Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
cherry blossom Jun 2017
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala."
yan ang sabi mo sa akin noon
buti nalang hindi na ako naniwala
dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko
"patawad" lang ang naisagot ko
hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko
hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip
dahil ang salitang ito
salitang nanghihingi ng kapatawaran mo
ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito
ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo
dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan
ng "patawad" noong simula palang
"patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo
noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko
hindi na ako naniwala
"patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin
tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to
kaya hindi na ako naniwala
"patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad"
halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo
kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo
at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo
patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato
sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad"
sana patawarin mo ako
dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo
nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili
ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali
pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to
para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw
dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw
at akala mo ako ang nauna
pero hindi,
hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako
alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
naglalakbay ang utak ko, pasensya na tumigil sa harap ng ala-ala mo.j
Pluma Feb 2018
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin,
Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin.

Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan,
Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo.

Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit,
Mga agam-agam at handusay ng lumbay.

Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan.

At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito,
Sana'y manatili ka.

Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan,
Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya,
Manatili ka sana,
Manatili kahit panandalian.

Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan,
Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga.

Sapat sa akin ang pumarito,
Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko,
Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin,
Dito sa walang akin.
Hindi ako ang taong hinahanap mo, at siguro, hindi rin ikaw ang taong akala ko noon na kailangan ko.

Oo, nagbago ako— at alam kong iyon ang hindi mo matanggap. Pero kailan ba naging kasalanan ang pagbabago? Bakit kailangang may masisi? Bakit kailangang isa sa atin ang may sala?

Ang "tayo" noon ay tila isang kwento na sinimulan natin nang may galak, ngunit natapos nang walang malinaw na wakas. At kahit gusto **** isipin na isa lamang itong kwento ng paglimot, alam **** hindi lang iyon ang nangyari.

Alam **** may mga sandali na kahit magkasama tayo, ang isip ko ay lumulutang, naghahanap ng ibang daan, ibang kapiling. At alam **** kahit anong sakit ang maramdaman mo ngayon, walang balikan, walang paliwanag na sapat para burahin ang katotohanang iyon.

Kung ang paglayo ko ang naging dahilan ng pagguho mo, hindi ko na iyon mababawi. Pero huwag **** isipin na ginawa ko ito upang sirain ka. Dahil hindi ko kailanman hinangad ang bumitaw sa bagay na minsan kong pinahalagahan.

Pero minsan, ang isang tao ay hindi talaga itinadhana upang manatili. At minsan, ang pagmamahal ay hindi sapat upang hindi hanapin ang iba.

Hindi kita pinagkaisahan, hindi kita ginamit, hindi kita iniwan nang walang dahilan. Nagbago ako, nagbago rin ang nararamdaman ko. At hindi kita ginawang laruan— pero hindi ko rin kayang ipilit ang isang bagay na nawala na.

Ikaw ang naglingon pabalik, habang ako naman, tuluyan nang lumakad palayo. Hindi dahil gusto kong makalimutan, kundi dahil alam kong wala nang dapat pang balikan.

Hindi ko na hihilingin na intindihin mo ako. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong magpaliwanag pa sa iyo, dahil sa dulo, hindi naman kailangang lahat ng bagay ay may paliwanag.

Matagal ko nang alam ang nararamdaman mo, matagal ko nang alam ang hinanakit na hindi mo kayang bitawan. Pero kung ako ang nagpasyang lumayo, ikaw rin naman ang matagal nang hindi nagawang manatili.

Kung ang huli nating usapan ay isang paghuhusga, isang pagsisi, isang hanapan ng dahilan— siguro, ito na ang huling sagot ko sa iyo.

Hindi ko na kailangang lumingon pa. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kung paano ako nakahanap ng iba, kung paano ako tuluyang nawala kahit sa harapan mo pa lang.

Wala na rin naman kahit na balikan, wala na ang tamis nung ika’y nahagkan, at sa huling paalam, naintindihan na sa ating dalawa, may ibang nakalaan.

Wala na tayong “tayo.” At kung iyon ang katotohanan, matagal ko nang natanggap iyon.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangang lumingon pa. Paalam.

— The End —