Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makasanayan" poems
Patawad kung di na ako nagsasalita, Kung di na kita kinakausap pa, Ayaw ko kasing masaktan pa, Parating na kasi ang araw na lalayo kana. Patawad kung nilalayo ko na sarili ko, At kung iniiwasan ko nang mga mata mo, Mahihirapan akong kalimutan ang mga titig mo, Lalo na ang epekto sakin nito. Patawad sa paghintong alagaan ka, Mahirap kasing makasanayan pa, Hahanap-hanapin kasi kita, Sa ganitong paraan mapapadali ang limutin ka. Patawad kung pinipili kong burahin ka sa aking ala-ala, Kasi ayaw kong may pinanghahawakan pa, Sana wag mo isiping hindi ka mahalaga, Minsan lang kasi ako magmahal kaso nawawala pa. Naiintindihan ko ang rason ng iyong paglisan, At dahil dito hindi kita pinipigilan, Sana masaya ka sa iyong pupuntahan, Patawad kung ibabaon kita sa nakaraan.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:41 PM UTC
Patawad Kung ( Tagalog )
Alaala ang pinakamalapit na tugma Ng mga tala. Kapahina ang kakambal nitong Pinakamapait na salita: Pangungulila. Nang pagtingala Sa buwan na ningas ng maamo **** mukha. Kaya, sa kawalan ay mapapako. Mapagtatantong Bituin ka sa apat kong dako. Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Doon kita matatagpuan. Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan. Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan. Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw. Ang nag-iisang hiyaw. Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw, Ang isusulat kong depinisyon ay ikaw; Ang pinakainaabangan kong bukas Matapos sariwain ang kahapon at nakalipas. Ikaw ang uniberso. Wari'y ang lawak ng kalawakan Maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ninuman, ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan. Ikaw na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon at iningatan. At wala akong ibang maramdaman Kundi matuling ikot ng mga planeta At mga nagbabanggaang kometa. Subalit hanggang kailan? Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya. Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata. Umaga na subalit mahal pa rin kita. Sinta, tinatangi kita. -wng
0
Jun 12, 2016
Jun 12, 2016 at 7:55 AM UTC
Iniibig Kita