"maitugma" poems
gulong-gulo sa sistema
nagbabagong mga klima
nauubusan ng salitang maitugma
sa gabing malamig, ikalabing-lima
namamaalam, dating eksena
eksenang nabuo sa pantasya
binabalot ng tuwa't halina
tuluyan nang dumidistansya
tila'y pilit pinupuna
sandaling naglalaho na
tuwing nasisilayan
binabalot ng iyak ng paglisan
kumukupas na ang mundo
memoryang nakakandado
nawa'y mapagtanto
nawa'y mapagtanto
Feb 11, 2020
Feb 11, 2020 at 8:26 PM UTC
at ang pagsusulat ay ang naging pagtakas
sa mundong nagpapaka-mundo
ngunit bakit
tila hindi makapag-isip
ng tema
ng letra
ng tugma na bumebenta
ngayo'y parang
walang kwenta
'di maitugma sa eksena
at para bang ang pagsusulat
ay isa na rin sa tinatakasan
hindi matapos na kanta
librong natigil sa gitna
itong tula na pilit kong tinutugma
palaging nais magsulat
ngunit hindi makahanap
ng kabuluhan sa lahat
Jul 6, 2020
Jul 6, 2020 at 9:22 AM UTC
wala akong tula
walang maisip na gawa
sapagkat walang maitugma
ang aking mga salita.
walang naiisip na mga pantig
na sa iyo'y magpapakilig
walang maisip na salaysay
na sa iyo'y iaaalay.
Jan 27, 2020
Jan 27, 2020 at 9:45 AM UTC