Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bayani --
Sa tuwing nagtatapo ang aking kanang kamay at ang aking dibdib
Doon ko mas naisasaisip at naisasapuso ang pagiging isang Pilipino
Na hindi ako isang banyagang titirik sa malaparaisong lupain
At panandaliang mabibihagni sa mga likas na yaman
O mismong sa mga modernong Maria Clara
O mga aktibisang nagmistulang mga bayani
Sa kanilang walang pag-imbot
Sa pagsulong nang may paninindigan
Sa kani-kanilang ideolohiya.

Sa araw-araw kong pagbibilad sa araw
At pagharap sa bawat pagsubok na minsang nakapapatid at nakapagpapatalisod,
Ni minsa'y hindi ko pinangarap na gawaran ng salitang "bayani."

Dito sa aking Bayang, "Perlas ng Silanganan,"
Ako'y nahubog maging sanay at buo ang loob
Hindi ng mga kahapong idinaan na sa hukay
At nagsilbing bihag ng kasaysayan at rebolusyon,
Bagkus ng sariling karanasang
Nagbukas sa aking ulirat
Na may iba pa palang pintuan patungo sa kahapon.
At pupwede ko palang matuklasan
Na hindi lamang sa mga nag-alay ng buhay sa sariling bayan
Maihahambing ang katuturan ng mahiwagang salita.

Paano nga ba na sa bawat pagsilang ng araw at pagbukod ng mga ulap sa kanya
Ay maituturing ko ang sarili bilang isang bayani?
Nagigising ako na pinamumunuan hindi lamang ng isang pangulo
Kundi ng mga katauhan na siya ring nagbibigay kabuluhan sa pagrespeto ko sa aking sarili
At sa tuwing nag-aalay ako ng mga hakbang at padyak sa pampublikong mga lugar
Ay nahahaluan ang aking pagkatao ng mga abo ng mga nagtapos na sa serbisyo
At tila ba sa kaloob-looban ko ay may sumisigaw na hindi ko alam kung ano
At sumisira sa mga pintuang minsan ko nang sinubukang sipain
Ngunit hindi naman ako pinagbuksan.

Masasabi kong natuto akong hindi sumuko sa laban ng aking buhay
Pagkat ako rin pala'y may pinaglalaban
Hindi ko ninais na maging talunan sa bawat paglisan ng araw sa kabundukang minsan ko na ring inakyat at pinagmasdan
Akala ko hanggang doon na lamang ako
Na ang buhay ko'y hindi isang nobelang magiging mukha sa salapi
At pagkakaguluhan saan man sila magdako
Ngunit minsa'y limot na ang halaga.

Dito sa aking istorya'y hindi ko maipagmamalaking ako ay isang bayani --
Ngunit sa kabila ng paglaganap ng demokrasya
Ay nais ko pa ring makasalamuha ang kahigpitan ng hustiya
Nang sa gayo'y masilaya't malasap ko ring mahalaga pa rin sa lahat
Ang pagbuwis ng mga buhay --
Silang mga pinagbunyi o silang nilimot ng sarili nilang mga kababayan.

Gusto kong manatili bilang isang Pilipinong may dangal sa aking pagkatao
Na ako'y titingala hindi dahil ako'y nagmamataas
Bagkus sagisag at bunga ito ng paghilom sa akin ng may Likha
At isang grasya ang buhay na hindi ko nanaising itapon sa wala.

Hindi ako magbibigay-pugay sa watawat na walang kamuang-muang
Na ang aking laban ay tapos na.
Hindi ako magpapadaig sa lipunang maaaring bumagsak sa kahit anong pagkakataon
Kapag ito'y nakalimot sa Ngalang higit na tanyag sa kanya.
At kung ito ang magiging dahilan para ako'y maliko sa ibang ideolohiya'y
Lilisanin ko na lamang ang aking pagkatao --
Ngunit ako'y madiing magpapatuloy sa aking lakaring higit pa sa pagka-Pilipino
Kahit na ang mga tungkuling nasa harap ko'y hindi pa lubos na malinaw
Pero pangako --
Hindi ako titigil.

Oo, pupuwede akong magsimula sa wala
Pero ako ay may mararating
At marahil bukas o sa makalawa,
Kung tayo lamang ay magpapatuloy sa pakikibaka para sa ating mga paniniwala'y
Magiging higit pa tayo sa mga bayani.
At hindi mahalaga kung tayo'y limutin ng bukas
Gaya ng paghawi ng masidhing hangin sa mga ulap na emosyonal.

Ayos lang --
Pagkat sa likod ng mga kurtina nang walang humpay na palakpakan
Ay naroon ang tunay na mga bayani
Na hindi sigaw at mga pagbubunyi ang mithiin.
Hindi ginto’t mga pilak ang maibubulsa sa kamatayan
Bagkus ang makapaglingkod sa bayan na may bukal na puso't malinis na konsensya
At kalakip nito ang higit pa sa mga pamanang medalya ng kasaysayan.

