Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makasalubong" poems
*Hindi na ako natuto Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo Minsan ako'y tutulungan Minsan ay hahayaan Para kang isang elevator Dadalhin mo ako sa 9th floor Tapos iiwan mo ako doon Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button Ang gulo-gulo na ng aking isip Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa dagsin ng aking pagmamahal Ikaw yung paborito kong patibong Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong*
0
Nov 8, 2015
Nov 8, 2015 at 10:44 AM UTC
Ang Paboritong Patibong
*Ilang buwan na ang lumipas Nasilayan kong muli ang iyong kagandahan Ngiti **** yumayakap sa aking puso Mata nating nagtagpo sa gitna ng karamihan Sa ilang segundo ng ating pagtitinginan May kaunting kurot sa aking pisngi Naramdaman kong mahal pa rin kita At hinding hindi ko ito itatanggi Makasalubong man kitang muli Wala na ang nadaramang sakit Makita ko man na kasama mo siya Mata ko'y hindi na ipipikit*
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 9:31 PM UTC
Muli
Hindi na ako natuto Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo Minsan ako'y tutulungan Minsan ay hahayaan Para kang isang elevator Dadalhin mo ako sa 13th floor Tapos iiwan mo ako doon Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button Ang gulo-gulo na ng aking isip Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa aking pagmamahal Ikaw yung paborito kong patibong Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 5:00 AM UTC
Untitled
Kay tagal kitang pinagmasdan, Habang ika'y nahihimbing sa kawalan, Pagkahalong emosyon at pagkabahala, Sa aking puso't isip ay hindi nawawala. Araw-araw 'kong kay Bathala'y dumadalangin, Sa puso **** sana'y hindi tangayin ng hangin. Nangangarap ang mga mata, Pag-ibig mo sana'y sa akin 'di malanta. Irog kong kay tamis, Pumapawi ng aking hinagpis. Magkasamang maghapon, Bawat saya ay aking iniipon. Mula noon hanggang ngayon, Ika'y iniibig saan man pumaroon. Sino man ang makasalubong, Saiyo pa rin nais humantong.
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 5:59 AM UTC
Tiwala
ilang taon na ang nakalipas at wala akong naisulat na kahit na ano sa lahat ng nangyari, sa lungkot, sa ligaya, hindi ko magawan ng kahit simple lang na tula. parang naubusan ako, para bang naubos ako. pilit kong sinusubukan, ngunit napagod lamang ako. napagod piliting may maramdamang malalim, sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako karapatdapat makaramdam ng kahit ano. ngayong sa aking pagbalik, nais kong makasalubong ang dating ako. sana sa panahong ito, mahanap ko muli ang sarili ko.
0
Apr 5, 2021
Apr 5, 2021 at 12:31 PM UTC
part two