Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpapakilala" poems
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago Na para bang lagi akong tinutukso O bakit ka ganyan, binibini? Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan Para **** niyanig ang mundo kong tahimik Puso kong parang gustong muling umibig Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari? Mga bagay sa aking isipan na nawari Hanggang tingin nalang ba ako sayo Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido? Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot Unang hakbang ng puso mo'y maabot Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan Liligawan pati iyong mga magulang, Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang Sa Itsura man ako'y salat Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 2:22 AM UTC
MARIKIT
May every waiting reveal its worth That all goodbyes equates to healing Every time we sink in pain Our souls are being shaped Which was never realized by yesterday Every waiting will sure come to an end One day you'll say I'm ready to cross the waiting line Finally, I get to see whatever is the prize Now dare to conquer tomorrow Surely every wound closes Together memories haunt you Nevertheless a new you is born Witness how it will form a trace Yet today, at least try to rise In the end, waiting and healing will become one *Nawa'y ang lahat ng pag-aantay ay may saysay Lahat ng pagpapaalam ay may tumbas na paghilom Pagkatao ang nahuhubog sa tuwing sa sakit nalulunod Kailan man 'di ito nababatid ng kahapon Matatapos din ang lahat ng pag-aantay Isang araw sasabihin **** Handa ka nang humakbang Tuklasin ang kung anong supresa ang naka antabay Ano pa't hamakin mo ang bukas Magsasara rin ang lahat ng sugat Patuloy na magmumulto ang mga alaala Ngunit ang bagong ikaw ang siguradong magpapakilala Masdan mo ang maidudulot nitong mga marka Ngunit ngayon bumangon ka Sa huli, ang pag-aantay at ang paghilom ay magiging isa*
0
Jul 25, 2017
Jul 25, 2017 at 6:32 PM UTC
Meeting Point (Tagpuan)
Meron akong nakilalang babae Kung saan ay hindi ko na ipagsasabi Siya ay hindi maipagkailang kakaiba Walang ibang pwedeng ihalintulad sa kanya Kung sino ka man sa likod ng ipinapakita **** imahe Yan sa ngayon ay hindi na importante Marinig ko lang ang boses mo na kay tining Na nagpapaganda nang tulog ko hanggang sa muling paggising Kung dumating man ang araw na ikaw na ay magpapakilala Sinisigurado kong ika'y bibigyang halaga Sa pagtingin ko ay walang magbabago Kasi pagkatao mo naman ang aking ginusto Kaya ikaw ay huwag matakot Ako'y hindi gagawa ng dahilan para ikaw ay maging malungkot Kasi ang tanging gusto ay lumigaya ka Lalo na kapag ako ang may likha
0
Jan 22, 2021
Jan 22, 2021 at 6:42 PM UTC
Estranghera