Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makakalipad" poems
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa Tila nilalason ang isipan ko Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo Hindi maikukubli sa aking mga salita Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka Nangingislap ito mula sa ilaw Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo Umaalab ka ngunit hindi mo pansin Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak Kaya naman hindi mo naaatim Ang yaring tayog na iyong taglay Kung makakalipad ka lamang sana Likas sa’yo ang nais mo Kumakatok ako’t nakikiusap Gumising ka, marikit na binibini At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 10:40 AM UTC
Ikaw Din Ang Siyang Nais Mo
Ipanligo ang luha Gawin basahan ang damit na pamunas sa sugat na di gumagaling Hulug bituin ba na matutupad ang mga hiling o bagay na tinatapon ng langit Ano ang susundin Naduhagi sa buhay Nabubuwal sa kapalarang sinapit Kagustuhan ng loob o ang ikakaunlad ng Maharlikang angkan Sa basbas ng langit Iniusal ang dasal Sapat na ang saya nang masilayan si dessa Walang dusa't unos na nanaig Anyong Diyosa, diwata ang kawangis Kinang ng perlas Kagandahang nang -aakit Marupok na ang silya Habang ang damit ay tagpi-tagpi Naluoy na ang labi Mata'y nangamuti Inilalarawan  na ang mukha sa salamin ng bukas Natatangi man ito ang sa isip Ang kabiguan ay tinitiis Pa isa-isa man ang balahibo idinidikit na para pumagaspas sa hangin Makakalipad nang mataas Bubulusok nang mabilis
0
May 29, 2019
May 29, 2019 at 1:33 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #68
Ang ibon na lumilipad ng mataas Sumasabay sa ihip ng hangin Tumatabi sa dalampasigan Umaawit ng sariling awitin Ipinupundar ang mga hampas ng tubig na hindi kumukupas Minsan nang sumayaw ang ibon Sa tabi ng dalampasigan Natukso ng init ng hangin At lamig ng karagatan Sa isang sayad ng kanyang balahibo Hinatak ng aplaya ang bisig ng mumunti Nagsisigaw hanggang sa mawalan ng kibo Nangamba na hindi na makakalipad muli Ang buhay ng ibon Tila isang kuwit Tumigil at nanahimik Naghihintay ng kasunod Ngunit ang kuwit ay magpapatuloy parin Hindi tulad ng tuldok na katapusan ang hantungan Sa gitna ng pagbagsak at kalungkutan Tayo, katulad ng ibon, ay makalilipad muli
0
Aug 13, 2018
Aug 13, 2018 at 1:59 AM UTC
Kuwit,