Sa muling pagkikita, salubong ng ating mga ninuno
Ay mabubuksan ang ating pagkatao sa isang paraisong patay na ang kabayanihan.
Doon, sama-sama nating lilisanin ang ganid na administrasyon
At hihipuin ang galit ng lambing ng Liwanag na higit pa sa milyong mga lampara
At doon lamang natin lubos na maaakap ang pagiging isang "bayani."
Daniella Torino Jun 2017
Natatandaan ko pa
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating  o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.


Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.



Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.


Tapos heto,
hahanapin pa rin
ang kahulugan ng kahulugan,
ang salita ng salita
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang pag-ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
miski tumakbo pa-timog o hilaga
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,  
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.  
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang inakalang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang inakalang paghahanap ay kasunod ang kawalan.
Ngunit,
ako’y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
tumalon man sa iba’t-ibang pagkakataon,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba,
kahit daan ma’y baluktutin o gawing makitid,
walang pag-aalinlangan akong magpapatuloy
sapagkat bawat daan ko’y pabalik lamang sa’yo.  
Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at bubulong ng,
“ikaw ang dulo, gitna at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang kahapong ilang milyong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.

Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil,
hindi na ako naiinip sa bagal o bilis
ng paggalaw ng kamay sa aking relo
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
Kay tagal kong hinintay
ang pagkakataong mabuo ang aking ‘pagiging’
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.


Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
*sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang pag-ibig mo.
Cedric Feb 2019
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
Eugene Oct 2015
Puso'y tumibok,
Hindi hinimok.
Kusang sumibol,
Hindi naghabol.
Naramdaman ang pintig,
Binuhay ang pag-ibig.


Nagmahal ng buong puso,
Umibig ng totoo.


Ngunit..

Hindi sinuklian.
Hindi ipinaglaban.
Ipinagpalit sa iba,
Iniwang mag-isa.
Luhaan ang mata,
Damdami'y nagdusa.


Piniga't sinaktan,
Nawalang saysay ang ipinaglaban.


Kaya...

Nagmukmok sa kuwarto,
Nagkulong, nagtago.
Sarili'y inilayo,
Nanlumo, tuliro.
Tulala't mga mata'y mugto,
Hindi kinakausap ibang tao.

Nabaliw, nagpakatanga.
Nagmahal na nga lang, nasaktan pa.


Subalit..

Buhay mo'y mahalaga.
Pamilya mo'y naririyan pa.
Sarili mo'y nilikha,
Nang isang Diyos na mapagpala.
Maging matatag ka,
Kalimutan ang sakit at magsimula.

Matuto ka,
Magbalik loob sa Kanya...
Marge Redelicia Jun 2015
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.

pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,  
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.

sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.

hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
nandito lang ako.
happy happy birthday UP, Rizal, and of course, Sofia!
Natakot akong gumising
Natakot akong gumalaw
Natakot akong magsimula
Na wala na yung tayong dalawa
May hangganan nga pala ang lahat
At ang sa atin ay hanggang dito nalang
Sa huling beses ay sasabihin ko pa
Minahal, mamahalin, at mahal na mahal kita
Kahit nakakamatay na.
Leilaaa Aug 2015
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.

pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,  
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.

sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.

hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
**nandito lang ako.
AtMidCode Nov 2017
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.

Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.

Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.

Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.

Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.

Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?

Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?

Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik

Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.

Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan

Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.

Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'

Uusad at uusad ka rin.

Kaibigan, patawad ulit.
George Andres Jun 2016
Pero hindi, hindi 'iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko na. Ayaw ko na kase...

Gusto kong maging kaibigan ka pa
Ayaw kong dumaan lang sa buhay mo
At maging yugto nito
Hindi ko gustong maging tayo

Sana lang maging magkaibigan lang tayo
Yung matagal at walang hiwalayan
Ayaw kong mahulog sa'yo
Gusto ko lang parating nasa tabi mo

Ayaw kong mahulog sa'yo
Kasi ayaw kong maghanap pa uli ng tulad mo
Ayaw kong magsimula uli sa iba
Pero hinahanap ko sakanya ay ikaw parin pala

Ayaw kong mahulog sa isang kaibigan
Dahil lahat sila, wala nang kabigan
Wala nang balikan
Kaya ayaw ko

Gusto kong magkasama lang tayo
Walang kuryente, walang kabog ng dibdib
Hindi slow motion o fortune teller
Gusto ko magkasama lang tayo

Walang tayo pero may pagmamahal
Bilang kaibigan, parang magkapatid lang
Walang mas malalim pa
Walang lalalim pa
Kasi kapag gano'n, ayaw ko na

Iiwan na kita.
Ayaw ko na.
61916
Isang kulisap
Ang ninakawan ng kinang
Ikinulong sa sisidlan

Bigla kang nanginig
Nang unang marining
Ang hikbi niyang puno ng pait
Bumalik din sayo ang sakit

Hindi ba't
Ikaw din ang may kakagawan
Ang iniisip ay sarili lamang
Bakit hndi ikaw ang magsimula
Pakawalan siya
At sindihan ang ninakaw niyang kinang




-Tula IV, Margaret Austin Go
Para sa mga murang isip hanggat maaga ay simulan mo ng magmalasakit.
Eugene Jan 2016
Kung nakalimutan **** ibigin ako,
Bubuhayin ko ang puso ko sa ibang tao.
Kung hihilingin **** muli ay maging tayo,
Maipapangako mo bang mahalin ako ng buong-buo?

