Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eden Tucay Aug 2016

Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan.
Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit.
Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila.

4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-**** u ka na pala.

4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon?

4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat.


4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto.

4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives.


4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie


5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan...

6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig.

7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito.

7/28/2016 - monologue at bugtungan


"Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis

"Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-)

"Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network
kingjay Jan 2019
Sa malayong baryo ng lalawigan ng Antigo, ng bayan ng San Arden
Nakatira kapiling ng ama
Sa murang edad, sanay magtrabaho
Magpukpok ng pako sa tabla

Sapagkat naulila sa inang nagluwal
Ikinapahamak ang matagal na pagpapakasakit
upang mailabas lang kapagdaka
bilang anak niya
sa kamalig ng kanyang ama

Kinalong ng lolo
Mga kamag-anak ay humingi ng saklolo
Bumugalwak ang dugo sa patadyong
May pag-asa pa bang mailigtas
kung dadalhin pa sa bayan nang gamutin ng pantas

Sa daraanan sa palayan, kay lakas ng ulan
Pumapagaspas ang dahon ng palay
Kakaunti lang ang hininga sa di magkamayaw na hangin
Talagang binawian na
Nautas ang ilaw ng pamilya

Sapagkat iisa lang ang bunso't panganay
Kailangan sundin ang utos at patnubay
Kung nabagot sa kahihintay,
sa pag-uwi may sasalubong-
hampas ng latigo na maglalatay
Babylyn Berina Mar 2016
Sa araw araw
na ginawa ng Diyos,
tila wala na akong
nakikitang bago.
Lahat sa mata ko'y
tila alpabeto.
Alam ko na ang susunod
at kung saan magtatapos;

Sa mga naghihikahos magtrabaho
hanggang sa mga kapos--
Palad ay may bahid
sa langit nakatingala.
Maliban sa awa,
Anong maibibigay ko?
Wala. Wala.
Wala na nga bang pag-asa
na ang ating ginagalawan
maging singluwag nang pusong
kailanma'y di pa
nagkaron nang laman--
nang galit at poot,
sa damit kong suot-
at may laslas
na bag ko sa likod.

Ako'y buhay
ngunit bakit naghahabol
nang hangin at tila ba
ako'y nagagahol--
sa oras at 'di ko na namalayan
Cellphone ay wala
at 'di na matawagan.

Ngunit 'di na ko nagulat,
'di na ko nabigla-
ang pitaka sa bulsa
hindi na makita.
Pangtuition pa sana
sa sunod na pasukan,
mga pawis ni tatay
nawala ang dahilan.

Umuwi sa bahay
na ni piso ay wala---
Wala na gaya
ng pag-asang tumila
Masahol pa sa bagyo
na Ondoy at Yolanda,
Buhay, ngunit nasa
impyerno na yata.

Pagod sa eskwela
nang ako ay umuwi,
nagbukas ng TV
magpapahinga sandali.
"Riding in tandem nambiktima
tatlo pinatay
Minartilyo sa ulo
Babae hinalay"

Mura lang ang ******
ngunit
bakit sila dumadami?
Sikmura ay halang
sa konsensya nagwagi
Parang kailangan kong pumasok
na sandata ang suot
Kapag hindi-
sa susunod na balita
ako na ang nakapaloob.

Napaaga ng dating?

O nahuli lang ng uwi?

Mga kampon ni Satanas


bakit dito nalagi?
JOJO C PINCA Nov 2017
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel

Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.

Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.

Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.

Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.

Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.

At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.

Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.

Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
Kalabit, Takbo

Kakahiwalay lang ng buwan sa kalangitan
Disoras ng gabi, di pa 'ko naghahapunan
Kinailangan magtrabaho, kakasara lang ng tindahan
"Mamang Pulis, magandang gabi, anong inyong kailangan?"

Akbay, "may itatanong lang", aking narinig
Hindi ko na malaman, bat biglang nanginig
"Utoy balita namin ikaw ay sangkot"
Niyakap ng kaba, hinaplos ng takot

Pagsigaw na walang kinalaman
Suntok, sipa, mura ako'y pinaliguan
"Tama na po, may exam pa kinabukasan"
Animo'y mga bingi, mga kampon ng kadiliman

Kasalanang di ko alam pilit pinaako
"Mag uuwi ako ng pansit" kay bunso ko pinangako
Ngunit bilang na pala ang oras ko
Dalawang segundo, ang narinig ko lang ay "Kalabit, takbo"
raquezha Aug 7
Arog palan kaini an pagmati
Kan magtrabaho para sa sadiri
Mamata nin amay
Maayos nin gamit
Malutong pamahawan
Makarigos nin dali-dali
Sasanglian an murusdot na lalawgon
Late ka nanaman
Mayo nanaman kayang sakayan
Diyan sa may kanto

Arog palan kaini an pagmati
Kan mawaraan trabaho
Aro-aldaw ginigibo ko an gabos
Buong púsò kong tinatatao
An kusog asin hawak ko
Mayòng pinapalampas na oras
Aro-aldaw na paulit-ulit
Puon sa pagmata nin amay
Hanggang sa pag-ulî nin banggi

Pero tanò arog kaini?
Mayong nakakaintindi?
Hain na an úgay?
An pagmakulog?
Tanò puro pansadiri?

Mayò na bagang nangyayari
Kamong mga nakatukaw
Halangkawon man an harigi
Daí na nindo nahihiling an kasakitan
Kan mga uripon sa palibot nindo

Arog palan kaini an pagmati
Kan dai magkakan nin sarong aldaw,
Duwang aldaw asin sa ika-tulong aldáw
Daí ko na aram kun ano an totoo
Kun nabubuhay an tao para magtrabaho
O nagtatrabaho an tao para mabuhay
1. Urípon; servant, slave (in historical reference)
2. https://www.instagram.com/p/CDl9XF6Hopv/
Jo Organiza Jun 21
Siya ang nagahatag ug kahayag
aron ako 'di mag-inusara ug masaag.
sa mga malangitngiton kong mga dalan
andam niyang saw-on ang tanan
gikan sa'kong pagkabut-an paubos sa'kong pagkakiatan.

Sa masubo niyang kahimtang
nga magtrabaho ug taman
para lang mahapsay ang tulog namong tanan.


Ug mahitungod kini tanan sa pinalangga kong amahan.
Balak para sa mga amahan
Ayaw ko pangutan-a unsay connect sa title. HAHAHAHAHA

Happy Father's Day!

Balak - A Bisaya Poem.

— The End —