Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpakailan" poems
Ikaw lang, (Pangako) Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit, Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay” "Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Ikaw lang, (Pangako)
Verse 1: Wala sa yong mga mata Ang kinang, kislap, na dati kong nasisilayan. Bakit? Yan ang sinasabi ng mga tala, buwan, maging kalangitan na tuwing gabi’y ito ang nakikita sa piling mo’t tabi. Ako’y nasasabik sa yakap at halik. Bridge 1: Aking inaasahan na sanay di sabihing mawawaglit ang oras, natirang sandali. Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan. Verse 2: Kahit may ibang magparamdam Sayo ako, pangako yun magpakailan man. Bakit? Dinig ko sa paligid ko Sayo lang nabuo wasak kong mundo Nang nag-iisa’y ikaw lang kasama. Sa yakap at halik, sayo ko nabatid na mahal kita. Bridge 2: Aking inaalala Sa panahong ika’y nabubuhay pa ang oras, natirang sandali. Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan. Sa walang hanggan Naniniwala sa walang hanggan Ang oras, at natirang sandali. Naniniwala
0
Jan 20, 2017
Jan 20, 2017 at 11:04 PM UTC
Guhit ( Sa Pagpanaw ) - By Russell Amansec
Mahal ko, ika'y hinahanap-hanap ko, ang iyong ngiti at pagmamahal kailangan ko, Bakit kailangan tayo'y magkalayo? Ikaw aking buhay't pag-asa. pero ako na lamang pala ang umaasa, Naglaho na nga bang tuluyan iyong pagsinta? Mga tao sa aking paligid, Lahat sila'y nagmamasid, Kung ako ba'y sa lawa ng pag-ibig pa din sumisisid. Pero aking natutunan, ika'y pakawalan, Sa hawla ng pag-ibig na walang katapusan at patutunguhan. Malay ka na aking mahal, ito ay dapat **** pakatandaan, mahal pa din kita magpakailan pa man.
0
Dec 5, 2017
Dec 5, 2017 at 4:07 AM UTC
MALAYA
Hating Gabi Panibagong araw na nmn Petsa sa kalendaryo ay nag iba na Ngunit nananatiling madilim pa Ganito talaga pag hindi ka kasama Ang ganda pagmasdan Ng mga bituin at ng buwan Pero di parin sapat para pantayan Ang liwanag na ibinibigay ng babaeng itinuturing kong araw at mamahalin ko magpakailan man Pa usbong na ang umaga Lumalalim na ang gabi Ikaw lang gustong makasama Ikaw lang ang nais makatabi Ngunit parang di pa ipapatupad ng tadhana At hindi pa yata pwede Hindi pa natin pwedeng pagsaluhan Ang oras Parang pinaghatian lang natin ang isang araw sayo ang umaga akin ang gabi Ang makasama ka ay para bang bukang liwayway Na ninanais ko ng matanaw at maabot Ngunit ito’y matagal pa kaya nakakayamot Ako ay nasa alas dose pa at hindi naman sa nag iinarte Nakakalungkot lang na matatagalan pa ang bukang liwayway kasi nandito pa ako sa hating gabi
0
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:48 AM UTC
Hating Gabi
Isa dalawa tatlo Mag unahan tayo sa dulo Kung May mahuhulog Ay Walang sasalo Apat Lima anim Nagiiba na ang takbo ng mundo Nahuhulog na yata ako sa iyo At Unti unti ko ng ginugustong sumuko Sa laban na ito Na nakakalito Ano ba ako sayo? Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako Dahil habang lumalayo Mas lalong lumalabo Mas lalong nagiging komplikado Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko Natatakot ako Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin Na bawal mahulog Dahil hanggang kaibigan lang tayo Pito walo siyam Nagiiba na ang ihip ng hangin Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin Kaya ko pa ba? Kasi yung taong gusto ko May gusto ng iba Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan Para nadin mawala ang mga “Baka sakali” Na gumugulo sa isipan ko Para nadin matauhan At matuto na ako Sampu Paalam Ito ako ngayon sa harapan mo Nagsasabing ako na’y susuko
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:14 AM UTC
SAMPUNG HAKABNG PAPALAYO SAYO