Kung nagkamali ako at ika'y nasaktan,
Buong puso akong hihingi sa iyo ng kapatawaran.
Kung may pagkukulang ako at ika'y lumisan,
Kausapin mo ako nang maiwasan ang iyong pag-alsa balutan.




Ano mang mayroon ako'y ibabahagi ko,
Kung talagang mahal mo ako, ika'y magbabago.
Mamahalin kita ng higit pa sa inakala mo,
Dahil ang puso ko'y sadyang laan lamang sa iyo.

Magsimula tayo sa bagong taong ito.
Liligawan pa kita kung ito ang nais mo,
Basta't mangangako kang IKAW lang at AKO,
Sa mata ng Diyos, ang nakatakda ay TAYO.
Daniel Dec 2017
Gusto ko ng panibagong balat.
Iyong maputi at makinis.
Mala porselana,
Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw.
Kabisado ko ang bilang ng araw,
Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat.

Ngunit,
Ang panibagong balat,
Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko.
Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko.
Ngunit,
Sa panibagong balat, nais ko magsimula.
Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay,
Ang imahe ng nakakadiri kong balat.

Bilang ang peklat.
Sukat ko kung gaano kalalim ito,
Noong sugat pa lamang.
Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito.
Baka sakaling iwasto ng bago kong balat,
Ang mga naimali ko.

Makikilala kaya ako ng ibang tao,
Sa bagong balat na suot ko?

Marahil hindi,
sana hindi,
panigurado hindi.

Nais kong magtago,
Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad.
Nang hindi ko na itatakip,
Ang aking palad sa aking dibdib,
Dahon sa ibaba ng puson.

Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas,
Halos magsisilabas
Ang mga putang mismong makakarinig,
At yayakapin ko sila.

Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit.
Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi.
Malinis,
Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway.
Mabango,
Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan
Ng pawis ni Ricardo kagabi.

Bagong balat.
Ibebenta ko ang luma kong balat,
Sa gabing ito.
Bilhin mo ang aking balat.

May panibago bukas,
Pag-asa, hamon,
Mantikilya sa loob ng pandesal.

Gamit ang luma kong balat,
Makakabili pa ba ako ng bago?

Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit.
Ang balat ko, nalaspag na.
Tulad ng puti kong damit,
Hindi na ito puti.

Marumi ang titig ko.
Marumihin ang aking naisuot.
Ang balat ko ay puno ng mantsa,
Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat,
Iisa parin ng uri.

Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at
Yurak sa puti kong suot.
Bagong balat, kulay puti.
Wala na akong maisuot.

Hubad na ang aking puri.
Hindi ko masuot ang salapi.
Magkano pera mo? Tara?
Nais mo bang makita ang aking balat?
Itong tulang ito ay patungkol sa prostitusyon. / This poem tackles prostitution.
Peanut Jul 2015
Tara aking mahal,
Let's have a contest,
Paunahan magsabi ng "I LOVE YOU",
Nang sampung milyong beses,

Game ka na ba?

Teka!

Bago magsimula,
Bigyan kita ng babala,
Na pag tayo ay nagsimula,
Wag kang mawawala,
Bagama't tayo ay di makakawala,
Sa ating mga kataga,


Saglit lang!

Ito ang patakaran

Walang lokohan
Pero may giritan
Walang sasaktan
Pero may kulitan
Walang lamangan
Pero may halikan

At walang limitahan
Kapag tayo'y nagmahalan

So ano?

Ready ka na ba?

Tatlo!

Dalawa!

Isa!

Simulan Na!!

Mahal Kita :
013017

Hindi ako humihingi ng bago sayo
Pero inabutan mo ako ng blangkong papel
Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako
Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko.

Hindi ako humingi ng espayo sayo
Pero binigyan mo ako ng patlang --
Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot
Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin
O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko
Para lang may maisulat ako ngayon.

Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko
Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina --
Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba
Hindi ko alam kung ginusot mo na ba
O baka naman ipinadaan mo na sa apoy
At oo, natupok na ang lahat
Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata
Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado
Sa kung papaano ako nagsimula
O paano ako nagtapos sa piyesang iyon
Pero ang alam ko -- ayoko na.

Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa
At halukayin na naman ang nakaraan
Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok
Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan
Sasabay ang takot sa kulog
Sasabay ang galit sa kidlat
At wala -- wala na naman ako.

Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula --
Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat
Oo, hindi naman nabubura ang sakit
Pero kaya itong lagpasan
Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon
At hinilom na ang lahat --
Oo, napatawad na kita.

Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra
Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin
Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako
Ano raw bang meron sayo na minahal kita
May mas magmamahal pa raw sa akin
Mapapagod lang daw ako
Sasaktan mo lang daw ako.

Pero alam mo, iba ang sabi Niya --
Na patawarin kita
Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko
Na wag akong magtanim ng sama ng loob
Na pinalaya Niya na ako
Na higit na magtiwala ako sa Kanya
Na muli akong magtiwala sayo
Na wag akong matakot magmahal muli
Na wag akong matakot masaktan
Na lagi kitang ipanalangin.

