Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makatawa" poems
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa Pakinggan ang himutok sa kwadradong kahoy nakapatong ng bangkay na  nangangapa pa Buuin ang palaisipan Kung may itsura ay hugutin ang kasagutan sa bugtong Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito Nababalisa ang gabi at di makatulog Munting daliri ay igalaw Ngunit nanatiling tamad ang mga braso Sa pagkabog ng dibdib Ang halinghing ay maririnig Sa kalaunan ay parang di na humihinga Kinakalawang sa silid Nakahandusay sa silyang rektanggulo Tiisin ang katahimikan Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala Magbuntong-hininga ito makipag-usap Isinalaysay ang pagdaralita Nakatikom ang bibig Maghihilom din bagkus di makatawa Magmumukmok sa loob ang walang saysay na uwak Idagit ang kabuluhan Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:02 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #5
Akala ko hinahangaan lang kita Akala ko okay na na kasama kita as barkada. Yung tipong kahit ilang ako okay lang basta nandyan ka, okay lang basta nakikita kita. Akala ko okay na na napapatawa mo ko sa mga biro mo Akala ko okay lang kapag nalaman ko na in a relationship ka na Pero akala ko lang pala. Ngayong in a relationship ka na, hindi na kita matingnan ng daretso sa iyong mga mata. Hindi na ko makatawa kapag inaasar ka o di kaya'y kapag nagbibiro ka. Ayoko na. Akala ko okay na, ang sakit pala.
0
Jun 23, 2020
Jun 23, 2020 at 9:58 AM UTC
Akala ko