Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maiparamdam" poems
*Makasama ka lang kahit sandali Kakayanin maghintay ng matagal Nais ko lamang na ikaw ay mapangiti Maiparamdam sayo lahat ng aking pagmamahal*
0
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 10:53 PM UTC
Kahit Sandali
Di ko alam kung kaya ko pa Crush nga lang ba o Mahal na kita Kwento ko na ba o huwag na lang muna Ganto kasi yan teka lang wala pa kinikilig ka na Paano pa kaya kung maging tayo na Ang sweet ko diba ganyan talaga masanay ka na Kasi kapag tayo na daig mo pa nanalo sa lotto sa sobrang tuwa Araw araw susulatan kita ng tula Pero lahat ng ito hanggang salita ko lang pala Ako'y biglang nagising at natulala Nakita kang may kasama nang iba Pinipilit ngumiti kasi alam ko masaya ka na Ngayong kasama mo na siya At ako ngayon ay nagiisa Ang swerte niya kasi ikaw ang kasama niya Kung nasabi ko sana sayong gusto kita Baka sakali may tayo na Baka sakali mahal mo na pala ako sa susunod na umaga Sana hindi lang siya puro salita Sana magawan ka niya ng isang tula Sana daig mo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa Sana sweet siya sayo hanggang sa pagtanda ninyong dalawa Sana maiparamdam niya sayo na may kayo pa Promise hindi ko ikwekwento sa iba Na naging crush kita kaya sana mahalin ka niya Di ko alam kung kaya ko pa
0
Apr 11, 2019
Apr 11, 2019 at 1:40 PM UTC
For my "A"
Hanggang sa pangarap nalang ba kita aabutin? Kahit sa pagtanda ko'y mas lalong hindi na kita kayang akyatin. Hanggang sa mga huling hininga ko'y patuloy parin kitang papangarapin, na sana; sana'y masilayan ka man lang bago ang mundong ito'y lisanin. At 'sabay ng pagpikit ng aking dalawang mata'y babaunin kita hanggang sa aking huling hantungan. Upang maiparamdam sa'yo na minsan; minsa'y may isang babaeng nangarap na akyatin ka hanggang sa kanyang kamatayan. Ang pangarap ko'y kay hirap abutin.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:54 AM UTC
*Pangarap*