Sa totoo lang, hindi ko alam
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan
Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal,
Wala akong masasagot sayo --
Basta, basta mahal kita
At mas mahal ko Siya --
Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
ramon cayangyang Nov 2016
Bago ako magsimula , Gusto kulang sabihin sayong “kamusta?”
Parang kay tagal na simula nang huling tayo ay magkita
Hanggang ngayon hindi ko masabe kayat dadaanin kita sa
Maikli kong tula ….

Sa tulang halos buhay ko ang nilalaman , buong buhay na aking
Minahal at pinaglaban ng hindi man lang niya nalalaman . ..
Kahit na alam ko na sayo ay may nagmamahal at kayong dalawa
Ay nagmamahalan patuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban

Nakikipaglaban sa aking nararamdamang hindi ko alam kung bakit
Kinakailangan , bakit kailangan kong pagdaanan kasi hindi ko kayang
Iwaksi sa aking isipan at sa tuwing tatalikod ako sayo hindi ko
Mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman …

Nararamdamang kalungkutan ngunit napapalitan ng kasiyahan sa
Tuwing ikay aking masisilayan , masilayan ang nagiisang dahilan ng
Tuwa at pasakit na aking nararamdaman

Pero kahit punong puno ng pasakit at pagdurusa ang dulot mo sa
Akin wala akong pakielam …
Kahit na sabihin ng iba na “TANGA KA BA ? MAHAL MO PERO MAHAL
KABA ?

Wala akong pakielam sa sabihin ng kahit na sino man , isa lang naman
Ang laman ng aking isipan

Ang oo at pero , OO ngat alam ko na sa puso niya ay hindi ako bagkus
Iba ang siyang nanahan ,
Pero sa puso ko , ikaw ang siyang nagturong magmahal ng totoo kahit
Na alam na walang dapat asahan

Na ang salitang “TAYO” sa panaginip kulang makakamtam

Pero kahit ganon paman ang kinalabasan , Masaya parin ako sa nagging resulta nang aking ginawa na tinatawag ng karamihan na “KATANGAHAN”

Kase hindi kuman nagawang makamtan ang taong laman ng aking isipan ,at kahit Alam Kong sa panaginip kalang mahahagkan

Atleast natutunan ko at nagawa kong lumaban at ipaglaban siya
Kahit na hindi man lang niya nalalaman
#hugot#filipino#tagalog
cherry blossom Nov 2018
Bakit balewala na sa akin ang pagkalunod?
Bakit sa tuwing nahihila pababa ng angkla'y nagpipigil na lang ng hininga?
Bakit tuwing nahuhulog ay hindi na sumusubok lumaban
At sa tuwing may kamay na kukuha pabalik ay pilit iniiwasan


Isang araw ay nagising
Nang 'di namamalayan ang mga luhang umaagos sa mga mata
Ganito pala sumagot ang sariling katawan
Na paulit ulit nagsasabing hindi na sapat ang paglimot
At di na rin sapat ang pagsisinungaling at pagpapaniwala sa sarili
Na ayos ka na
Dahil hindi pa naman talaga
At akala mo lang noon na handa ka nang bumagon ulit at magsimula

Kaya bumalik na sa himbing ng pagtulog hanggang sa makalimot muli
11/3/18
Hindi ko tanda kung bakit
Basta't alam kong masakit...
Masakit ang iwan ka ng taong mahal mo
Tulad na lamang ng  pang-iiwan ko sa'yo

Hindi ko alam kung ano ang rason
Basta't mga damdaming ito'y dapat nang ibaon
Na dapat na lamang limutin ang lahat
Ngunit yun pala'y, hindi ito sapat

Aaminin ko na ngayon na ako'y nagkamali
Na ang iyong pagtitiwala'y tuluyan kong binali
Bakit ko nga ba nagawa ang mga bagay na iyon?
Na pati pagmamahal mo'y basta nalang tinapon

Ako'y di karapat dapat sa isang tulad mo
Ngunit sa pagkakataong ito, sana'y dinggin mo ako
Limutin na natin ang mapait na nakaraan
Pagkat Diyos na rin mismo ang gumawa ng paraan...

Kundi dahil sa aksidente, di ako matatauhan
Sa pagmamahalan nating puro galit at tampuhan
Kaya burahin na natin at magsimula muli
Gawin ang tama't huwag nang mag-atubili

Pasensya na rin kung di kita lubusang tanda
Basta't sa kinabukasan, tayo'y maghanda
Paano nalang kaya ang buhay ko kung wala ka?
Laking pasasalamat ko nalang  sa'king amnesya
XD

© Cyrille Octaviano, 2015
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas
Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig
Ang mga balitang may madalamhating panimula.
At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma
Sa kahon at sa lilim ng Malacanang,
Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya.

Ginuguhit ko sa aking isipan
Ang paulit-ulit na malalaking tuldok
At ang kani-kanilang dugtugngan
Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan
Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi
Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan.

Natatandaan ko pa noong elementarya,
At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan
Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito
At sabay-sabay na susugod at lulusob
Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito.

