Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makasabay" poems
bibilis at babagal ang oras at ang tempo ang paghinga at ang paggalaw ang tibok ng aking puso bibilis at babagal maging ang mga salita maging ang mga hakbang papalapit ng papalapit ang ating mga tadhana ang ating mga landas dalawang bagyong magtatagpo upang bumuo ng isang kalmadong relasyon mapanuya na hindi kailanman nila makuha sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng busina ng sasakyan ilang metro ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng nagkukwentuhang lasing ilang hakbang lang ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng sipol ng hangin nagbabanta ng paparating na ulan sasayaw sa kabila ng mapanirang tadhana na posibleng isa sa ating ang mapilay o mapahiya dahil hindi na makasabay sa ritmo at giling sa musikang dala ng tadhana patayin ang musika kagaya ng pagpatay sa nararamdaman hindi na ulit ako sasayaw kung hindi ikaw ang kasama
0
Mar 18, 2021
Mar 18, 2021 at 8:36 AM UTC
sayaw
*Gusto kitang makausap muli Habang naglalakad tayo pauwi Nais mapakinggan ang iyong mga kuwento Habang nakatingin sa mapupungay na mata mo Ikkuwento ko sayo ang parte ng buhay ko Baka sakaling magustuhan **** maging parte nito Ikuwento mo rin ang parte ng buhay mo At magbabakasakali ako na maging parte din nito Bagalan sana natin ang paglalakad Nang masulit ko itong pagkakataon Kasi baka hindi na ito maulit pa Darating pa nga ba ang tamang panahon? Humantong na tayo dito sa lugar Kung saan dapat ng maghiwalay Hindi ko man gusto matapos oras na ito Sana bukas ay muli kang makasabay*
0
Feb 9, 2016
Feb 9, 2016 at 10:31 AM UTC
Sabay na tayo
Ikaw. Ikaw. Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy. Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. umakyat.. tumakbo.. Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa.. Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw.. Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim.. Dumating ka. Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako. Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako. Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong. Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita.. Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo. Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin.. At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid. Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap. Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito. Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman.. Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin.. Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:47 AM UTC
Ikaw

Continue reading...
21
Hindi ko tinatanggap Ang aking katawan Hindi ko tinatanggap Ang aking isipan Panginoon, ibalik mo ako Sa loob ng aking ina At muling buoin Buoin ng tama Hindi ko naiintindihan Ang mundong ginagalawan Hindi ko naiintindihan Ang sayaw ng magkasintahan Panginoon, bigyan mo ako Ng bagong pagkakataon Na mabuhay ng matiwasay Na makasabay sa mga alon Hindi ko maiwasan Na umiyak sa kalye Hindi ko maiwasan Na manalangin ng mali Panginoon, bigyan mo ako Ng tahanan Kung saan ako'y mabubuhay Sa aking katotohanan
0
Mar 26, 2021
Mar 26, 2021 at 9:15 AM UTC
Panginoon
Ikaw. Ikaw. Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy. Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. Magsulat.. Bumangon... Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa.. Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw.. Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim.. Dumating ka. Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako. Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako. Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong. Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita.. Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo. Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin.. At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid. Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap. Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito. Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman.. Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin.. Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 9:31 AM UTC

Hoy ikaw ! Oo ikaw! Ikaw na walang alam, Ikaw na walang pakiramdam Makinig ka! May sasabihin ako Sana pakinggan mo kasi minsan lang 'to Minsan lang ako gagawa ng isang tula, na alay sa isang tulad mo. Magsisimula ako sa umpisa Sa mga panahong wala pa akong gaanong nadarama Noong unang beses kitang nakilala At unang beses ko ring nakita, Kung paano ngumiti ang iyong mga mata At kung paano ito kumislap tulad ng mga tala Sa umaga Idagdag mo pa yung magandang kurba ng iyong mga labi At matamis **** mga ngiti Na kay sarap pagmasdan Na kay sarap titigan Nung mga oras na yun, Parang ayaw na kitang tigilan Pero hindi. Saglit lang. Ano to? Uulit na naman ako sa isang siklo ng katangahan? Hindi! Ayoko nang masaktan. Ayoko nang masaktan ng paulit ulit Pagod na kong makaranas ng sakit At syempre,matitinding inggit Kaya pinili kong itigil ang lahat At pigilan ang nararamdaman Nagtagumpay ako nung una Pero kinalaunan? nagpatuloy pa rin ang baliw kong puso Kaya nga kapag nakikita ka na, puso'y napapalukso Hinihiling na sana tumigil ang oras, Para nanjan ka lang. Pagkat ikaw lang ang tanging lunas Sa puso kong matinding lungkot ang dinaranas Hinilhiling na sana wag ka nang lumisan pa Dito ka lang sa harap ko. Yun bang tititigan hanggang kelan ko gusto? Pagmamasdan ang bawat paglabas nung dimples mo Hihintaying kahit minsan,mapatingin ka rina pwesto ko At kahit saglit, mapansin mo ako. At alam mo ba? Nagkaroon din ako ng dahilan sa pagpasok ng maaga Hiahabol ko kasi yung pagkakataong makasabay kita sa pila Syempre para ako yung unang makakita sayo Sa ganung paraan feel ko nakalamang ako Alam kong hindi pwede at walang pag - asa Kaya sige. Hahayaan na kita sa kanila Tahimik na lang kitang pagmamasdan mula sa malayo At papanoorin ang magandang mga ngiti mo. Sana dumating yung araw na hindi lang laging ikaw yung aking nakikita Mula sa malayong lugar na pinagtatanawan ko sayo. Alam kong matatapos din ang pantasyang ito. Sana lang dumating agad yung panahon na yun.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:36 AM UTC
#18

56
puso ko'y lito pati isip hibang at nagugulo nais na lang maglaho yakapin ako na parang tayo hanggang dulo. hirap akong huminga mata ko'y pupungas pungas pa tanging kaba ang nadarama yakapin ako ng ako'y tumahan na. laman ko'y nanginginig mga paa'y di makatindig di makasabay sa himig yakapin ako ng di na magligalig. 02.20.19 7:41am
0
Feb 19, 2019
Feb 19, 2019 at 6:44 PM UTC
yakap mo
Noong araw ng aking pag alis Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa Ang naguumapaw na takot at kaba Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan maraming araw na ang dumaan Subalit, tila hanggang ngayon Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon Pilit na hinahabol ang takbo Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo Ngunit, masyadong mabilis Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis Buong akala’y natanggap na Pero damdami’y nagpapanggap lang pala Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi Mananatiling tikom ang mga labi Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak Ang mga alaala’y unti unting bumabalik Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik Na bumalik sa mga bagay na nakasanyan sa nakaraan Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan? Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan? Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap? O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?
0
Apr 29, 2020
Apr 29, 2020 at 1:55 PM UTC
Pagtanggap
Ako'y nalulumbay na sa iyo, Gusto ko nang mahagkan ang mga pisngi mo, Gusto ko ring hawakan ang iyong mga kamay, At sa pag tulog ay ika'y makasabay. Miss na kita, Pwede ka bang makita? Miss na kita, Pwede ka bang makasama?
0
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 7:07 PM UTC
MNKPKBM