milyong pera, At hindi ko ito inaakala Na ito pala’y aking makikita, Isang araw ako ay may tiwala, May tiwala na magiging akin s’ya, Itong tiwala ay isang tadhana, Tadhanang ika’y mapapahimala, Itong ilaw ay aking binitawan, At pinagpalit sa ibang liwanag, At ito ay aking napagsisihan, At bumalik sa ‘king unang liwanag, Nung ako ay nakabalik sa ilaw Hindi ko ulit ito mabibitaw, At ang aking problema ay gumaan At hindi ko ulit ito iiwan Ang tula na ito ay maliwanag At di kailangan ng paliwanag, Itong tula ay isang kwento lamang At ito ay nagsisimula palang, Kapag ako’y na sa gitna ng dilim Ikaw ay nandoon para saakin, Para ako ay kumintab sa dilim Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim, Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura Tuwing ikaw ay naging masaya, Pati ako ay nagiging masaya Ang iyong saya ay nakakahawa, Kung ika’y nakita kong nakangiti Ang damdamin ko ay gustong ngumiti, At maraming taong gustong humingi Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti, Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan Na tumingin sa iyong kagandahan, Na hindi ko kayang makalimutan Ang kagandahan na ‘king minamasdan, Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan Dahil sa iyong pagka-orihinal, At sa ‘yong magandang kaugalian Na di kayang magaya ng sinuman, Ang iyong mata ay isang bituin Dahil sila ay magandang titigin, Na walang plano para lang tumigil Kahit ito’y nasa gitna ng dilim, At isang araw na nakita kita Ikaw ay ang aking naging tadhana, Kahit pinakaunang pagkita Ikaw na agad ang aking nadama, Kahit hindi pa tayo magkaibigan tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan, Na walang kahirap-hirap maghanap Sa iyong nakatagong kagandahan, Sa ilang taon na aking pasensya At ito ay sulit na hintayin kita, Dahil ikaw ay walang kasing halaga Nang kahit anong halaga ng pera, Ikaw ay isang tunay na liwanag Dahil ang aking buhay ay kuminang, Na walang tigil para lang kuminang Para Makita ang aking daanan, Ilang taon ko na itong tinago Para lang ikaw ay hindi lumayo, Na sa aking pag-iisip sa iyo Na damdaming ito ay di matuyo, Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal Na ako ang iyong karapat dapat, Na mahalin, para sa iyong buhay At ako’y may respeto sa ‘yong buhay, Ang aking nakatagong pakiramdam At ito ay para sa iyo lamang, Ako ay swerte nawalang kaagaw Dahil ako ay mag-iisa lamang, At ako ay hindi titigil dito Dahil ito ay para lang sa iyo, At wala kang kaagaw para dito Dahil ako ay para lang sa iyo, Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw Dahil para sa ‘kin ika’y espesyal, At ikaw ay hindi mapapahamak Dahil ako ay naririto lamang, Ako ay nakapili ng seryoso At hindi nagkakamali sa iyo, At ikaw ang aking sariling mundo, At hinding-hindi ko ‘to magugulo, Kung ikaw ay wala, ako’y madilim Hindi magbabago ang ‘king damdamin, Sapagkat ito ay hindi titigil Dahil ikaw ay ang aking bituin, Kahit malawak ang ating paligid Tayo ay magkikita pa rin ulit, Dahil ito ay ang aking damdamin At ‘tong damdamin ay para sa atin, Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa, At ito ay nagamit ko ng tama, Hindi ako palaging umaasa Dahil ito’y bihira lang tumama, Tuwing ako ay may nalilimutan Ikaw agad ang aking natandaan, Kahit ikaw ay ang aking iniwan Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan, Ang tula na ito ay magwawakas Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan, Tatlong saknong nalang ang katapusan Dahil ito ang huli kong sagutan, Para saakin ikaw ang liwanag Kung ika’y wala, ako’y isang bulag Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan, Ang mga bulaklak ay namulaklak, Ilang taon ko na itong hinintay, Para lang ang damdamin ko’y malabas, Itong pagkakataon ang dumaan Para malaman **** ‘king naramdaman, Hindi ko inakala ang ‘yong ganda Na ang ibang tao ay di makita, Ito na ang katapusan ng tula, At salamat sa iyong pagbabasa.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:02 AM UTC
Liwanag ng Aking Buhay

Continue reading...