At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili
Ang mga imahe sa realidad
Ay wala naman akong kakayahan
Para pigilan ang tadhana sa pagkitil
Ng kanilang mga pinaglumaang orasan.

Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon
Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal
At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto
Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan
Ay magsisilbi namang pamana
Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban.

Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan
Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala
Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat.
At marahil bukas o sa makalawa'y
Sabay-sabay din tayong magbunyi
Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
Andrei Corre Aug 2021
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman
'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin
Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'?
Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na
Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang
Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang,
Sabay ang galaw ng ating katawan
Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan

Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo:
Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo
At sa mapupula **** labi ko narinig ang
Sinabi ****: ganiyan din ang nararamdaman ko
Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi
Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi
Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa
Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba
O kahit pareho pa tayong nakapalda
Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y
Maputulan ng hiniga

Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala
Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa
At mas maingay pa ang bulungan
Kaysa awit ng banda
O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa
Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo
Mapapagod din sila

Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga
Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko
Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa
Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga

Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal
Pero huwag ka sanang mabibigla
Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit
Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat
Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula
Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad
Ng agos na pilit kong nilabanan
At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang
Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan
Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan
Sa walang hanggan nating habulan
Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang
Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa

Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam?
May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha
Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang
Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw
Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw
Ang dalaga noong una't huli kong sayaw
Na alam kong imposible nang balikan
Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na
Lahat ng 'yon ay tunay
At mahal kita, maniwala ka
Kahit ako pa ang unang bumitaw

#
2017 spoken poetry piece
luna May 2020
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula.

hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan.

muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita.

hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin.

bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan.

sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
panimula
072821

Hayaan **** magsimula ako
Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat
Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas,
Ipinipintig ng puso't damdamin
Ay nagmumula Sa'yo.

Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan
Lahat ng nararamdaman
Gusto kong sambitin
Yung bawat tugma ng salita
Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala
Sa katauhan kong hindi alam
Kung saan nga ba papunta.

Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin
Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din.

Sa paglalakad ko,
Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang
Hindi ko pa nasisilayan.
Ang mga mata **** luha'y ibinubuhos ng kalangitan
At sa bawat pagpatak nito'y
Pilit kong iniaabot ang bawat butil
At sinasabi ko sa sariling,
"Balang araw, wala ng luhang matitira pa."

Maging sa pagkilos ng mga bituin
At pag-ihip ng hangin,
Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito.

Wala Akong gusto at iba pang hangarin
Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata.
Gusto Kong patuloy kang tuamakbo,
Patuloy kang mangarap
Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa.

Ngunit sa paniniwala **** iyon
Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan --
Tutulangan papunta.. Patungo tayo
Sa pangarap Kong laan sa'yo.

At kung Ako..
Kung Ako man ang pinipili mo,
Hayaan **** ika'y bihisan ko --
Bihisan nang walang pag-aalinlangan.
Yung pag-aalinlangan mo sa sarili **** hindi mo kaya,
Yung pag-aalinlangan **** wala nang pag-asa,
Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na.

Pagkat sa bawat pahina,
sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo
Na para bang ito'y pulang laso
Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo --
Sa puso **** patuloy na lumalayo..
Patuloy na nanganagmba
Sa kinabukasang hindi mo naman makita.

At sa kurtina ng Liwanag
Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab
Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala
Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat
Ay masasabi kong may lunas na.
Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin
Ay nasilayan ko na.

Salamat, salamat Ama.
Salamat Panginoong Hesus
Dahil sa krus tayo'y nagtagpo.
Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man --
Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan
Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin
Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko.
Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko.
Ngunit sa pagku-krus ng ating landas,
Ay masasabi kong,
"Masaya ako, guminhawa ang buhay ko,"
Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin..
Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin..
Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko..
Patungo Sa'yo.
Nagsimula akong mag-record ng spoken word poetry after devotion.
Lahat impromptu; lahat random at kung ano lang ang masambit ko. Yun na yun. Salamat, Panginoon!
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad,
Ayokong maniwala sa kapalaran,
Pagkat hindi na tayo mga batang
Nakikipaglaruan pa
Sa mga mumunti nating mga pangarap.

Sa bawat desisyong ating paninindigan,
Doon natin masasabing, kaya talaga natin.
Mahirap man makipagsapalaran
Sa mga nagtatagisang katauhan
Ngunit, isipin mo,
Hindi natin sila kalaban.

Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya,
Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng,
“Magandang umaga.”
O kung bakit minsan,
Nananatili tayong pagod na pagod
Na tila ba hinihila tayo ng Araw
Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang
Na magpapagal at hindi aani.

Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo,
Kundi iikot tayong may dahilan
At hindi tayo magiging pabalik-balik.
Tayo’y matututo sa bawat lubak,
Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko —
At tayong manananatili sa pagwagayway
Ng ating mga bandera,
Na hindi nagpapatangay
Sa mga mistulang diktador na mga alaala.

Magbibilang tayo ng araw,
Ngayong taon
Ngayong araw na ito,
Tayo’y magsisimula —
At hindi tayo magtatapos
Nang walang kabuluhan
Ang ating mga adhikain.

