Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ESP Jun 2015
Ayokong ituloy 'to
Tila mabilis ang lahat

Pero aaminin ko
Ang sayang tignan ng mga
Ngiti mo
Ngiting nakapagpapaligaya
Ngiting babaunin hanggang pag-uwi

Ngiti **** kay sarap ulit-ulitin
Sa utak kong magulo
Ngiti **** ang sarap isako
Sa puso kong naghihilom

Ayokong ituloy 'to
Dahil gusto ko
Kapag nakahanap ako ng taong
Muling gugustuhin
'Yung sigurado na
'Yung siya na

Pero hindi ma-ikakaila
Nalungkot ako
Nang minsang magkatampuhan tayo
Halos maiyak ako
Parang nung umaga lang okay tayo
Nang maghapo'y hindi mo na ako kinibo

Ayokong ituloy 'to
Tila mabilis ang lahat
Gusto ko sigurado
Uulit-ulitin ko sa makulit kong ulo
Uulit-ulitin ko sa pasaway kong puso

Wala 'to
H'wag mo lang pansinin
Dahil ayokong magustuhan pa kita lalo
Playing safe
Allan Pangilinan Jan 2023
Gabi na naman - oras na ng pagpikit,
Muling matutulog ng may maraming ‘bakit?’
Patuloy na naghahanap ng kahulugan,
Sa mundong kawalan ay naglalaglagan.

Babangon ulit sa bukas na ‘di tiyak,
Malungkot man ay wala ng maiyak,
‘Di rin alam kung nais pa ba ‘tong mabago,
Lahat naman ng buhay ay ‘di sigurado.

Ngayon ay aalalay na lang sa alon,
Sa dala nitong hampas at daluyong,
Baka bukas makalawa sinong mag-aakala,
Magigising nang nasa payapang dalampasigan na
Written 01152023

— The End —