120
Hayag ang liwanag ko sa gabi Kung walang ulap sa aking tabi Ako'y malaking ilaw na nakasindi Na tila hindi napupundi Ako'y gising sa gabi'ng malalim At nagsisilbing ilaw sa daang madilim Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim Kung ang langit ay makulimlim Ako'y tiyak na masisiyahan Kung sandaling pagmamasdan Lumabas mula sa iyong tahanan At mamangha sa ilalim ng buwan Buwan ang aking pangalan Masdan ang aking kagandahan Bituin ang aking mga kaibigan At ang tahanan namin ay ang kalawakan JGA
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:35 PM UTC
Buwan
Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment Sabi niya, “May umaga pa.” Oo, tama siya. Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga Tama nga siya Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw At maliliwanagan sa realidad ng buhay Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos Tama nga rin siya Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw Tama nga siya Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo Dahil nakikita na sa kalendaryo niya Oo, nakita niya lahat. Alam niya ang nangyayari sa paligid Bawat numero Bawat halaga Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta Ngunit, magkaiba kami ng mundo Oo, Sabi nga niya May oras pa May bukas pa May umaga pa Pero paano na ako? Paano na ako? Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw At ang mga numero nito’y kupas na? Paano na ang kalendaryo ko Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan? Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang At ang langit ay puno ng alapaap? Paano na ako? Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo? Kaya ito ako ngayon Bumili ako ng bagong mga salamin Binilhan ko ng baterya ang aking orasan Bumili ako ng bagong kalendaryo Binuksan ko din ang aking bintana Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga Naramdaman ko ang init ang araw Gumagalaw na ang aking relo Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo Oo, tama nga siya May umaga pa nga Pero paano mo makikita ang umaga Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa? Bumangon ka Maganda ang araw ngayon Huwag **** sasayangin Hanggang hapon lang iyon.
0
Jul 13, 2017
Jul 13, 2017 at 9:41 AM UTC
"may umaga pa"

58
Natapos na uli ang ulap na makulimlim Nariyan na ang init kasunod ay magandang takipsilim Nagbabagang araw na pumaparoon na sa kanyang pagtago Ang ganda ng iyong ilaw ay pagmamasdan ko
0
Jan 20, 2019
Jan 20, 2019 at 11:30 AM UTC
Paglubog ng Araw
Sa sulating papel, ilang letra ang nailimbag para lantaran maipahayag na ang pagdarahop sa alpabeto ay ang masamang salagimsim na pasanin Mapait ang sasapitin sa guhit ng palad Makulimlim na hudyat ng kaharian Sa malas na katalagahan Ang pangawan na nag-alingayngay Nagtitiis nang pagkahimay-himay Mahabang kadena na nakakabit Sa dantaon na nagnobena sa templo Ang naisaulo lang sa gilid ay ang iba't-ibang kapintasan na nagkadikit-dikit at nagtatanikala Natumba sa kaskaho ang nanlambot na tuhod Ito'y naging karanasan ng pilay Ginamit ang tungkod ng katatagan nang maayos na kumandirit sa daan Karamdamang na di maibsan Ang pagtitimpi ay sadyang kahinaan Tila'y sakitin na sisiw nagtatampisaw sa baha na sa inahin nakahanap ng pagkalinga
0
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 4:50 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #13