Tayo ay iisa —
Isa, dalawa..
Tatlo..
Tayo na —
At magsimula.
JOJO C PINCA Nov 2017
"Gather ye rosebuds while ye may,
    Old Time is still a-flying;
    And this same flower that smiles today
    To-morrow will be dying. "

Robert Herrick


Ang buhay ng tao ay sadyang maiksi at walang tibay, katulad lang ito sa kastilyong buhangin na agad gumuguho sa hampas ng alon at ihip ng hangin. Kaya marapat lang na ito ay ating samantalahin habang may panahon pa, hindi dapat na masayang ang bawat sandali ‘pagkat hindi na ito muling magbabalik pa.

Bakit ka nagsusumiksik sa isang tabi at nagmumukmok? Walang saysay ang maging malungkot sapagkat sandali lang itong ating buhay. Tumindig ka at gawin mo kung ano ang nararapat, piliin mo ang maging maligaya at kapakipakinabang. Tuklasin mo ang pilosopiya at kahulugan ng iyong sariling buhay nang hindi umaasa sa iba.

Kumawala ka sa tanikala ng mga maling akala at walang kwentang panukala, ang mga patakaran ay mga paraan upang ang tao ay alipinin kaya hindi ito dapat na tanggapin. Maging hari ka at panginoon ng sarili **** buhay sa ganitong paraan ka lang magiging totoong hayahay.

Huwag **** lingunin ng paulit-ulit ang kahapon dahil kahit anong gawin mo hindi na ito muling magbabalik pa, walang time machine na maghahatid saiyo pabalik sa nakaraan.

Huwag mo rin masyadong tanawin ang malayong hinaharap pagkat baka nga hindi mo na makita ang bukas na iyong pinapangarap.

Ang “ngayon” ang tanging panahon na iyong hawak at wala ka nang ibang mapanghahawakan pa. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon na parang ito na ang huling araw mo.

Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng iba sa halip ang puso mo ang iyong sundin at umasa ka na hindi ka nito kailanman ililigaw, gamitin mo ito na ilaw **** gabay.

At huwag **** sayangin ang nalalabi **** panahon, umahon ka mula sa iyong pagkakabaon at magsimula ka.

Katulad sa mabango at magandang bulaklak na iyong nakikita ang buhay **** tunay ngang maikli ay malalanta at mawawalan rin ng sigla kaya’t bago ka pumanaw gawin **** makasaysayan ang iyong bawat ngayon.
112017

Baka sabihin ****
Hindi na ako marunong magbilang
Kung magsisimula ako sa bente-singko —
Sa bente-singko kung saan sa lumipas na mga tao’y
Wala pa ang Ikaw at Ako
At marahil ang Ikaw at Ako ay pawang nasa piling pa ng iba.

Baka sabihin **** mahina ako sa numero
Kung gusto kong magsimula sa bente-singko
Kung saan alam kong ang una, pangalawa
At susunod pang pagbibilang ko’y
Tanda ng pagsalubong ko sa buhay na kasama ang Ikaw.

Pero teka, ayokong magmadali
Ayokong mag-aksaya ng bukas o makalawang
Nagtatago sa mga letra ng tula —
Pero salamat, hanggang sa susunod pang mga numero.

At oo, nagsimula na akong magbilang —
Magbilang nang walang katapusan
Parang pag-ibig,
Ikaw ang Pag-Ibig.
Hale Oct 2019
Sa bawat patak ng oras, ako'y nauubos.

Hindi mawaring isipin kung kumusta ka.

Iniisip mo ba ako? O ako lang ba ang nahulog?

Pilit kong itinatanim sa aking isipan na huwag magmadali.

Hayaan ang tadhanang gumawa ng paraan. Bigyang respeto ang tamang pagkakataon. Huwag nating pilitin.



Ngunit kasabay ng pagkumbinsi sa sariling huwag mangialam, nahahati ang aking isipan upang gumawa ng unang hakbang.

Ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kikilos? Subalit sasagi sa isip ang posibilidad na mawala ka dahil sa mapupusok kong gawi.



Isang malaking palaisipan ang pag-ibig.

Hindi ito para sa mga mahihina ang puso.

Hindi ito para sa mga taong mabilis mahulog at madaling masaktan.

Minsan napapaisip ako kung bakit pa ba natin ito ginagawa?

Sa dinami-dami ng hirap, sakripisyo, at sakit nitong dulot, talaga bang may patutunguhan?



Sa tagal ng panahong ginugol kong mag-isa, naliwanagan ako sa aking halaga.

Karapat-dapat ako sa pagmamahal na buong-buo at mapagpalaya.

Ngunit, tangina naman. Bakit ganito kahirap mahanap?



Akala ko madali. Iwinaksi ko lahat ng hadlang na maaari kong malampasan.

Ginawan ng paraan at isinaayos ang sarili.

Pagkalingon ko'y ako bigla ang nahuli.

Halos lahat ng aking mga kasabayan nagkaroon na kani-kanilang katambalan.



Ang malas ko naman.

Bakit ako na lang ang hindi nabigyan? Hanggang sa dulo ba ay ganito pa rin?

Parusa ba ito sa salang hindi ko namalayang gawin?

Diyos ko, ano bang magagawa ko?

Anong ginawa ko upang maranasan ito?



Hindi naman sa pagdadrama.

