"makahiya" poems
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre
Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga
Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya
Tumataghoy sa kweba ng kapusuan
Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban
Himutok ay hindi na lumubay
Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan
Napatingala sa langit na lipos ng estrelya
Sa kubo na hinati ng dingding
Sa loob ay ang buhay na ikinatha
Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa
Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat
Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan
Sa tugmaang ito'y nasawan
Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan
Kipkipin at itago ang lampin
Sa ambon, sa bintana ay napaisip
Paano kung hindi natutong magmahal
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 4:21 PM UTC
i just wanted to go home
but everytime i am near
my hands always produce wind
and take the house away
i just wanted to go home
but whenever my mom ask me
if my shirt was inside-out
i felt the leaves of makahiya plant that i ate slowly folding in my tounge
and the thorns burns in my throat
i can't say it! i can't say it!
i'm just really wanted to go home.
but everytime i touched the door
i always find myself at the street
sleeping
©IGMS
Aug 3, 2016
Aug 3, 2016 at 7:33 AM UTC
ibinuhos ko ang aking damdamin
sa pagbabakasakaling
lahat nito, iyong sasaluhin
pero hindi
natapon lamang at
maiiging sinipsip ng lupa;
nagpatubo ng isang damo,
isang munting makahiya.
ang aking damdamin
ay lubos lang nasayang,
pero wala ka namang nalalaman.
nasa akin lang ang hinayang.
Feb 27, 2014
Feb 27, 2014 at 7:01 AM UTC
Sa ngalang makahiya ay nawawari
Palaging nag-iisa at nangingimi
Daho'y tumitikom kapag nasasagi
Kahiman sa patak ng ulan sa gabi
ay tila may alerhiya't pangangati
Di nababatid kung mayro'ng ipagsabi
Dalawin ng hangi'y siya rin magtimpi
Sinanay na pumipinid ang sarili
Kaya lubhang masukal maiintindi
Nakikitang walang pahayag 't lunggati
Sa banayad na sanggi'y humahapdi
Ang buong tangkay ay parang nababali
Sinadya na labis ang sanggalang dagli
Sapagkat takot na mahipo parati
At sa kinabukasa'y bubuka muli
Matampuhing halamang namamalagi
Sa diwa'y natigalgal nang kumukubli
Anong alamat 't pinanggalingang uri
Bakit ang iba ay ayaw kumandili
Sa lalang ng D'yos nasasaktan sa anggi
Lapain man ng pantas ang mga bahagi
Ay di matalos kung bakit tumutupi
Ang kaganapan ng agham 'y lumalapi
Sa pagkagulumihanan ng pagsuri
Guwang sa bahay ng dunong nanatili
Yaon taglay na mga tinik ay mumunti
Madalas nagagambala't inaapi
Ng mapangahas na palad at daliri
Dahil sa tingi'y manunusok ang gawi
Tinuring kapintasa'y ikinamuhi
Kung hahawaka'y nangungulubot dali
Umuurong ang awra kahit tanghali
Duwag sa damdamin - puro atubili
Nagbabantulot ang kilos at ugali
Balasik na katangia'y itinanggi
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 6:24 PM UTC
It started with an uncomfortable feeling
In your stomach and fingertips
The flying of butterflies
And the surging electric current
And here comes the awkwardness
and shyness
The blushing of apple and the
Folding of Makahiya leaves
You promise to catch the moon and give me stars,
but how can I give love when
I’m too good in holding back
What’s inside this heart?
Neither doubts nor fears
Can’t cease the severity
Of this sweet wound struck by cupid’s arrow
Yes, indeed it’s a Yes!
Storm and Raging Thunder Unavoidably entered
Fire slowly liquirified the solid foundation
The pierced Hearts now seem to Fall Apart
But Feelings don’t last
Wounded Heart Slowly heal
And started to beat again ♥
©WFTH&IGMS
Sep 18, 2017
Sep 18, 2017 at 10:23 PM UTC
Ako'y nakatawa
Pero ito'y totoo ba?
Ako'y nakangiti
Pero sa loob nagpipighati
Ako'y nagsisikap na kayo'y
Mapatawa pero sa sarili ko
Hindi mapadama
Ako'y nalulunod na sa
Aking problema hindi
Na makahiya sa bigat
Ng aking nadarama
Ako'y lumuluha sa
Pag-asang ito'y maibsan
Ako'y wala ng makita
Dahil ang aking araw
Parang gabie na.
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 8:38 AM UTC