"makabangon" poems
gigising at muling sasabihin
na kakayanin at tatanggapin
mag-isa ko nga bang haharapin
bigat ng aking damdamin?
iiwanan mo rin ba
ang puso ko na binuhay mo pa
sana di na lang nag-abala
para ngayon ay tanggap ko na
ayoko na, tama na, awat na
pakiusap ko, sinta
malabo na ako'y makabangon pa
kung puso mo sa aki'y magsara
hayaan, iwanan, paalam
palayain sa baging
na ako rin ang naghaing
bitawan, wag sundan, paalam
May 31, 2014
May 31, 2014 at 7:30 AM UTC
Sa look ng kabihasnan ay niluray ang moral
hanggang wala na natira sa kasarilihan
Matayog na pananaw ay lumulubog
parang tumatandang lawin
Ang katauhan ay yumayabong na talahib na inaambon
sa larang ng mga lapida
Kaya musika ng panananghis ang nakatadhana
Mapanglaw sa linang
Ang kalakasan ay nahahamugan
Nang pagsulong nito tungo sa kapangahasan
Isang paa ay nasa libingan
Kahit anuman ang makatugon sa pagdaralita nang malapot
Sa antas ng balangaw, ano ang ipinapahiwatig?
Masilayan man ng busabos, walang linaw sa intuwisyon
Ihalo ang walang kaugnay na pangungulila
sa balangkas ng talambuhay
Magbuo man ng introduksyon
Di pa rin makabangon sa panimula ng akda
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 7:42 PM UTC
ARMAS MO'Y PANALANGIN.
Bago natin hangarin ang pansarili hiling,
Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling;
Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin
Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin.
Mataimtim na dasal ang mainam na gawin.
Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain;
Talikuran at wag na nating ulit-ulitin
Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain
Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin
Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin;
Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin
Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin.
Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin
Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin;
May dumating mang hadlang at ika'y sirain
Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
Tulungan mo kong makalimot sa pait na iyong idinulot.
Tulungan mo kong makabangon sa sakit ng kahapon.
Tulungan mo kong turuan ang sarili ko, turuan ang sarili ko na umibig muli ng ibang tao.
Tulungan mo kong maging masaya muli dahil lungkot sa mga mata koy hindi na maikubli.
Tulungan mo kong kalimutan ka, kalimutan ka ng sa ganon buhay koy lumigaya.
Tulungan mo ko at baka sakaling mapatawad ko ang tulad mo.
May 22, 2016
May 22, 2016 at 11:05 PM UTC
Nung ika’y umalis at lumisan
At ako’y iwanan ng tuluyan
Tanging sinabi sa sarili ko
Kaya ko ‘to
Nung nalamang ika’y nag-iisa
At ako’y pilit na nagpapakasaya
Sambit ng pusong nagpapalakas
Kaya ko ‘to
Nung bawat sakit ay pilit bumalik
Bawat pagkukulang at bawat pasakit
Tinibayan ang loob at sinabing
Kaya ko ‘to
Nung sumagi sa isip ang bawat alaala
Sa bawat ngiti at bakas ng ligaya
Pilit kong pinagiisipan
Kaya ko ‘to?
Nung ika’y hinahanap ng puso
Sinisigaw sa bawat pintig nito
Naguguluhan na ako
Kaya ko ba?
Nung nakikita kang masaya sa iba
At sinampal sakin ang katotohanang
Hindi ka na babalik pa
Kaya ko pa ba?
Nung napagtanto na ika’y mahal pa
At sakin ay ayaw kang mawala
Gusto kong isigaw sa mundo
Hindi ko kaya ‘to
Nung sa’yo ay nagsusumamo
Nakikiusap na muling maging tayo
Ngunit tuluyang binitiwan na ako
Hindi ko na kaya ‘to
Nung ika’y masaya na sa kanya
At ako’y nilimot sa pag-iisa
Tanging lumabas sa aking paghinga
Ayoko ng ganito
Ngayong tuluyan ka nang nawala
Bakas mo ay pilit hinuhugasan
Ngayon ko dapat isiping
“Kaya ko ‘to”
Sana’y makabangon na sa aking pagbagsak
Tumungkod sa sariling mga paa at ituloy ang landas
Pilit pinapaalala sa pusong nasawi
Kakayanin ko ‘to
Babangong muli sa bagong umaga
Gigising sa katotohanang wala ka na
Lalakad ng mag-isa kahit masakit
Lahat ng ito’y pilit kakayanin
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 12:55 PM UTC
Sa isang madilim na kuwarto,
ako’y tila mahinhin at ang mga mata’y nakasarado. Nakahiga lamang at kalmado habang nakabalot sa kumot at tila binabangungot ng mga ala-alang ‘di ko malimot-limot nang iwan mo ako. Ang mga ala-alang ito’y kung makapang-asta saking isipa’y parang nagliliyab na apoy na pumapaso sa mga magagandang damdamin kong tila naitataboy.
Ngunit ngayon, tila nawala ang nagliliyab na apoy nang nalalampasan ko na ang lungkot, at tuluyang bumabangon at nililimot ang mga ala-ala ng kahapon, sapagkat alam ko na ang mga masasamang kahapon ay ‘di pa ang dulo at hadlang upang ‘di ako makabangon.
Jun 9, 2019
Jun 9, 2019 at 10:27 AM UTC