Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makakahanap" poems
Salamat kaibigan, hndi mo ‘ko iniwan Ikaw ay aking karamay at aking sandigan Malayo pa ang tinig ay iyo nang naririnig Alam mo ang pintig ng aking puso at dibdib Bigat ay iyong inako upang ako ay makatayo Inalalayan ang aking bisig, lakas ay iyong tinig Ikaw ay parang isang estrangherong hindi naghihintay ng kapalit Saan ako makakahanap ng isang tulad mo sa isang saglit? Kung sa paraang ito ay pinapakitang iniibig, Bulag na ang hndi makakita, at manhid na ang hndi makadama Oh kaibigan, nag-iisa ka
0
Jan 31, 2015
Jan 31, 2015 at 3:27 PM UTC
Salamat Kaibigan (Tagalog)
Saan ka makakahanap ng babae isang utos mo gagawin nya isang Pasensya wala akong nakuha Kahit iniwan mo ako wala yan ang babae ang nagmamahal sa isang lalaki ang babae nagmamahal sa isang lalaking gagawin ang lahat ng dapat kahit magalit yung babae gagawin pa rin niya kasi mahal na mahal niya. pero ang babae magtanong sa isang lalaki umaangal na kayo hindi nyo magawa Anong magagawa ng isang babae mahal niya kasi ganyan kami mag mahal ng isang tao hanggang patayan. isang mahal mo gagawin mo ang dapat gawin ganun ang isang pagmamahalan isang tanong ngayon ang sabihin mo sa akin okay na ba di ba Ang sabi mo sa akin hindi ka naniniwala.
0
Jan 21, 2019
Jan 21, 2019 at 11:46 PM UTC
sabihin mo nga sa akin
Ang gusto ko yung lalaking matipuno Yung pagbubuksan ako ng pinto Yung umaga pa lang pumupunta na rito Tsaka dapat binabati niya magulang ko Isama mo na rin buong pamilya’t kamag anak ko Grabe ang lakas maka pogi non Lalo na kapag binibilhan ako ng wanton Yun kasi yung paborito ko Kaya nakakakilig pag kilala ka ng lalaki nang todo Ganun yung tipo ko Simple lang at magalang Madasalin at mapagmahal sa magulang Isa lang Isa lang ang hinihintay ko at alam kong ikaw yun. Yung taong bubuo ng mga pangarap natin At tutupad sa mga binitawang salita sakin Ikaw yun Ang yayakap sakin kapag malungkot ako At pag kailangan ko ng makikinig sa mga problema ko. Ikaw yun. Nung una. Akala ko nung una ikaw na yun. Isang malaking pagkakamali lang pala. Imahinasyon lang pala lahat ng ito Ang lala Nabiktima lang pala ako ng maling akala At nadala sa pagbabago **** lagi akong umaasa Kaya ayoko na Ayoko nang pagbuksan ka ng pinto sa tuwing lalabas tayo Ayoko nang habulin ka pag nauuna kang maglakad at ikaw pa yung may ganang magalit Ayoko nang paulit ulit ipaalala sayo na batiin mo mga magulang ko pag nakikita mo Ayoko nang magtiis pa diyan sa katamaran mo dahil pagod na ako. Nagsasawa na ako sa paulit ulit na salitang binibigkas mo pero di naman totoo. Dahil ang totoo, hindi naman tumutugma sa mga kilos mo. Ikaw na ang sentro ng relasyong to. Sa halip na ako ang yakapin mo dahil malungkot ako, ako ang yumayakap sayo. Hindi ako makapagsabi ng problema mo dahil sinisingitan mo nang mas malala yung problema mo. Lagi ka na lang nagagalit kapag may kausap ako. Pero pag ikaw yung may kausap, nagagalit ba ako? Wala na sa lugar yung pagseselos mo. Lahat na lang ng makausap ko pinaghihinalaan mo. Ang toxic na ng relationship na to. Kaya gusto ko na tapusin kung ano man ang meron tayo. Natauhan ako na ako na pala ang gusto ko. Ako pala yung hinahanap ko. Pero kailangan ko ng taong parang ako. Yung mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. Saan ba ako makakahanap ng taong katulad ko?
