Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makiisa" poems
Sa di inaasahang pangyayari Ang nagpabago sa bayan ng Marawi Pagbabagong susukat ng katatagan Makamit lang ang kapayapaan Mahirap man umalis sa tirihan Ngunit mahirap mawalan ng masisilungan Hindi bagyo at hindi rin baha Ang dahilan ng pagkasira Hindi makubli ang takot at pangamba Mga batang mulat sa ingay ng mga bala Mga tanong sa sarili bakit, ito nangyari? Nawa'y makapagsimula muli Mga bayaning sundalo Taas noong tatayo Hindi matitinag ang lahing Pilipino Handang mamatay para sa kapwa Pilipino Taimtim na dalangin Lahat ay kakayanin Tungo sa pag-asa Mamulat,magmulat at makiisa Aking ilalarawan Lugar ng puno ng kasiyahan Pagbubuklod at pagtutulungan Yan ang tunay na katapangan.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 9:18 PM UTC
MARAWI