Ang nais ko lamang ay isang makakasama. Iyong makakausap sa araw-araw nang walang sawa.

Iyong magbibigay sa akin ng atensyon at alaga. Ngunit kasabay nito, ako'y handa rin

Na isauli ang pagmamahal na aking nagkakandarapang kunin.



Isang pagkakataon lang po upang magsimula muli ang puso

Makadama ng pagmamahal na tapat at totoo

Makakaasa kayong hindi ko ito isusuko

Anoman ang pagsubok na aming matamo
First Filipino poem I published.
For all the people who had been single for a long time and wanted to have someone again
Bryant Arinos Jan 2018
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.

Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos

Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.

Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Carl Oct 2018
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal
Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na  lilipas
ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong
buhay ko na wala ka.
Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko
Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito,
ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo.
Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla.

Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling.

Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama.
Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba.
At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo.

Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
Matuto ng Filipino! Magsimula sa Bahagi ng Pananalita
Pag-aralan Panlapi, Ponolohiya, Morpolohiya
Matuto ng Panitikang sariling atin
Manaliksik, lumikha ng sariling sulatin
Sa Idyoma at Tayutay pagpapahayag kulayan
Magsalaysay, Maglarawan, Maglahad, Mangatwiran
Maaliw, ma-engganyo sa ating mga epiko
Dito mababatid malikhaing Pilipino
Sariwain mga likha nina Balagtas at Rizal
Salamin ng panahon, kapupulutan ng aral!

-09/02/2016
(Dumarao)
*GEN Poems
My Poem No. 505
Di ko alam paano magsimula,
Di ko rin kasi alam kung paano "ito" nagsimula.
Kung paano mo ginising
ang puso kong himbing na himbing.
Kung paano mo ginawang makulay
ang boring kong buhay.

Saglit lang ang panahon na tayo'y nagkakilala
Pero sa panahon na yon pinaramdam mo sakin pa'no maging masaya,
Pinaramdam mo sakin kung pa'no tumawa
sa likod ng mga problema.
Binigyan mo ng kahulugan
ang buhay kong walang pakinabang.
Binigyan mo ako ng rason
para gumising at bumangon
sa umaga, at inaasam kong marinig
ang matamis **** tinig,
masilayan ang mga ngiting **** daig pa ang araw
sa pagbigay ng liwanag na sa akin at pumukaw.

Di ko na alam paano paano to tapusin,
Basta't ang alam koy ayaw ko muna to'ng tapusin.
Leslie Jade May 2021
Gusto kong gumawa ng kanta
pero hindi ko alam paano sisimulan

Gusto kong magsulat ng tula
pero hindi ko alam ang tamang salita para magsimula

Gusto kong kumanta
pero hindi ko kayang abutin ang mga gusto kong awitin

Gusto kong sumayaw
pero wala akong lakas para humataw

Gusto kong gumuhit at magpinta
ngunit hindi ako kasing galing ng iba

Ang dami kong gustong gawin at aralin
ngunit hindi ko magawa
dahil ang daming kulang sa akin

Ni hindi ko alam kung may iaangat pa ba ang talento ko
Baka hanggang dito nalang kasi talaga ang kakayahan ko
Baka nga naniwala lang ako sa ilusyon na magaling ako

Kasi ang totoo ay hindi ako mahusay
Hindi ako matalino

Sakto lang ako.
mica Feb 2018
Halika't samahan mo ko
Sa pagbalik sa nakaraan
Kung saan ikaw pa ay aking gusto
At ako ay iyong kaibigan

Nang makita kita
Ako'y namangha
Sa iyong talentong ipinakita
Sa buong eskwela

Di ko aakalain
Na ika'y gugustuhin
At ang panahon ay palipasin
Nangangarap na ika'y mapasaakin

Ngunit heto na tayo
Sa kahuli-hulihang pahina
Ng ating kwento
At ng ating pagkikita

Oo, hindi na kita gusto
Sapagkat ang paglipas ng oras
ay masyado kong sineryoso
at ang pahina ng aking mga damdamin at dahan-dahan kong pinilas

Ngunit, bakit?
Bakit kung kailan ilang buwan nalang?
Bakit kung kailan nasa huli nang hakbang?
Bakit kung kailan ika'y maglalaho na?
Bakit kung kailan huli na?
Bakit?

Kailangan pa ba na ako ang umamin ng hindi kayang aminin?
Kailangan pa ba na ako ang lumapit upang masabi ang gustong sabihin?
Kailangan pa ba na ako ang magsimula ng gusto **** simulan?
Kailangan pa ba na ako ang gumawa ng paraan para sa'yo?
Sa tingin ko, hindi ko na kailangan

Pasensya na
Sapagkat huli na ang lahat
Ako'y nakadaan na sa iyong pinagdadaanan ngayon
Ngunit hindi tayo nagtagpo

Pasensya na,
Dahil huli na ang lahat.

Hindi na kita kailangan.
𝙰𝚗𝚗𝚎 May 2018
Magsimula muli, ang sabi nila.
Madaling sabihin, mahirap gawin, ang sabi naman ng isa.
Hindi alam kung ano ba talaga
Nakakapagod, ika nga.