0
May 10, 2018
May 10, 2018 at 11:23 AM UTC
Ang Gusto Ko

Continue reading...
46
Para sa pag-ibig na hinintay at pinagdasal Sana alalahanin na hindi magsasawa kahit gaano pa katagal Para sa pag-ibig na kayang sulatan ng tula Alam kong hindi na ito mawawala Para sa pag-ibig Na patuloy pa ring nabubuhay sa'ting dalawa Pinapangako kong hindi na ako makakahanap ng tulad nito sa iba Kaya habang nandito pa tayo Habang kaya pa natin hawakan ang kamay ng isa't-isa, Habang kaya pa natin yumakap, humalik, at sabay na mag-dasal, Gawin natin Para sa pag-ibig
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 9:21 AM UTC
Untitled
siguro akala mo hindi kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin siguro kung inisip mo lang na ikaw talaga ang nakatadhana para sa akin siguro akala mo hindi kita kailangan sa paraang kailangan mo ako alam mo hindi ako makakahanap ng tao na kayang intindihin ako gaya sa paraang nagagawa mo bumalik kana.. dito kalang.. hinahanap parin kita sa hirap at saya hinahanap parin kita sa lungkot at ligaya hinahanap parin kita kapag itim na ang gabi at asul na ang kalangitan pero tinatanong ko parin sa sarili ko naiisip mo parin kaya ako kagaya ng pagiisip ko sayo sa oras na maisip mona kailangan kita nandito parin ako naghihintay sa iyo sa oras na ito hanggang sa pagdating mo
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:26 PM UTC
tula ni VJ: "hihintayin kita"
Heto nanaman ako,  binabagtas ang daan papunta sayo. Nagbabakasakaling makakahanap ng katahimikan mula sa paborito kong pwesto. Paulit ulit akong pumupunta dito. Paulit ulit kong sinasambit ang mga salita ko at paulit ulit **** naririnig sakin ang pag susumamo. Paulit mo ring inaangat ang mukha kong nakalugmok sa aking mga palad At paulit ulit mo ring pinupunasan ang aking mga pisngi na walang pawis na dumadaloy ngunit mga luha. Paulit ulit mo rin pinaparamdam sakin ang iyong mga bisig na walang ibang alam gawin kung hindi ang kumalinga. Ang iyong mga mata na walang ibang alam gawin kung hindi ang maghanap ng nawawala at hindi ng mga wala. Ang iyong mga tenga na walang sawang makinig sa mga bagay na alam mo na at hindi sa mga bagay na gusto mo lamang marinig tulad ng iba. Ilang beses na akong nagdasal, nagmakaawa, nakipagpalitan ng mga hiling pero hindi ka nagsasawang makinig. Nag aantay ng mga susunod kong hakban kahit alam **** hindi ko pa kaya. at walang sawang magbigay ng mga gabay na kung madalas ay hindi napapansin dahil may ibang pakay. Sa pagdami ng iyong bisita alam ko magiging abala ka sakanila ngunit alam ko na ang aking dasal ay meron pa rin namang puwang sa iyong tenga. Sa araw na ito hindi ka mapapagod magpunas ng mga luha ko. Maglapat ng ulo ko sayong balikat. Makinig sa walang sawa kong mga hinaing. Dahil sa mga oras na to, Walang ibang laman ang aking puso kung hindi tula at papuri para sayo.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:06 PM UTC
May Bago
sobrang layo na ng ating mga ala-ala minsan, hindi ko na tanaw minsan, napalitan na ng sakit gusto ko na lang bumitaw alam ko naman ipagpapalit mo rin ako makakahanap ka ng bago pag-ibig mo ay hihinto sa pag-ikot ng mundo mga ala ala ay lumabo lumipas na kasama ng panahon siguro, dapat ko ng ibaon ilang sandali na lang luluwag na ang kapit gigising na ulit pero ngayon ako’y mulat, mulat sa katotohanang hanggang dito na lang ang lahat pinagbitaw na ako ng katotohanan tapos na ang dahan dahang pagtanggap mamadaliin na, pagkat sobrang tagal na at kahit sobrang mahal pa rin kita ako ay bibitaw, patawarin mo sana.
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 7:17 AM UTC
paano kita bibitawan