"maiwaglit" poems
Ang puso ng nakaraan ay unti-unting nasusugatan
Di mo napapansin ang tahi ay unti-unting nabubuksan
Sa paglipas ng araw ang hapdi ay lalong tumitindi
Parang apoy ang init sa katawan ay dumadampi
Nasasanay na sa ganitong sistema
Wala ng usapan magpanggap na lang di nagkakitaan
Sanayin ang sarili sa pagkawala ng isa
Ang luha ay pigilan balewala lang kung dumungaw
Sa iba ibaling, paningin at isipan
Humanap ng kakampi sa ibang tao kung maaari
Sandamakmak na galit subuking maiwaglit
Ang tropeo nito sa dulo ng laro makikita.
Apr 23, 2017
Apr 23, 2017 at 1:59 AM UTC
Sana'y sa aking pagpikit
ay makalimutan lahat ng sakit
Ngunit kahit anong pilit
Di ko maiwaglit
Ang lahat ng pait
Di alam kung bakit
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:42 PM UTC