Ginusto ang isang bagay
Bagay na hindi maibigay bigay
Masyadong malaki, masyadong mabigat,
Isang bagay na matagal nang hinangad.

Hanggang kailan ba malulungkot?
Hanggang kailan matatakot?
Pupwede bang ihinto ang oras?
Masundan lang ang pusong sinisigaw ang tamang landas.

Matagal nang hinangad,
Matagal nang pinangarap,
Minsan mapapatanong na lang,
Hindi ba ang isang tulad ko, ay karapat-dapat?

Isang linggo na ang nakalipas,
Isang linggo na ang nakaraan,
Bakit presko pa din ang sakit?
Sa isang pangarap na hindi nakamit.

Hanggang dito na lang,
Tulang sumisigaw ng tulong, tulong.
Masyado pang mahapdi, mga sakit na tumindi
Ngunit ang puso'y magpapatuloy, hindi susuko sa agos na dadaloy.
M e l l o Jun 2019
"Magsimula tayong muli."

Yun ang sabi niya, na parang kay dali lang ibalik lahat nang iniwala niya. Sa tagal niyang nawala hindi ko lubos maisip pang babalik siya na tila ba parang wala lang nangyari.
Ang walang hiya, sasabihin na kasalanan ko din naman kung bakit siya nagdesisyon umalis para hanapin yung sarili niya at ayun hinayaan ko na. Hindi ako martir. Bingi na kasi siya sa mga pakiusap kong subukan namin ulit.
Sa nagdaan na panahon na wala siya, pilit ko din inaayos yung lahat na binasag niya. Pilit pinagdikit ang natitirang bubog ng pagkatao ko na dinurog niya. Tinahi yung gutay gutay kong puso at pilit na ginamot hanggang sa maghilom.
Ang pagmamahal na inapak apakan niya lang ng makapal niya na tsinelas ay pilit niyang pinapadampot sa akin na para bang gusto niyang ialay ko ulit sa kanya. Tatanggapin ko ba ang proposisyon niya? O baka naman nabagot lang siya kasi walang mapaglaruan na iba?
Ang hirap sa kanya libre na nga binalewala niya pa.
Sobra akong nagpakatanga sa kanya noon. Ngayon, kahit nasa harapan ko siya nagtatanong kung pwede pa ba? Nanumbalik man ang sakit ng nakaraan na dati pilit ko winawaglit. Nasabi ko na lang sa kanya.

"Hinding hindi na ako magpapaloko ulit tama na siguro yung nagpakatanga, naging alipin, sumugal, nagmakaawa at kailanman hindi ako naging sapat sa maling tao at sa maling pag-ibig."
Bryant Arinos Feb 2021
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya?
hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala.
tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin
ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata.

napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa.
sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa.
sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising
at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin.

ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok.
ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos.
Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . .
na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong.

ang mga oras at panahon ay tila naging saglit,
ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit
na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok"
pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok

marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa,
alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana.
inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa
--at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala.

kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko.
'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo.
hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo
at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
082021

Naranasan mo na bang sumigaw
Nang walang nakaririnig?
O kaya lumuha nang walang sumasalo?
Sa bawat patak ng bumubugso **** damdamin.

Naranasan mo na bang kumatok
Nang walang nagbubukas?
O kaya tumawag nang walang sumasagot?

Ang tempo **** sinusumpong ng tampo’y
Umaanod sayo papalayo
Sa nararapat mo sanang hantungan.
Nakalimutan mo na rin atang
Hindi sarili mo ang iyong kalaban
Kaya’t hindi ka na rin mapigilang
Manlumo sa karagatan ng iyong mga pasanin.

Patuloy ang iyong pagsisi sa sarili
Bunsod sa mga responsibilidad
Na sana’y napanagutan mo
Ngunit iyong iniwanan
At pilit na tinakasan.

Ngunit sa paulit-ulit mo ring
Pagsagwan palayo’y
Patuloy ka ring hinihila pabalik
Kung saan ka nararapat
Para magsimula kang muli.

Ang iyong walang pagpapaalam
Sa plinano **** paalam
Ay naging hayag na paglisan
Sa nakaraan ****
Walang ibang mas mahalaga pa
Kundi ang pagtuntong mo
Sa ngayong noo’y ayaw **** pagtayuan.

Ang bawat gumuhong gusali ng iyong nakaraa’y
Kusang mag-aalis ok sayong
Pagtagpi-tagpiin mo sila nang nakapikit.
At kahit pa —
Kahit pa sinasabi **** nalimot mo na
Kung saan mo hindi sinasadya
O kusang naiwan
Ang mga piyesa ng iyong sarili ng tula
Ay kusa mo rin itong maaalala
Na para bang ang lahat ay bago’t
Hindi ka na mahihiya pang
Bumalik at magsimulang muli.

Lulan ng mga lumang pahina
Ang pag-asang may tiyak na kahulugan.
Tiyak ang iyong hahantungan
At walang katotohanan
Ang sinasabing “paano?”
Kung hindi mo naman nanaising
Tumapak sa hagdan
At kusang umakyat
Gamit ang sarili **** mga paa.

— The End —