malamig na hanging sa aki'y nagdampi kawalan ng pag-asa'y pilit tinitimpi lumalalim na ang hating gabi maririnig na ang pintig ng paghikbi tila'y nakatitig sa makulimlim na tala humihingi ng katiting na himala pagkat ako'y nalilito't nababahala sa isang umuukit na tanikala sekretong nawa'y hindi maibunyag nawa'y hindi rin sakupin ng sinag ang lihim na unti-unting lumiliwanag h'wag hayaang lumayag, kumakalas na bihag sa susunod na habambuhay sana'y mawala ang ingay ingay na punong-puno ng lumbay nawa'y magabayan ang paglalakbay
0
Feb 11, 2020
Feb 11, 2020 at 8:58 PM UTC
Untitled
Makulimlim ang kalangitan habang pilit kong inaaninag kung ikaw ay nasaan Mga palad natin kapatid kung hindi man nagkadaupan Tukoy kong iisa ang ating pinagmulan Mapula, kulay-dugo, ang agaw-buhay na liwanag sa likod ng mga ulap Alam kong lumubog na ang araw sa kanluran Hinihintay ng katuwang sa buhay ngunit ang sagot mo sa mga panaghoy ay hindi marinig ng naulilang pandinig. Hinahanap ng mga magulang ang anak na inaasahang sa takdang panahon sa kanila’y maghahatid sa himlayan. Mabato, matarik, ang piniling lakbayin Liku-likong landas tungo sa mithiin ng Sambayanang hindi palaring pamunuan ng mga bayaning magigiting sa halip na mga kawatan at mga salarin Mabato, matarik, ang piniling lakbayin Ngunit hindi ka natakot na ito’y tahakin Hindi ka umurong at di mo pinansin ang mga pasakit, ang mga pasanin. Dakila ka, kapatid At ang ‘yong paglisan, may hatid mang lungkot na ang punglong malupit, takbo mo’y tinapos, hininga mo’y nalagot At sa huling bugso, tatabunan ng lupang kalayaan ang dulot mula doo’y sisibol, sanlibong punlang aabot hanggang sa dulo, hanggang sa tugatog Aalalahanin ka sa araw ng tagumpay at pagtutuos Para sa Sambayanan, bawat puso’y sasabog!
0
Sep 27, 2017
Sep 27, 2017 at 1:15 PM UTC
Saludo
Makulimlim na umaga Sa pasilyong aking kinatatayuan Bigla akong natigilan At ika'y aking pinagmasdan Sa iyong kaastigan Sya namang amo ng iyong kagandahan Sa iyong pagdaan Kasiyahan na dulot ang aking nararamdaman Umaasa ako'ng nawa'y mapansin mo Kahit ang laman ng puso mo ay 'di ako Nabighani mo ng iyong kainosentehan Ang pusong palaging natatanggihan Ngiting Maria Clara Sagot ng iyong labi Kahit 'di tayo magkapareho ng lahi Ikaw parin ang aking minimithi Simpleng tugon ko na ako'y mapansin mo Pero ang laman ng puso mo ay hindi ako Kaya sana'y malaman mo Na kahit di mo ako gusto Ikaw parin ang hinahanap hanap ko Mayroon sana akong sasabihin sa'yo Huwag na huwag mo sanang mamasamain ito Ipangakong di ka magbabago Sa ipagtatapat na nadarama ko Ako'y umiibig at di na kaya ng dibdib Araw-gabi'y naiisip Kung tama ba ito o mali Kung itatago ba ito sa minamahal ko o hindi Ako man sa iyo'y may lihim na pagtingin Akin di'y tinatago baka sa aki'y lumayo ka rin Ngayong alam ko na ako'y itinatanggi mo rin Asahan mo na habang buhay kitang iibigin
0
Feb 21, 2019
Feb 21, 2019 at 6:22 AM UTC
Pasilyo
ikaw ang banaag sa ulap na makulimlim liwanag mo’y bituin kumikinang sa bawat pagtingin
0
Sep 20, 2020
Sep 20, 2020 at 10:18 PM UTC
Untitled
Minsan, ang ulan na ang naging pampatulog mo. Hinehele ka ng mga pagpatak sa bubong; ng makulimlim na langit; ng lamig ng panahon. Siya ang nagmistulang uyayi na nangungulila sa pagkakataong mapakinggan.
0
May 23, 2020
May 23, 2020 at 5:22 AM UTC
Ang Ulan bilang Isang Uyayi